backup og meta

Pangalawang Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Pangalawang Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Debelopment ng Sanggol 

Ito na! Sa pangalawang linggo ng pagbubuntis, ito ay tunay na masayang panahon dahil nalaman mong may isang buhay na nabubuo sa sinapupunan mo. Dalawang linggo ang hihintayin para makumpirma ang pagbubuntis dahil ito ang panahon sa pagitan ng oras ng pagtatalik at oras ng pagdadalantao. Ang mga babaeng gustong magbuntis ay nasasabik na naghihintay sa dalawang linggong ito. Ang isang komunidad ng mga kababaihan, sa katunayan, ay may dedikasyon para dito at nagpapaabot ng suporta sa mga babaeng ito. 

Kada taon, sa Pilipinas, hindi bababa sa 200,000 na mga tinedyer ang nanganganak ayon sa POPCOM. Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga mas matatandang bilang ng populasyon na nanganganak sa edad 20 hanggang 30. 

Paano Lumalaki ang Aking Sanggol? 

Sa kasagsagan ng yugtong ito, bagaman hindi pa mapapansin ang baby bump, ang katawan ay sasailalim sa marami nang mga pagbabago. 

May maliit na kabalintunaan na tawagin ang iyong pagbubuntis na nasa pangalawang linggo na dahil karamihan sa mga doktor ay kadalasang nagtatantya lamang batay sa iyong huling buwanang dalaw. 

Ito ay nangangahulugan na ang iyong dalawang linggong pagbubuntis ay hindi pa maituturing na “pagbubuntis.” Ngunit hindi mo kailangang mag-alala may kinalaman dito. Ang paraan ng doktor sa pagbilang na nakabatay sa iyong huling buwanang dalaw ay nakatutulong para mas maging tumpak ang page-estima nila ng petsa kung kailan ka inaasahang manganak.

Mga Pagbabago sa Buhay at Katawan 

Paano Nagbabago ang Aking Katawan?

Sa ikalawang linggo ng debelopment ng sanggol, ang University of New South Wales Embryology ay nagbibigay-pakahulugan sa yugtong ito bilang susing “ovulation phase,” na kilala rin sa tawag na late proliferative phase ng siklo ng buwanang dalaw. Ito ang yugto kung kailang ka nag-ovulate at nakatanggap ng semilya na siyang tinatayang nakabuo ng embryo. Ang luteinizing hormone ng pituitary gland ay ang responsable para sa paglalabas ng egg. Matapos ang isa o dalawang araw ng pangyayaring ito sa iyong siklo ng ovulation, nape-fertilize na ng semilya ang nailabas na egg cell. Isang linggo matapos ang fertilization, magsisimula na ang implantation. 

Ang sanggol ay nabuo na sa yugtong ito ng pagbubuntis. Ito ay isang napakadelikadong panahon. Ang embryo ay nagkakabit sa kanuang sarili sa matres at nagsisimulang lumaki. Sa pangalawang linggo ng pagbubuntis at pagkabuo ng sanggol, ang embryo ay kasing laki lamang ng ulo ng bob pin, ayon sa perinatologist na si Mark Curran. Ang central nervous system ng sanggol ay nagsisimulang mabuo. 

Ano ang Dapat kong Isaalang-alang? 

Ang unang kitang-kitang senyales ng pagbubuntis ay ang hindi dumating na buwanang dalaw at pagtaas ng hormone levels. Sa ikalawang linggo ng pagbubuntis at pagkakabuo ng sanggol, maaari mong mapansin ang iregularidad o pagkawala ng iyong buwanang dalaw. Maaari ding magsimulang makaranas ng morning sickness ang mga babae, ngunit iba-iba naman ang sintomas sa bawat isa. Ang ilan ay hindi pa nakararanas ng sintomas sa yugtong ito. 

Ito rin ang yugto kung saan ang mga magiging ina ay nakararanas ng mas matinding mga pandama, lalo na sa pang-amoy at panlasa. Magsisimula siyang magkaroon ng mas mabusising pang-amoy at maaaring maging sensitibo sa ilang mga amoy. Ang pagtaas ng mga hormones sa yugtong ito ay maaaring makapagpamaga sa kanyang dibdib at nipples. 

