backup og meta

Paano Magpadede Ng Premature Na Sanggol?

Paano Magpadede Ng Premature Na Sanggol?

Sa ika-24 pa lamang na linggo ng kanyang pagbubuntis, napansin na ni Desiree Lubangco-Pineda, ina sa kanyang unang anak, at ng kanyang OB-GYN na mayroon na kaagad na lumalabas na gatas sa kanyang suso. Ito ay naging senyales para kaniya na maaari siyang magpasuso ang kanyang anak kung papayagan siya ng kanyang doktor. Ngunit hindi niya alam na ang kaniya palang magiging anak ay premature. Anu-ano ang kanyang mga pinagdaanan? Paano magpadede ng premature? Basahin ang mga kasagutan sa artikulong ito.

Premature Na Panganganak

Kahit sobra niyang pinigilan — siya ay pinagpahinga na lamang sa kanyang kama simula noong ikapitong linggo ng kanyang pagbubuntis — siya ay sumailalim sa preterm labor. Nang isilang niya ang kanyang anak na si Ava, isang sanggol na ipinanganak nang premature, ito ay may timbang lamang na 1.88 kg.

“Nagawa pa namin ang unang yakap, pero mabilis lang dahil kailangan na niyang mailagay agad sa loob ng incubator dahil siya ay premature na ipinanganak,” pagkukuwento ni Desiree. “Bilang isang nurse sa neonatal intensive care unit (NICU), naintindihan kong kailangang hindi muna pakainin ang isang premature na sanggol sa loob ng ilang oras para sa tamang pagsusuri at ebalwasyon.”

Alam din ni Desiree kung gaano kahalaga para sa kanyang anak na mainom ang kanyang colostrum, ang pinakaunang gatas na napoprodyus ng isang ina. Ito ay nagtataglay ng mataas na lebel ng protina, salts, fats, at mga bitamina para sa kumpletong nutrisyon. Kaya wala siyang sinayang oras at agad siyang nag-pump ng kanyang gatas pagkatapos niyang dalhin sa kanyang kwarto at nang bahagyang mabuti na ang kanyang kalagayan mula sa epekto ng anesthesia.

Mama Desiree kasama ang kanyang asawa na si Adam at anak na si Ava

“Kailangang manatili ni Ava sa NICU para sa kanyang kumpletong gamutan. Naging hamon iyon para sa akin dahil nakaranas ako ng sobrang produksyon ng aking gatas. Kinailangan ko laging mag-pump ng aking gatas gamit ang aking breast pump sa bahay kada 1 hanggang 2 oras habang nasa NICU ang aking anak,” pagbabahagi niya.

Paano Magpadede Ng Premature?

Dahil hindi direktang sumuso sa kaniya ang kanyang anak na si Ava sa mga unang araw makalipas niyang manganak, nakaranas si Desiree ng maraming problema sa pagpapasuso. Subalit kinaya niya dahil alam niyang ang kanyang gatas ay nagtataglay ng lahat ng nutrisyong kailangan ng kanyang anak na nasa NICU, matapang na lumalaban at mabilis na gumagaling.

Paano magpadede ng premature? Paano ito ginawa ni Desiree? “Bilang isang ina sa aking unang anak, alam kong ito ang pinakamagandang regalong maibibigay ko sa kaniya. Lubos akong naniniwala na ang gatas ko ay makatutulong sa kaniya sa maraming paraan. Nakatulong ito sa aking anak na magkaroon ng proteksyon mula sa mga impeksyon. Ito ay dahil ang mga premature na sanggol ay mas madaling kapitan ng mga impeksyon dahil kailangan nila ng mas maraming lakas upang lumaki. Ang mga premature na sanggol tulad ni Ava ay hindi pa ganap na nadedebelop ang bituka, at nahihirapang tunawin at tanggapin ang mga nutrisyon ng pagkain. Ang gatas ng ina ay nagbibigay ng tamang nutrisyon para sa kanila dahil mas madali itong tunawin,” paliwanag ni Desiree.

“Sobrang determinado akong gawin ang lahat para kay Ava upang mabilis siyang gumaling. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nasa mabuting kondisyon ang aking anak kahit na sobrang liit niya noong mga panahong iyon. Hinikayat kami ng neonatologist ni Ava na gawin ang unang yakap at ang direktang pagpapasuso sa lalong madaling panahon at nang madalas kung makakaya. Alam ko sa puso kong makalalabas din siya agad sa ospital,” pagpapatuloy niya.

Pagbabalik Ng Magandang Kalusugan

Paano magpadede ng premature? Makalipas ang isang linggo, ang malakas na inang si Desiree at ang kanyang matapang na anak na si Ava ay muling nagkasama. At sa sumunod na tatlong taon nang pagpapasuso ng kanyang gatas, buong pagmamalaking ibinahagi ni Desiree na si Ava ay may malakas na resistensya at hindi kailaman man nagkasakit. Minahal ng kanyang masayahin at malusog na anak ang kanilang naging karanasan sa pagpapasuso. Kaya naman, hindi niya natutuhang uminom ng gatas mula sa bote. “Direkta siyang sumuso sa akin sa loob ng buong tatlong taon. Naging mahirap iyon kapag may kailangan akong gawin at noong kinailangan kong bumalik sa trabaho. Lahat ng gatas na aking na-pump mula sa aking suso na hindi nainom ni Ava ay kailangan kong ibigay sa iba bago masira.”

Bago pa man siya maging guardian angel-nurse ng mga sanggol sa NICU departement ng isang ospital sa Laguna, pinoprotektahan na ni Desiree ang mga sanggol na ito — ang ilan sa kanila ay premature — sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang gatas.

paano magpadede ng premature

Mga Mapanghikayat Na Mensahe Ni Desiree

Ipinapayo ng Desiree sa mga ina ng mga premature na sanggol ang pagpapasuso at ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya. “Huwag kang panghinaan ng loob kung walang gatas na lumalabas sa iyong suso matapos manganak. Inirerekomenda ang madalas na pag-pump sa suso, kahit sa simula ay hanggang 8 beses sa isang araw — kasama ang isa na gagawin sa gabi — upang mapanatili ang suplay ng iyong gatas habang nasa NICU pa ang iyong anak. Maaari mong kolektahin ang iyong gatas sa isang maliit at malinis na baso o itago ito sa isang hiringgilya.”

Dagdag pa ni Desiree, “Sa mga unang araw, ikaw at ang iyong anak ay magiging mas malapit sa isa’t isa. Marahil ay hindi magiging madali para sa inyong dalawa na matutuhan agad ang mga dapat gawin habang nagpapasuso. Sa una, marahil ay mararamdaman mong wala kang ibang ginagawa kung hindi ang magpasuso. Unti-unti, ikaw at ang iyong anak ay masasanay rin at magiging mas marami ang dami ng gatas na iyong mapoprodyus. Kailangan mo lamang ng determinasyon at dedikasyon upang maging masaya sa prosesong ito kasama ang iyong anak. Sulit ang pagpapasuso!”

Ang kuwentong ito ni Desiree ay orihinal na inilathala sa Edamama ay muling ginamit nang may permiso: https://www.edamama.ph/discover/nurture/breastfeeding-mama-with-premature-baby-story

Basahin ang iba pang kuwento dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

10/12/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Vincent Sales

Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement