Sabi nila, ang mga unang yugto ng pagbubuntis ay lubhang kritikal, at ang mga ina ay kailangang maging mas maingat sa anumang bagay ng kanilang gagawin. Habang nagbubuntis, ang iyong katawan ay sumasailalim sa ilang mga pagbabago, kasabay ng paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan. Subalit kapag iba ang nangyari, maaari itong magresulta sa pagkakunan o iba pang mga depekto sa panganganak. Ano ang isang high risk pregnancy? Ano ang maaari mong gawin para maiwasan ito?
Nagdadala ng iba’t-ibang klaseng kagalakan at pananabik ang pagiging buntis. Ngunit, maaaring magbago ang mga bagay-bagay sa sandaling mag karoon ng higit na banta ng panganib na maaaring maidulot nito. Mula sa pagiging masaya at sabik, sa halip ay maaaring magdulot ito ng pagkabalisa, takot, at mabalot sa dami ng tanong.
Ano ang High Risk Pregnancy?
Ang high-risk pregnancy ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang buhay ng ina o ng fetus sa loob ng tiyan ay nasa panganib.
Ang panganib ay maaaring buhat sa mga pregnancy-related factors, tulad ng problema sa fetus o sa placenta. Maaari rin itong dahil sa mga preexisting maternal medical conditions tulad ng mga sumusunod:
Ang mga kaganapang nauugnay sa pagbubuntis, tulad ng preterm labor at kundisyon na preeclampsia, ay maaari ring magresulta sa high-risk status.
Humigit-kumulang 6-8% ng mga kaso ng pagbubuntis ang nauuwi sa mga komplikasyong may mataas na panganib.
Ano ang High Risk Pregnancy at Ano ang mga Risk Factors para Dito?
Maraming nagtatanong kung ano ang high risk pregnancy. Mayroong ilang mga salik na maaaring sanhi nito, kabilang ang mga sumusunod:
- Edad ng ina. Parehong bata (17 pababa) at matandang (35 pataas) mga ina ay maaaring magkaroon ng mataas na panganib ng pagbubuntis.
- Mga desisyon ukol sa pamumuhay. Hindi maitatanggi na nakaapekto sa bata kung paano namumuhay ang kanyang ina habang nagbubuntis. Ang paninigarilyo, pag-inom, at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay makakasama sa kalusugan, hindi lang para sa ina, maging para na rin sa kanyang sanggol.
- Overweight at obesity. Ang obesity nagpapataas ng pagkakataong magkaroon ng iba’t ibang sakit tulad ng hypertension, gestational diabetes, preeclampsia, pagkalaglag ng bata, cesarean delivery, at neural tube defects sa sanggol. Ayon sa mga mananaliksik ng NICHD, maaari nitong mapataas ang panganib ng mga sanggol na magkaroon ng mga problema sa puso sa kanilang kapanganakan ng aabot sa 15%.
- Pre-existing health conditions. Ang ilang mga kababaihan ay maaaring mayroong ilang mga kondisyon sa kalusugan bago pa man magbuntis. Ang sakit sa bato, sakit sa puso, rheumatologic disease (lupus), autoimmune disease, thyroid disease, at psychiatric na kondisyon ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang mga komplikasyon sa panahon ng pagbubuntis. Sa kabilang banda, ang mga nakakahawang sakit tulad ng HIV/AIDS at Zika virus infection ay maaari ring mag resulta sa high-risk na pagbubuntis.
May ilan ding mga pangkalusugang kondisyon na partikular sa pagbubuntis na maaaring magpataas ng mga panganib:
- Gestational diabetes. Ang uri ng diabetes na ito ay madalas nangyayari sa mga kababaihang hindi pa nagkakaoon ng diabetes bago ang pagbubuntis.
- Preeclampsia at eclampsia. Nagaganap ang preeclampsia kapag tumaas ang presyon ng dugo karaniwan pagkatapos ng ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ang mga seizure o coma naman ay mga posibleng resulta sa mas matinding — eclampsia.
- Multiple pregnancy. Ang mga babaeng nagdadala ng kambal o higit pa, ay maaaring makaharap ng mas malaking panganib sa pagbubuntis.
- Nakaraang preterm delivery. Ang isang babae ay maaaring ituring na may mataas na panganib kung siya ay nagkaroon ng nakaraang premature birth.
- Paulit-ulit na pagkalaglag ng bata. Parehong nanay at anak ang maaaring manganib kung ang nanay ay nakaranas na ng tatlo o higit pang pagkakunan.
Ano ang Mataas na Panganib na Pagbubuntis at Ano ang Maaari Mong Gawin Tungkol Dito?
Ang mga madalas na pagbisita sa doktor ay maaaring makatulong sa pagsubaybay sa iyo at sa iyong sanggol. Ang iyong doktor ang magsasabi ng mga susunod na hakbang na kailangan mong gawin at iwasan upang magkaroon ng mas malusog na panganganak. Ngunit, maaari mo ring gawin ang mga ilang karaniwang mga pamamaraan upang matulungan ka sa iyong pagbubuntis:
- Pagkain ng masustansiya at balanseng diyeta.
- Pagsunod sa mga rekomendasyon na mga aktibidad mula sa doktor. Ang iyong doktor ang makapagsasabi kung kakayanin mong magtrabaho at magehersisyo.
- Uminom ng mga vitamin o supplement na inireseta ng iyong doktor (i.e., folic acid o vitamin B). Ito ay makatutulong upang palakasin ang iyong katawan laban sa mga sakit o mabawasan ang mga karagdagang komplikasyon na posibleng mangyari.
- Itigil ang paninigarilyo at pag-inom.
Panghuli, mag-iskedyul ng appointment sa isang maternal-fetal medicine specialist. Dalubhasa ang doktor na ito sa mga kaso ng pagbubuntis na may mataas na panganib at makatutulong sa iyong mas mahusay na pangangasiwa ng iyong kondisyon. Maaari kang dalhin ng mga espesyal na paggamot at pangangalaga sa landas tungo sa isang higit na malusog at hindi gaanong mapanganib na pagbubuntis.
Key Takeaways
Walang ina ang magnanais na ilagay ang sarili sa panganib, lalo na ang kanyang anak. Hindi mo kasalanan na nagkakaroon ka ng mataas na panganib na pagbubuntis. Ang ilang mga pagbubuntis ay nagiging mas mataas ang panganib habang tumatagal, habang ang iba naman ay may predisposed na mga komplikasyon dulot ng iba’t ibang mga kadahilanan bago pa man sila mabuntis.
Maaari mong gawin tungkol dito ay tiyaking mayroon kang maaga at consistent na prenatal care. Ang mga ito ay nagbibigay-daan sa iyo na pamahalaan ang iyong pagbubuntis nang maayos upang makapanganak din sa isang malusog at walang mga komplikasyon na bata.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.