Maaari ding magkaroon ng kaunti, at isang beses na spotting. Ito ay maaaring maging pinkish o brownish ang kulang. Ang ilang mga babae ay tila hindi nagkakaroon ng sintomas na ito dahil kahawig ito ng mga sintomas ng premenstrual syndrome. 

Sa ikalawang linggo ng pagbubuntis at pagkakabuo ng sanggol, hindi pa lalaki ang iyong tyan, ngunit makararamdam ka ng fatigue at pagkapagod. Maaari mo ring mapansin ang pagdami ng vaginal discharge, pagkabunsol, at sa ibang mga kaso, ay matinding morning sickness. Sa yugto ring ito mo mapapansin na ang pagdadalantao ay makasasabay sa iyong ovulation period. Magkakaroon ka ng cervical mucosal secretion na egg white ang ang consistency at kulay isa o dalawang araw bago ang spotting. 

Mga Pagbisita sa Doktor 

Anong mga Tests ang Dapat na Alam ko? 

Ito ang pinakamainam na panahon para sa iyong unang check-up sa iyong doktor. Ang iyong doktor ay magre-request ng transvaginal ultrasound para makumpirma ang gestation matapos ang positibong urine pregnancy test. Ang ilang mga doktor ay nagtse-tsek din ng lebel ng HCG sa dugo bago mag-request ng ultrasound. Ang HCG (human chorionic gonadotropin) blood test ang makapagtutukoy kung mayroong pagtaas ng HCG sa iyong katawan. Ang HCG ay nililikha ng inunan matapos ang matagumpay na pagdadalantao at patuloy na tataas sa kabuoan ng pagbubuntis. 

Kalusugan at Kaligtasan 

Ano ang Dapat kong Malaman ukol sa Pagiging Malusog at Ligtas habang Nagbubuntis? 

Ipinapayo ang dagdag na pag-iingat sa yugtong ito. Maaari mong ihinto ang mabibigat na mga gawain gaya ng pagtakbo at magsagawa ng mas magaan na mga ehersisyo.

Ang mga bitamina at prenatal supplements ay maaari ding ireseta ng iyong doktor para matiyak na magiging maayos ang pagkakabuo ng embryo. Ang folic acid ay isa sa mga karaniwang supplements na ibinibigay dahil nakatutulong ito na mabawasan ang banta ng neural tube defects habang nagbubuntis. Maaari mo ring ipagpatuloy ang pag-inom ng folic acid habang ikaw ay nagpapadede matapos manganak. 

Ayon sa NHS UK, ang pangalawang linggo ng pagbubuntis at pagkakabuo ng sanggol ay isa ring magandang yugto kung kailan dapat mo nang itigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak para sa iyo at sa kalusugan ng iyong anak. 

Ang ikalawang linggo ng pagbubuntis at pagkakabuo ng sanggol ay isang kapana-panabik na yugto ng maraming mga pagbabago sa buhay. Maghanda para sa pagbubuntis sa pamamagitan ng tamang paraan ng pagkain, paghinto sa paninigarilyo at pag-inom ng alak, at pangangalaga sa iyong kagalingang pangkalahatan. Gayundin, sa puntong ito, magpa-iskedyul ng pagbisita sa iyong doktor para makumpirma ang pagbubuntis. 

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

University of New South Wales Embryology Timeline of Human Development – https://embryology.med.unsw.edu.au/embryology/index.php/Timeline_human_development

Stages of Development of Fetus by Merck Manual – https://www.merckmanuals.com/home/women-s-health-issues/normal-pregnancy/stages-of-development-of-the-fetus

Perinatology Fetal Development for Week 2 – http://perinatology.com/Reference/Fetal%20development.htm#2

Teenage Pregnancy ABS-CBN – https://news.abs-cbn.com/spotlight/07/11/19/nearly-200000-filipino-teens-get-pregnant-annually-popcom

NHS UK – https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/1-2-3-weeks-pregnant/

Kaiser Permanente HCG Blood Test – https://wa.kaiserpermanente.org/kbase/topic.jhtml?docId=hw42062

Kasalukuyang Version

05/02/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ika-10 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Pagbabago Sa First Trimester ng Pagbubuntis, Anu-ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement