Pagbati! Nalagpasan mo na ang unang buwan ng pagbubuntis, bagaman ang iyong tiyan ay hindi pa gaanong malaki para makitang buntis, ang iyong sanggol ay nasa proseso na ng pag-develop. Sa ngayon, sa ika-5 linggo ng pagbubuntis, maaari kang makaranas ng mga sintomas at posibleng makaramdam ng mas kakaiba ngayon.
Ang gabay na ito ay makapagsasabi ng mga inaasahan sa ika-5 linggo ng pagbubuntis at pag-develop ng sanggol sa sinapupunan.
Ika-5 linggo ng pagbubuntis: Paano lumalaki ang aking sanggol?
Ang iyong sanggol ay kasinlaki na ng buto ng orange, tulad ng maliit na butete. Isipin ang laki ng poppy seed noong nakaraang linggo — na mas maiksi ng millimeter na haba — ngayon ay nasa 0.05 hanggang 0.10 inches na haba na. Ang iyong sanggol ay maaaring maliit na tuldok lamang sa loob ng iyong sinapupunan, ngunit sumasailalim ito sa mabilis na pagbabago at paglaki.
Sa ika-5 linggo ng pagbubuntis, ang umbilical cord at ang placenta ay parehong nagsisimulang magkaporma. Ang mga ito ay kinakailangan para sa iyong sanggol na makakuha ng nutrisyon at oxygen mula sa iyong katawan. Sa stage ng sanggol na ito, mahalaga ang folic acid at calcium, kaya’t ang iyong ob-gynecologist ay maaaring magreseta ng folic acid supplement at gatas na makatutulong na mapanatili ang pag-develop ng iyong sanggol.
Ang linggong ito ay oras din na mag-abang sa pag-develop ng neural tube ng iyong sanggol. Ang tube na ito ay kalaunan na magiging spinal column at utak. Upang maiwasan ang banta na magkaroon ng neural tube disorder, papayuhan ka ng iyong doktor na uminom ng nasa 400 micrograms ng folic acid araw-araw.
Ang pinaka nakapapanabik na parte sa iyo at sa iyong sanggol ay naghihintay sa ika-6 na linggo, kung saan naririnig na ang pulso ng puso ng iyong sanggol.
Ika-5 linggo ng pagbubuntis: Pagbabago ng Buhay at Katawan
Ano ang dapat kong alalahanin?
Tulad ng nabanggit, hindi ka pa magmumukhang buntis sa mga panahong ito, ngunit maraming pagbabago na mangyayari sa iyong katawan. Huwag magulat kung naramdaman na ang mga sumusunod na sintomas:
Fatigue
Maaari kang makaramdam palagi ng pagkaantok at pagkatamlay sa mga araw na ito. Kung hindi ka pa pumupunta sa iyong doktor upang kumpirmahin ang iyong pagbubuntis, o hindi ka pa gumamit ng pregnancy test, maaaring nasa ika-4 na linggo ka na ng pagbubuntis. Sa ika-5 linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis, ang iyong katawan ay nagpo-produce ng mas maraming progesterone, na nagbibigay sa iyo ng pakiramdam ng sobrang pagod at pagkatamlay.
Morning sickness
Iyong mga nagkaroon na ng anak at nakaranas ng morning sickness ay naiintindihan na ang “morning sickness” ay hindi nangyayari tuwing umaga. Ang pakiramdam ay nananatili sa buong araw. Upang tulungang pagaanin ang pagduduwal, sumubok na kumain ng kakaunting pagkain at manatiling hydrated. Iwasan ang oily at fatty foods dahil mas magpapalala nito ang pakiramdam.
Madalas na Pag-ihi
Sa ika-5 linggo ng pag-develop ng sanggol sa pagbubuntis, ikaw ay magsisimulang makapansin nang madalas na pag-ihi. Ito ay dahil sa iyong bato na nagsisimulang magproseso ng maraming fluids.
Spotting
Huwag maalarma kung nakakita ka ng kaunting light na patak ng dugo, ngunit hindi sapat na malagyan ang buong liner. Ito ang stage kung saan nangyayari ang implantation bleeding, ang ganitong uri ng spotting ay normal.
Mood swings
Kung ang iyong asawa o kapareha ay nagsimulang mapansin na ikaw ay masaya at bigla na lamang ay iiyak, ito ay ganap na normal. Ang pagbabago ng mood ay parte ng kabuuang danas, at ang iyong nararamdaman ay dahil sa iyong katawan na nag a-adjust sa flush ng hormones.
Walang sintomas
Maaari kang maging isa sa mga babaeng walang nararanasang sintomas. Hindi lahat ng mga pagbubuntis ay pare-pareho, at ang hindi pagdanas ng kahit na anong sintomas ay ikinokonsiderang, normal din.
Ika-5 linggo ng Pagbubuntis: Pagbisita sa Iyong Doktor
Ano ang sasabihin ko sa aking doktor?
Ito ang mainam na panahon na humiling para sa iyong unang prenatal appointment. Kung ikaw ay mayroong kahit na anong coverage sa kilalang HMOs tulad ng Maxicare, Medicard, o Intellicare, tingnan din ito kung ang pagbisita mo sa iyong doktor at ang ultrasound ay sakop ng bayarin.
Dahil ikaw ay nasa ika-5 linggo ng pagbubuntis, ang dalas ng iyong pagbisita sa doktor ay malalaman sa mga sumusunod:
- Ang iyong edad
- Family history
- Mahalagang kasalukuyang medikal na kondisyon
- Banta sa pagbubuntis
- Hindi normal na sintomas na kinakailangan ng mas maiging medikal na pagmo-monitor
Anong tests ang kinakailangan kong malaman?
Bago magtungo upang makita ang iyong doktor, ihanda ang mga medikal na papeles (kung kinakailangan). Maghanda na ibahagi ang iyong medical history. Huwag kalimutang sabihin ang mga nagdaang operasyon, mahalagang kasalukuyang medikal na kondisyon, at family history ng diabetes o ibang karamdaman na potensyal na makaapekto sa pagbubuntis.
At kung ikaw ay nakaranas ng pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan, mainam din na sabihin ito sa iyong doktor. Ito ay upang ikonsidera niya ang iba pang pag-iingat sa iyong plano ng pagbubuntis.
Ika-5 linggo ng Pagbubuntis: Kalusugan at Kaligtasan
Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?
Ngayong ang iyong nanay o lolo’t lola ay nagbibigay ng mabuting intensyon na payo, maghanda. Ito ay dahil ang iba rito ay maaaring pamahiin lamang. Ito ay ang mga kinagisnan na pinaniniwala na pinapasa mula sa henerasyon at sa susunod pang henerasyon.
At ang pagiging epektibo ng mga pamahiin ay mas base sa kwento kaysa siyentipiko. Ang mga karaniwan ay:
- Ang mga buntis ay hindi dapat dumadalo ng mga lamay o pumunta sa sementaryo upang maiwasan ang pagiging malas habang nagbubuntis.
- Yung mga inaasahang magiging nanay ay kailangang magpatugtog ng awit para sa kanilang sanggol sa sinapupunan upang ang kanilang anak ay lumaki na may hilig sa musika.
- Ang mga nanay ay dapat na manood ng mga palabas na may mga magaganda at poging aktor at iwasan ang pagtingin sa mga pangit na tao, upang makasiguro na ang kanilang sanggol ay magiging kasing ganda o pogi kapag isinilang.
- Ang pagkain ng kambal na saging ay nagpapahiwatig na magkakaroon ng kambal.
- Iwasan mo ang pag-iyak, upang ang iyong anak ay hindi rin maging iyakin.
Bagaman kakatwa, ang mga pamahiin na ito ay walang siyentipikong basehan o kung ano pa man.
Sa kabilang banda, mayroong mga epektibo at praktikal na tips na maaaring sundin ng mga nanay. Ito’y matulungan sila sa kanilang ika-5 linggo ng pag-develop ng sanggol habang nagbubuntis:
Simulang mag-antabay sa iyong kinakain
Ikaw nga ay “kumakain para sa dalawa” ngunit mag-ingat pa rin sa pagkain ng maraming fatty at oily na pagkain.
Subukang iwasan ang isda na mayroong mataas na mercury, tulad ng mackerel at swordfish, maging ang hilaw na isda tulad ng sashimi. Bagaman ito ay kinokonsiderang ligtas na tunawin ang mga pagkain na ito lalo na kung mula sa marangal na restawran, mainam nang maging maingat, lalo na sa maagang stage ng pagbubuntis.
Kung ikaw ay may karanasan ng pagkalaglag ng sanggol, kumonsulta sa iyong doktor.
Itanong ang tungkol sa mga panukalang pangkaligtasan at dapat mong ikonsidera. Kung ang iyong trabaho ay nangangailangan ng mabibigat na gawaing pisikal, siguraduhin na mayron kang go-signal ng doktor bago sumali sa mga ganitong gawain.
Magpahinga hangga’t maaari
Maraming mga nanay na hindi sinasabi ang kanilang pagbubuntis hanggang sa makalampas na sila sa unang trimester, dahil ito ang sensitive stage ng pagbubuntis.
Upang makasiguro na ang egg ay kayang “kumapit” nang maayos, iwasan ang nakakapagod na mga gawain, at matulog ng 8 oras kada araw. Karagdagan, kumain ng masustansyang pagkain at makipag-ugnayan sa iyong kapareha at pamilya tungkol sa iyong nararamdaman upang maiwasan ang stress.
Mahalagang Tandaan
Ang ika-5 linggo ng pagbubuntis ay nakapananabik na parte dahil ang iyong sanggol ay patuloy na lumalaki at nagde-develop tulad ng pag-adjust ng iyong katawan sa pagbabago. Kung may mga tanong tungkol sa pagbubuntis, isulat ang mga ito, manaliksik, at kumonsulta sa iyong doktor.
[embed-health-tool-due-date]