Kung binabasa mo ito, maaaring inaasahan mo na ikaw ay magiging magulang sa nalalapit na panahon, kaya’t pagbati! Ito ay ang mga kapanapanabik na panahon at maaaring kasama nito ang maraming iba’t ibang nararamdaman. Sa ika-3 linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis, normal sa mga tao na hindi pa maging sigurado sa pagbubuntis. Sa kabila ng lahat, wala pang nakikitang pisikal na katangian ng pagbubuntis sa stage na ito.
Bago tayo magtungo sa kung anong nangyayari sa ika-3 linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis, magkaroon muna tayo ng mabilis na rebyu sa pagbubuntis at mga termino na kabilang dito.
Paano nabubuntis ang isang babae?
Simula nang makapunta ang similya sa egg at ma-fertilize ito, nabubuo ang zygote. Ang zygote ay isang single cell, na nahahati sa 16 cells sa stage na tinatawag na morula. Sa pagtungo niya pababa sa fallopian tube, patuloy itong nahahati hanggang sa maging daan-daang cells. Sa yugtong ito, ang cluster ng cells ay tinatawag na blastocyst. Ito ay ang nangyayari sa ika-3 linggo ng pagdevelop ng sanggol habang buntis.
Matapos magtungo sa buong haba ng fallopian tube, ang fertilized na egg ay tutungo sa iyong uterus at itatanim ang sarili sa uterine lining upang maging embryo. Ang embryo ay ang magiging fetus, mula sa embryoblast cells, at placenta, mula sa trophoblast cells, na nagbibigay ng nourishment at enerhiya para sa iyong sanggol sa mga susunod na buwan.
Ang embryo ay nagde-develop sa pagiging fetus at placenta at dadalhin ang sanggol hanggang sa magkaroon na ito ng porma sa ika-9 na buwan.
Paano lumalaki ang aking sanggol?
Ang pinagbubuntis ay kadalasang nahahati sa trimesters o tig tatlong mga buwan. Sa ikatlong linggo, ikaw ay nasa unang buwan ng iyong unang trimester. Mula sa nabanggit, ang iyong sanggol sa puntong ito ay isang blastocyst na pumupunta paibaba sa fallopian tube patungong uterus o itinatanim ang sarili sa uterine lining.
Kadalasan ang mga tao ay hindi partikular na “nararamdaman” na sila ay buntis sa unang buwan, ito ay sa kadahilanan na ang blastocyst ay nasa tagal na isang linggo na dumadaan sa buong haba ng fallopian tube at itatanim ang sarili sa uterine lining wall. Kinakailangan pa ng ilang mga linggo para sa sanggol na lumaki nang sapat upang mapansin.
Bagaman, sa ika-3 linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis, ang mga babae ay hindi “nakikitaan” o “nakararamdam” na sila ay buntis na.
Ika-3 linggo ng pagbubuntis: Pagbabago ng Buhay at Katawan
Paano nagbabago ang aking katawan?
Sa ika-3 linggo ng pagbubuntis, ang katawan ay naghahanda na. Ang katawan ay hinahanda ang uterine para sa pagdating ng blastocyst o copes sa nagdaang pagtatanim nito. Gayunpaman, bago pa nagkaroon ng blastocyst, ang paghahanda ay nagsimula na.
Sa pagkaka-release ng egg, bago ang fertilization, ang corpus luteum, isang endocrine structure, ay nagpo-produce ng hormones na may kinalaman sa pagbubuntis kabilang na ang estrogen at progesterone. Ang mga hormones na ito ay responsable para sa mga sintomas na karaniwang iniuugnay sa pagbubuntis, o kahit na ang premenstrual syndrome, tulad ng morning sickness at paglilihi.
Ang corpus luteum ay nagbibigay sa sanggol ng lahat ng nourishment at proteksyon na kinakailangan hanggang sa maging responsable na ang plancenta sa ikalawang trimester. Dahil ang blastocyst ay nanatili lamang ng isang linggo at nakatanim sa uterine lining, ang concentration ng mga hormones na ito ay hindi pa sapat para sa mga matinding sintomas ng pagbubuntis, ngunit maaari pa ring makakitaan ng pagbubuntis sa ganitong punto.
Ano ang dapat kong alalahanin?
Ang mga sintomas na maaaring maramdaman ay katamtaman lamang, ngunit maaaring tatagal sa buong unang trimester, o kahit na sa buong proseso ng pagbubuntis.
Ang mga sintomas na ito ay kabilang ang mahinang cramping o pressure sa ilalim na tiyan na maaaring makaramdam ng tulad ng menstrual cramps. Walang rason dito para magpanik dahil ito sa maaaring sanhi ng pagtatanim na nangyayari ng blastocyst sa loob ng uterine lining. Kung ano pa man, ang pagkakaroon ng pressure na ito o mahinang cramping ay magandang senyales na ang mga bagay ay umaayon batay sa inaasahan na pagbubuntis.
Dahil sa hormones na pino-produce ng corpus luteum, maaari ka ring mag-develop ng mas sensitibong pang-amoy. Mas madali ito sa mga buntis na pumili ng tiyak na amoy sa kabuuang pagbubuntis at maaaring magdulot ng malalang morning sickness. Dahil dito, mahalaga na umiwas mula sa mabaho o matapang na amoy sa ganitong panahon.
Hindi lamang ang pang-amoy ang apektado, ngunit pati na rin ang panlasa, dahil sa maraming mga buntis nagsasabing may metallic na lasa sa kanilang bibig. Ito ay normal at karaniwan na maagang sintomas na lalabas sa ika-3 linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis. Ito ay dahil sa pag-produce ng hormones, kaya’t hindi dapat ito pagmulan ng pangamba para sa mga magiging nanay.
Pagbisita sa Iyong Doktor
Ano ang sasabihin ko sa aking doktor?
Ang ika-3 linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis ay isa sa mga magandang parte ng pagbubuntis, dahil hindi ka pa nagkakaroon at nakararanas ng mas malalang mga sintomas sa pagbubuntis tulad ng morning sickness. Kumonsulta sa iyong doktor kung nakakitaan ng mga kahit na anong bagay na nakapangangamba.
Kalusugan at Kaligtasan
Ano ang dapat kong malaman sa pagiging malusog at ligtas habang nagbubuntis?
Palagi, mainam na kumain ng masustansya at bantayan ang iyong pisikal na gawain upang maging nasa pinaka mainam na estado ng kalusugan, na nakasisiguro ng ligtas ng pagbubuntis para sa iyo at sa sanggol.
Matuto ng higit pa tungkol sa pagiging buntis dito.