backup og meta

Ika-25 Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat mong Malaman

Ika-25 Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat mong Malaman

Sa ika-25 linggo ng pagbubuntis, ikaw ay nasa ikalawang trimester at papuntang unang linggo ng iyong ikaanim na buwan. Ang iyong sanggol ay mas nagde-dedevelop sa puntong ito, at nagsisimula para sa labas ng sinapupunan. Sa partikular na linggo na ito, maging sabik na malaman na siya ay nagsisimula nang huminga.

Sa usapin ng laki, ang iyong sanggol ay nasa 12 hanggang 13 na inches sa haba. Ang iyong sanggol ay ligtas na nasa loob ng amniotic fluid, na hindi lang nagbibigay ng proteksyon maging ang nutrisyon.

Sa ika-25 linggo ng pagbubuntis, ang iyong sanggol ay papunta na sa yugto na madalas na gumagalaw. Siya ay mas magiging aktibo dahil sa startle reflexes na nagsisimulang mag-develop.

Sa loob ng sinapupunan, ang iyong sanggol ay mayroon ding pink na balat, dahil sa nagma-mature na vascular system. Ang ibig sabihin nito na mas maraming capillaries ang na-develop, na hahantong sa maraming dugo sa ilalim ng balat.

Ang interesanteng pag-develop sa puntong ito ay kabilang ang pag-develop ng iyong sanggol sa lahat ng kailangan niya para “huminga,” at katunayan na nag-eensayo siya paano huminga sa loob ng sinapupunan.

Sa ika-25 linggo ng pagbubuntis, ang ilong at butas ng ilong ng iyong sanggol ay halos nakaporma na at gumagana. Hindi lamang ito, maging ang air sacs sa loob ng baga ay nagde-develop na rin, pati ang surfactant na pumoprotekta sa mga baga.

Sa nakalipas na mga dekada, ang medikal na komunidad ay pinaniniwalaan na ang butas ng ilong ng sanggol ay nakasara at hindi gumagana sa loob ng sinapupunan. Gayunpaman, ipinakita ng pag-aaral na ang mga ito ay tunay na gumagana sa ika-25 linggo ng pagbubuntis.

Gayunpaman, dahil wala pang hangin upang makahinga, ang sanggol ay ini-inhale at exhale ang amniotic fluid upang mag-ensayo ng paghinga. Sa mga gears na naroon, posible na ang pang-amoy ng sanggol ay nasa proseso ng pag-develop o ganap nang na-develop.

Pagbabago ng Buhay at Katawan

Paano magbabago ang aking katawan?

Sa ika-25 linggo ng pagbubuntis, ang lumalaki mong uterus ay dapat nasa sukat na ng isang bola ng soccer. Mas mahirap na gumalaw sa puntong ito para sa’yo, at mas magiging mahirap pa sa mga susunod na buwan. Makararamdam ka ng sakit sa likod dahil dito.

ika-25 linggo ng pagbubuntis

Ano ang dapat kong alalahanin?

Ang mga karaniwang sintomas ng pagbubuntis ay maaari mong maranasan sa puntong ito kabilang ang morning sickness at pagsakit ng mga kasukasuan. Mayroon ding pagtaas ng iyong volume ng dugo, kaya’t asahan na maranasan ang tiyak na pagiging iritable.

Sa panahong ito, ang mga sintomas at kondisyon ay maaaring mas matindi dahil sa mabilis na pagbabago sa iyong katawan.

Maaari kang makaranas ng almoranas, sanhi ng pagtaas ng daloy ng dugo, indigestion, constipation, at heartburn. Kasama ng dalawang nahuli, maaari kang maging mas sensitibo sa mababahong amoy o lasa.

Ang mga paghihilik ay maaaring mangyari rin dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo papuntang mucous membranes na magiging sanhi ng congestion.

Dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo at volume nito, maaari mo ring maranasan ang tingling sensation sa iyong mga kamay, at akin papuntang carpal tunnel, at mga hita na tinatawag na restless leg syndrome (RLS).

Ang RLS ay maaaring maranasan sa mga parte ng iyong huling trimester. Ang pagtaas ng volume ng dugo na nagiging sanhi ng pamamaga sa ugat na naglalagay ng pressure sa iyong nerves, na nagiging sanhi ng mga sensation na ito.

Dahil sa hormones ng pagbubuntis, mas hahaba ang iyong buhok at mas kakapal dahil ang pagkalagas ng buhok ay napipigilan ng hormones sa pagbubuntis na nagbibigay sa iyong sanggol na maghintay na tumubo ang mga buhok.

Sa lahat ng ito, ang iyong katawan ay nababanat upang bigyang daan ang paglaki ng iyong anak. Dahil dito, maaaring magkaroon ka ng symphysis pubis dysfunction o sakit sa bahagi ng pelvic dahil sa ligaments na nababanat.

Pagbisita sa Iyong Doktor

Ano ang sasabihin ko sa aking doktor?

Palaging mahalaga para sa iyo na pumili ng mga desisyon na alam mo at magbebenipisyo ka at ang iyong sanggol. Para sa hindi komportable na mararamdaman dahil sa constipation, heartburn, at almoranas, kumonsulta sa iyong doktor para sa posibleng gamutan.

Magtanong lamang pati ng mga posibleng katamtaman na ehersisyo na maaari mong gawin upang makatulong na guminhawa ang pamamanhid at sakit na nararamdaman sa bahaging pelvic at likod.

Kalusugan at Kaligtasan

Maaaring maraming mga hindi komportable na pakiramdam, ngunit makatutulong ang iyong doktor. Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa supplements, mga gamot, o katamtamang ehersisyo na maaaring gawin upang maibsan ang sakit na nararamdaman sa ika-25 linggo ng pagbubuntis.

Sa ika-25 linggo ng pagbubuntis, mayroon ka na lang kulang-kulang na tatlong buwan hanggang sa makita mo na ang iyong sanggol. Maging masaya sa iyong maliit na himala na patuloy na lumalaki.

Matuto ng higit pa tungkol sa pagiging buntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/basics/second-trimester/hlv-20049471

https://medlineplus.gov/ency/imagepages/19263.htm

https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/indigestion-heartburn-pregnant/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4058350/

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement