Narinig mo na ba ang phantom pregnancy? Isa itong pambihirang kondisyon na pwedeng maranasan ng isang babae na kung saan, madalas nagkakaroon ng classic symptoms ng pagbubuntis ang isang tao, tulad ng pagduduwal, pagkapagod at labor pains. Nauuwi ito minsan sa false pregnancy. Ngunit ano nga ba ito? Normal lang bang makaranas ng ganitong uri ng kondisyon?
Alamin dito.
Ano Ang Phantom Pregnancy?
Kilala rin sa tawag na “false pregnancy” at sa clinical term na “pseudocyesis” ang phantom pregnancy. Ito ang paniniwala ng isang tao na siya’y buntis, kahit ang totoo — hindi naman talaga siya nagdadalang-tao.
Sa pagbubuod ng mga nabanggit, maaaring psychologically pregnant ang isang tao — na para bang totoo ang kanilang pagbubuntis.
Bihira ang false pregnancy sa mga bansa na madaling ma-access ang pregnancy test. Subalit, hindi na bago ang maling pag-aakala sa pagbubuntis — at noong 1940’s ang kaso ng false pregnancy ay naganap sa humigit-kumulang 1 sa bawat 250 na pagbubuntis. Dagdag pa rito, sinasabi na 33 taong gulang ang average age ng babaeng nakakaranas ng phantom pregnancy. Subalit, may mga ulat din na lumabas na nakaranas din ang mga nasa edad na 6 — at mga matatandang babae nasa 79 taong gulang ng false pregnancy.
Dagdag pa rito, one-third ng babaeng nakaranas ng phantom pregnancy ang nabuntis na dati. Maaaring nasa malaking panganib rin na magkaroon rin nito ang mga babaeng nakaranas ng incest.
Ano Ang Phantom Pregnancy: Mga Sintomas
Pwedeng magkaroon ng pisikal na senyales at sintomas ng karaniwang pagbubuntis ang mga taong nakakaranas ng false pregnancy. Narito ang mga sumusunod:
- Pagsusuka
- Pagduduwal
- Pagkakaroon ng food cravings
- Pagtaas ng timbang
- Sensation of fetal movement
- Madalas na pag-ihi
- Pagkawala ng regla
- Paglaki ng tiyan
- Paglaki ng suso at paglambot nito
- False labor
- Paglambot ng cervix
- Paglaki ng uterus
- Pagkakaroon ng labor pains
- Lactation
- Pagiging bloated
Sinasabi na maaaring nakakaranas ng physical symptoms ng pagbubuntis ang isang tao dahil sa pagtaas o mataas na level ng estrogen o prolactin.
Dagdag pa rito, ang paglaki rin ng baby bump ang isa pang dahilan kung bakit nagkakaroon ng phantom pregnancy ang isang tao. Ngunit, ang totoo walang bata sa baby bump. Narito ang mga posibilidad na sanhi ng paglaki ng tiyan:
- taba
- dumi o feces
- hangin o gas
- ihi
Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring dahilan ng iba pang medikal na kondisyon. Kaya mas mainam na magkaroon ng konsultasyon sa isang doktor o eksperto.
Ano Ang Phantom Pregnancy: Mga Dahilan
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-aaral at pangangalap ng pinakadahilan ng kondisyon ito. Subalit, maraming naniniwala at nagsasabi na pwedeng psychological ang dahilan nito. Ayon pa sa ilang mental health professional, maaaring kaugnay ito sa matinding takot na mabuntis, kung saan posibleng naaapektuhan nito ang endocrine system at sanhi ng sintomas ng pagbubuntis.
Sinasabi naman ng ibang mental health professionals na pwedeng dahil ito sa pagnanais na mabuntis — pagkatapos makaranas ng ilang ulit na miscarriage. Ang iba naman, naniniwala na maaaring mula ito sa physical at mental trauma o chemical imbalance.
Ang isa pa sa mga teoryang tinitingnan kaugnay sa dahilan ng false pregnancy ay ang ilang chemical changes sa nervous system. Maiuugnay ito sa depressive disorder na pwedeng responsable para sa pregnancy symptoms.
Ano Ang Phantom Pregnancy: Sino Ang May Mga Risk Factor?
Narito ang listahan ng mga taong nasa risks ng pagkakaroon ng phantom pregnancy:
- Kababaihan na nakaranas ng miscarriage.
- Mga babaeng takot na takot mabuntis.
- Babae na nawalan ng karelasyon.
- Ang mga babaeng matagal na nagsisikap sa pagbubuntis. Ngunit hindi sila nagtatagumpay.
- Mga babaeng malapit nang magtapos ang kanilang reproductive life.
- Babaeng may napakalalim na emosyon tungkol sa pagbubuntis.
- Kababaihan na mayroong matinding pananabik na mabuntis.
- Ang mga babaeng gumagamit ng mga gamot na nagpapataas ng prolactin levels. Ito’y maaaring magresulta ng galactorrhea. Kung saan, pwede itong magdulot ng ilusyon ng pagbubuntis.
- Mga kababaihan na mayroong mababang socioeconomic status. Maaari silang makapagdebelop nito, kapag nakakaranas sila ng kawalan ng kapangyarihan at malalim na kawalan ng kapanatagan. Partikular sa harap ng isang relasyon na malapit nang magwakas at labag sa kanilang kalooban.
Mayroon Bang Treatment Sa False Pregnancy?
Pwedeng gumamit ng imaging techniques tulad ng ultrasound upang matagumpay na matapos ang false pregnancy ng isang tao. Mayroong mga pagkakataon din na kinakailangan na sumailalim sa pangangalaga ng psychotherapist treatment ang isang tao. Partikular kung nakakaranas ng psychological instability ang isang indibidwal.
Bagamat walang general recommendation sa paggamot dito gamit ang medication. Maaaring resetahan ng doktor ang isang indibidwal ng gamot kung nakakaranas ng mga sintomas — gaya ng menstrual irregularity.
Isa ring magandang hakbang ang pag-alam sa mga dahilan ng pregnancy symptoms na nararanasan. Makakabuti kung magpapakonsulta sa doktor para sa medikal na payo, medikasyon at diagnosis.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.