backup og meta

Ika-42 Linggo ng Pagbubuntis: Mga Dapat mong Malaman

Ika-42 Linggo ng Pagbubuntis: Mga Dapat mong Malaman

Matagal ang panahon ang dinanas, ngunit ang matagal na paghihintay ay tapos na! Ang iyong sanggol ay malapit nang lumabas. Ang tipikal na pagbubuntis ay tumatagal ng nasa 40 na mga linggo ngunit may ibang mga sanggol na maaaring ipanganak ng nasa 37 na linggo. Para sa mga dumanas ng hanggang ika-42 linggo ng pagbubuntis, pagaanin ang loob dahil ang mga doktor ay tutulong sa iyong labor at sa panganganak.

Narito ang kinakailangan mong malaman tungkol sa ika-42 linggo ng pagbubuntis.

Ika-42 Linggo ng Pagbubuntis: Kamusta ang paglaki ng aking sanggol?

Ang sanggol ay ganap nang na-develop sa mga panahon na ito na may kompletong mga daliri sa kamay at paa, bibig, mga mata, mga tenga, at mga kamay! Ang iyong tiyan ay makararamdam ng sobrang bigat, at ang iyong sanggol ay kasinlaki na ng jackfruit o pakwan. Sa kabila ng laki ng iyong sanggol, maaari mo pa ring subukan ang natural na panganganak. 

ika-42 linggo ng pagbubuntis

Habang komportable sa loob ng iyong sinapupunan at ganap na developed, ang iyong sanggol ay magpapatuloy sa paglaki. Sa ika-42 na linggo ng pagbubuntis, ang iyong sanggol ay magkakaroon ng kaunting mahahabang buhok at kuko, at kulubot na balat. Ang balat ng iyong sanggol ay maaari na ring magsimula na magbitak at magbalat dahil napapalitan na ang kanyang protective vernix. Ito ay normal at inaasahan.

Ika-42 linggo ng pagbubuntis: Pagbabago ng Buhay at Katawan

Paano magbabago ang aking katawan?

Sa ika-42 linggo ng pagbubuntis, ikaw marahil ay nag-iisip kung paano mo matitiis ang cramps sa hita, mga gabing walang tulog, sakit sa likod, almoranas, ang pabalik-balik sa banyo, ang hindi komportableng pagsipa ng sanggol, at iba pang inaalalang contractions. Ngunit napakalapit mo na sa finish line! Ang iyong sanggol ay malapit na lumabas kaysa sa iyong inaasahan, at posibleng lumabas pagkatapos ng linggo.

Habang ikaw ay naghahanda para sa labor at panganganak, mahalaga na antabayanan ang mga sintomas na ito:

  • Vaginal discharge, na minsan ay may dugo
  • Pagputok ng panubigan
  • Patuloy, matinding contractions na nangyayari sa maiksing pagitan

Ano dapat ang aking aalalahanin?

Bagaman hindi ito isang bagay na dapat ikaalarma, ang overdue na pagbubuntis ay maaaring nakababahala para sa ibang mga ina. Ngunit hangga’t ikaw ay nasa patuloy na pakikipag-ugnayan sa iyong doktor at handa na magtungo sa ospital kung pumutok na ang panubigan o naramdaman ang kabawasan sa pagkilos ng sanggol, mabuti ang mga posibilidad.

Ayon sa isang pag-uulat, 76% ng mga babae na lagpas sa 41 na mga linggo ng pagbubuntis ay nanganganak nang normal vaginal birth, habang ang 14% ay assisted vaginal birth (na gumagamit ng forceps o ventouse). Isa lamang sa sampu ang pumipili ng cesarean na panganganak.

Sa ika-42 linggo ng pagbubuntis, mahalaga na antabayanan ang katawan at ang iyong sanggol. Ang mga pagbubuntis na lumalagpas sa 42 na mga linggo ay may kasamang mga tiyak na komplikasyon tulad ng:

  • Pinched umbilical cord
  • Placental problems
  • Low amniotic fluid
  • Higher risk of stillbirth
  • Meconium aspiration

Ang meconium aspiration ay kung ang sanggol ay nakakain ng pinagsamang meconium (ang unang dumi ng sanggol) at amniotic fluid. Ito ay magiging sanhi ng hirap sa paghinga sa sanggol at maaaring humantong sa impeksyon ng mga baga. Ang iyong sanggol ay maaaring ilagay sa neonatal intensive care unit matapos manganak.

Sa ika-42 linggo ng pagbubuntis, kailangan mong maging maingat sa alinmang sumusunod na sintomas. Agad na kontakin ang iyong healthcare provider kung nararamdaman ang mga:

  • Abnormal discharge
  • Pagdurugo
  • Sakit sa tiyan

Pagbisita sa Doktor

Ano ang dapat sabihin sa doktor?

Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa kahit na anong komplikasyon na inaasahan sa ika-42 linggo ng pagbubuntis, at kung kinakailangan ng medikal na interbensyon upang mag-udyok ng labor. Dahil sa iyong sanggol na overdue, maaaring talakayin din ng doktor ang pagpili ng cesarean na panganganak.

Sa ika-42 linggo ng pagbubuntis, malapit ka nang mag-labor, kaya’t masinsinang i-monitor ang iyong sanggol at ang iyong katawan.Tandaan ang mga galaw ng iyong sanggol sa loob ng iyong sinapupunan. Kung may pagbabago sa pagkilos ng iyong sanggol, agad na sabihan ang iyong doktor.

Anong tests ang dapat kong malaman?

Sa ika-42 linggo ng pagbubuntis, mahalaga na ikaw at ang iyong doktor ay may palagiang contact sa isa’t isa. Ang overdue na pagbubuntis ay kailangang masinsinang i-monitor dahil mas tumataas ang banta kada araw at ang katagalan ng pagbubuntis.

Upang matignan ang kondisyon ng sanggol, ang iyong doktor ay maaaring kailanganin kang sumailalim sa mga test tulad ng:

  • Ultrasound scan
  • Non-stress test
  • Contraction stress test

Ito ay makatutulong na makasiguro na ang iyong sanggol ay malusog at aktibo, at may sapat na amniotic fluid.

Para sa iyong kalusugan at kaligtasan, ganun din sa sanggol, maaaring irekomenda ng doktor ang inducing labor. Anong nangyayari kung ang iyong labor ay induced? Kung ang cervix ay sarado, may uri ng gamot na tinatawag na prostaglandins na ginagamit upang mapalambot at marahan na mabuksan ito.

Ang iyong doktor at nurse ay tutulungan ka sa pagsira ng bag na pumapalibot sa sanggol. Upang makatulong sa iyong contractions, may isa pang gamot na tinatawag na syntocinon na padadaanin sa ugat. Ang induction na pamamaraan na ito ay kadalasan na tumatagal ng 1-2 mga araw para maipanganak ang sanggol.

Kung hindi pa rin ito naging epektibo, tatayahin ng iyong doktor ang iyong kondisyon at ang kalusugan ng sanggol at maaaring irekomenda ang isa pang gamot para mag-induce ng labor o magrekomenda ng cesarean na panganganak.

Ang inducing labor sa panganganak sa ika-42 linggo ng pagbubuntis ay mayroong mga tiyak na banta tulad ng:

  • Dahil sa hindi matagumpay na induction, isa sa kada apat na ina ay kinakailangang sumailalim sa C-section upang maipanganak ang bata.
  • Ang mga gamot na ginagamit sa induce labor ay maaaring mag-trigger ng contractions na makaapekto sa oxygen supply ng sanggol at sa heart rate niya.
  • Ang induction methods ay tulad ng membrane na winawalis ang kasamang sirang membranes, na nakapagpapataas ng infection.
  • Ang induction ay maaaring mag sanhi ng seryosong pagdurugo matapos ang panganganak dahil sa muscle sa uterine na hindi nagfu-function nang maayos sa ibang mga kaso.
  • Sa mga bihirang kaso, kung ang ina ay sumailalim sa C-section, ang induction ay maaaring mag sanhi sa uterus na mapunit at bumukas sa linya ng sugat at kinakailangan na tanggalin ang uterus.

Kalusugan at Kaligtasan

Ano ang kinakailangan kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?

Kung nais mo pang maghintay pa nang kaunti, sa paglipas ng iyong ika-42 na linggo na marka, kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa mga banta at komplikasyon, at contingency plans tungkol sa iyong panganganak.

Sa ika-42 linggo ng pagbubuntis ang iyong sanggol ay kinokonsiderang overdue. Ang mga sanggol ay tipikal na lumalabas sa ika-38 linggo, ngunit kung dala mo pa rin ang iyong sanggol hanggang 42 linggo, walang dapat na alalahanin tungkol dito, lalo na kung masinsinan kang na-monitor ng iyong doktor at ng iyong medikal na team.

Ilang mga araw na lamang — o mga oras — hanggang sa makita mo na ang iyong sanggol!

Matuto ng higit pa tungkol sa pagbubuntis, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=meconium-aspiration-90-P02384

https://assets.nhs.uk/prod/documents/IOL-leaflet-40plus-weeks_vTDF3v5.pdf

https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/induction-labour/

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/inducing-labor/art-20047557

Kasalukuyang Version

03/26/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement