Anong dapat mong malaman tungkol sa ika-20 linggo ng pagbubuntis?
Baby Development
Ang normal na pagbubuntis ay tumatagal ng nasa 40 na linggo, kaya’t kung ikaw ay nasa ika-20 linggo ng pagbubuntis, opisyal na nasa kalagitnaan ka na! 20 linggo na lamang at mailalagay mo na sa bisig mo ang iyong anak. Laging may dahilan para sa selebrasyon habang nasa mga linggo ng pagbubuntis, ngunit pagdating mo sa kalahating marka ito ay kailangang ipagdiwang.
Sa ika-20 linggo ng pagbubuntis, ang iyong baby ay mas lalaki. Kung hindi mo pa nararamdaman na buntis ka noon, ngayon sa oras na ito, mararamdaman mo na ang timbang ng iyong baby na lumalaki sa iyong uterus. Sa ika-20 linggo ng iyong pagbubuntis, na nasa ikalawang trimester, hindi ka na makakaramdam ng pagod o fatigued na nararamdaman mo noong mga unang linggo.
Simula nang nasa 20 linggo ka na, mas mararamdaman mo na mas energetic ka na sa unang trimester. Maliban dito, maaaring mawala na ang morning sickness sa mga panahon na ito o medyo mababawasan. Ang ibang mga sintomas na maaaring maramdaman habang nasa mga oras na ito ay hindi na malala. Ang mga bagay na dapat i-look forward sa linggong ito ay ang iyong baby bump na nagsisimula nang lumaki.
Kung hindi ka pa namimili para sa maternity clothes, ngayon ang oras upang mamili dahil mas lalaki pa ang iyong tiyan simula rito.
Ika-20 Linggo ng Pagbubuntis: Development ng Baby
Sa ika-20 linggo ng pagbubuntis, o nasa 5 buwan na, ang iyong baby ay kasinlaki ng saging. Nasa pito at ¾ na pulgada na laki at nasa timbang na 9 ounces. Kung nais mo i-imagine gaano kalaki ang baby sa stage na ito, mahahawakan mo na sila sa iyong mga palad. Sa mga panahon na ito, ang iyong baby ay mas lalaki at mas bibigat.
Magsisimula na rin na makita ang facial features sa panahon na ito ng development ng iyong baby. Kung nakapag-ultrasound ka na, maaari mo nang makita ang curve ng ilong niya. Tungkol sa ultrasound, maaari mo na ring malaman ang kasarian ng iyong baby sa puntong ito.
Kaya’t kung nais mong malaman kung ang iyong baby ay babae o lalaki, mainam na tanungin ang iyong doktor sa pagbisita. Ang ibang major developments ng iyong baby na mangyayari sa ika-20 linggo ng pagbubuntis ay ang mga sumusunod:
- Ang iyong baby ay nag-develop na ng ‘brown fat’ na tinatawag ding brown adipose tissue. Ito ay isang uri ng fat na tumutulong sa katawan na manatiling mainit, lalo na sa malamig na panahon.
- Mas hindi na transparent ang balat ng iyong baby, at ang ilang buhok sa ulo ay makikita na rin.
- Mayroon nang ganap na tenga, mga labi, at dila ang iyong baby. Ibig sabihin nito na siya rin ay may panlasa na. Magsisimula nang makilala ng iyong baby ang pagkaing kinakain mo na may matapang na lasa tulad ng bawang.
- Sa panahon na ito, ang iyong baby ay ganap na covered sa vernix caseosa at lanugo. Ang dalawang ito ay magsisimulang mag-develop sa ika-19 na linggo. Ang vernix ay waxy at white substance na makatutulong upang maiwasan ang pangungulubot ng balat ng iyong baby mula as amniotic fluid. Makatutulong din ito na magkaroon ng kaunting friction sa paglabas ng baby.
Quickening
Sa ika-20 linggo ng pagbubuntis, asahan mo ang maraming pagkilos ng iyong baby. Ang kaunting galaw o marahang pagsipa ay tinatawag na “quickening” mas mapapansin ito sa linggong ito at sa mga susunod pa. Ang iyong baby ay mas magiging aktibo na at nasa 10-30% ng araw ay mas gagalaw siya at kada minuto tuwing gabi! Maaari mo ring mapansin ang pattern ng paggalaw ng baby sa mga oras na ito, mayroon na silang pattern para sa paggising at pagtulong.
Pagbabago ng Buhay at Katawan
Sa ika-20 linggo ng pagbubuntis, ang iyong katawan ay magpapatuloy na mas magbigay ng espasyo para sa lumalaki mong baby. Ang iyong uterus ngayon ay nasa linya na ng pusod, at mas dadagdag ang timbang mo ng .23 kg hanggang .45 kg kada linggo.
Tungkol sa pagdagdag ng timbang, magsisimula ka nang maglihi sa mga panahon na ito kung hindi mo pa nararanasan. Ang paglilihi sa buntis ay maaaring mangyari sa unang trimester ngunit pinaniniwalaan na mas naglilihi sa ikalawang trimester. Ang mga paglilihi na ito ay kadalasan na hindi nakasasama at ang mga ito ay sanhi lamang ng fluctuation ng hormones o paraan ng katawan at isip na mag-cope sa stress na dala ng pagbubuntis.
Sa Pilipinas, walang tiyak na termino para sa paglilihi. Ang termino na “paglilihi” ay maaaring tungkol sa mga pinaglilihian sa oras ng pagbubuntis. Maaaring ito ay mga artista o public figures na partikular na nagugustuhan. Ang “paglilihi” na pinaniniwalaan ay tungkol sa kahit na anong nais mo sa mga panahon na ito at tumutukoy sa kung anong magiging itsura ng iyong baby. Walang pag-aaral na makapagpapatunay ng pagkakaugnay ng kinakain at ang itsura ng iyong baby, kaya’t ayos lamang na kainin anuman ang nais.
Gayunpaman, ilang mga kaso sa mga buntis ay nagkakaroon ng paglilihi sa mga hindi nakakain tulad ng sabon o dumi. Ito ay phenomenon na tinatawag na ‘pica’ at ito ay senyales ng kasalukuyang kondisyon na kakulangan sa iron. Kung napansin mo na ikaw ay naglilihi sa mga bagay na hindi nakakain, tawagan ang iyong health provider.
Pagbisita sa Doktor
Sa ikalawang trimester, mainam na ipagawa sa iyong doktor ang anatomical scan kung hindi pa naisasagawa. Ang anatomical scan ay pagtukoy kung ang organs ng iyong baby ay developed at gumagana nang maayos. Ang fetal anatomical scan ay magde-detect din ng anomalies sa development ng iyong baby.
Maaari gusto mo ring tanungin ang tungkol sa panganganak at ang ospital na nais mong panganakan.
Kalusugan at Kaligtasan
Sa pagkakataong ito, maaaring mangamba ka sa kakaunting paggalaw at routine. Ang iyong pangamba ay hindi masama, dahil ang iyong katawan ay dahan-dahan na nag a-adapat sa maraming pagbabago. Dapat na mas tumuon sa ehersisyo at simpleng pag-unat. Ang good rule of thumb ay ihinto ang kahit na anong paggalaw kung ito ay masakit.
Ang mga pamahiin ng mga Pilipino ay ang pag-iwas sa mga tiyak na galaw upang maiwasan ang problema sa pagbubuntis. May isang pamahiin na nagsasabi na ang pag-apak sa lubid o pagtatahi ay may garantiya na mahihirapan sa pagbubuntis. Walang katibayan ang mga ito. Subukan na magtanong sa iyong doktor o mag sign up sa lokal na klase ng panganganak sa inyong lugar upang matuto. Habang naroon ka, maaaring maging interesado ka rin na mag sign up sa klase sa pagpapasuso upang ihanda ang iyong baby para sa big day.
Ilang linggo na lamang ang natitira bago ang iyong due date, oras na upang maghanda para sa paglabas ng iyong baby. Sa ika-20 linggo ng pagbubuntis, karamihan ng mga mahahalagang pagbabago ay mangyayari na sa iyong baby. Ngayon, kailangan mo na lang na magpalaki at magpalakas. Para sa mga katanungan tungkol sa pagbubuntis o kalusugan ng iyong baby, mainam na konsultahin ang iyong medical practitioner sa lalong madaling panahon.