Ang human chorionic gonadotropin na kilala bilang HCG ay hormone na may mahalagang papel sa mga unang yugto ng pagbubuntis. Ginagawa ng placenta ang hormone kapag ang isang babae ay buntis. Sa unang linggo mismo ng pagbubuntis nagsisimula ang produksyon ng hormone at ito ay nakikita sa dugo o ihi. Ano ang beta HCG test? Ang beta-human chorionic gonadotropin test o Beta HCG test ay nakakatulong upang masuri ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagtukoy sa presensya ng hormone sa iyong dugo.
Nakakatulong din ang Beta HCG test para malaman ang edad ng fetus, abnormal na pagbubuntis, at potential risk ng pagkalaglag. Bukod sa pagbubuntis, ang test ay ginagawa rin para malaman kung may anumang iba pang kondisyong medikal, maliban sa pagbubuntis, na maaaring magpataas ng mga antas ng hormone.
Ang Beta HCG test ay kilala rin bilang BHCG test, blood pregnancy test, quantitative blood pregnancy test, quantitative hCG blood test, at ulitin ang quantitative beta-hCG test.
Bakit ginagawa ang Beta HCG Test?
Ang Beta HCG test ay isa sa maraming mga test na tumutulong sa pag-diagnose ng pagbubuntis. Nakakatulong din ito upang malaman ang edad ng fetus. Higit na nakakatulong din ito para masuri ang anumang potensyal na panganib ng pagkalaglag, at iba pang mga isyu sa pagbubuntis.
Kung nagpaplano ka ng pagbubuntis, maaaring irekomenda ng doktor mo ang test bago simulan ang anumang treatment para sa iba pang medical condition. Makakatulong ito na masuri kung ikaw ay buntis dahil ang ilang test at pwedeng makapinsala sa fetus.
Kahit na ang hormone HCG ay nauugnay sa mga babae at pagbubuntis, ang hormone ay maaari ding makita sa mga lalaki. Kung ang hormone ay nasa dugo ng lalaki, maaaring indikasyon ito ng testicular cancer. gayunpaman , ang iba pang mga test ay inirerekomenda rin para kumpirmahin ang diagnosis. Ang karaniwang sintomas ng testicular cancer ay ang pagkakaroon ng bukol sa testicles.
Ano ang Beta HCG Test: Mga Kailangan
Walang kailangang paghahanda na kailangang gawin bago sumailalim sa test. Gayunpaman, ipinapayo na iwasan ang labis na pag-inom ng tubig bago ang urine test. Ang sobrang tubig ay nagdaragdag ng risk sa false-negative result.
Para sa blood test, maaaring hindi mo rin kailanganin ang anumang paghahanda. Gayunpaman, pinakamainam na tanungin ang doktor mo kung kailangan mong mag-fasting bago ang test.
Mainam din na ipaalam sa iyong doktor ang tungkol sa mga iniinom mong mga gamot o herbal. Ang ilan sa mga gamot o herbal ay maaaring maka-impluwensya sa mga resulta. Sa ganitong mga kaso, maaaring hilingin sa iyo ng iyong doktor na iwasan ang pag-inom ng mga naturang gamot o herbal sa partikular na panahon.
Pag-unawa sa mga Resulta
Ang HCG ay kinakalkula sa milli-international units bawat milliliter, na tinutukoy bilang mIU/mL. Ang normal range ng HCG ay pwedeng mag-iba batay sa laboratoryo. Mahalagang ma-verify ng iyong doktor ang report mo.
Ang mga resulta ng pagsusulit ay maaaring qualitative o quantitative na paraan.
Sa Sa qualitative beta HCG, ang resulta mo ay sinasabi na positibo o negatibo. Ang positibong beta HCG ay isang indikasyon na ikaw ay buntis. Habang ang negatibong beta HCG ay sinasabi na hindi ka buntis.
Sa quantitative beta HCG, ang iyong mga resulta ay ipinahihiwatig sa mga numero, ibig sabihin ang bilang ng hormones.
Kung hindi ka buntis, ang beta HCG level mo ay maaaring mas mababa sa 10 mIU/mL.
Nag-iiba bawat linggo ang level ng HCG. Sa ika-3 linggo ng pagbubuntis, ang level ng HCG ay maaaring nasa pagitan ng 5 at 50 mIU/mL. Habang sa 25 hanggang 40 na linggo ng pagbubuntis, ang level ng HCG ay maaaring nasa pagitan ng 3,640 hanggang 117,000 mIU/mL.
Maaaring tumaas ang mga level ng HCG sa pagitan ng 9 at 12 linggo ng pagbubuntis. Ang pagtaas sa HCG levels ay maaaring bumaba pagtagal habang nagbubuntis. Kung hindi nakalkula ng maayos ang petsa ng iyong pagbubuntis, maaaring magkaroon ng mataas na level ng HCG ang mga resulta mo.
Ang HCG levels na mas mababa kaysa sa normal levels ay isang indikasyon ng miscarriage, potential miscarriage, o ectopic pregnancy.