backup og meta

Paano Maiiwasan Ang Pagbubuntis Matapos Makipagtalik? Heto Ang Mga Paraan

Paano Maiiwasan Ang Pagbubuntis Matapos Makipagtalik? Heto Ang Mga Paraan

Paano maiiwasan ang pagbubuntis matapos makipagtalik? Ito ang kalimitang tanong ng mga taong nagpadala sa bugso ng damdamin kahit hindi handa. Nasa huli ang pagsisisi ika nga, pero huli na nga ba talaga? O baka naman meron pang remedyo.

Siguro ay huli na nang malaman mo na maaari kang mabuntis kung nakipagtalik ka nang walang proteksyon kahit isang beses lang. Marahil sinubukan mong gumamit ng proteksyon pero nabutas ang condom. O di kaya nalimutan mong inumin ang iyong birth control pills. Nakakatawa, pero ito ang mga realidad na pwedeng magdala ng problema sa inyo.

Epektibo ba ang pag momonitor ng ovulation period?

Epektibo ba ang tinatawag nilang safe time upang hindi ka mabuntis? Malamang na umasa ka sa pag-monitor ng ovulation period mo. At ngayong alanganin ka kung epektibo ito, ay nagtatanong ka kung paano maiiwasan ang pagbubuntis pagkatapos mag-sex.

Mahirap malaman nang eksakto kung kailan nangyayari ang obulasyon. Kaya’t kung sinusubukan mong iwasan ang pagbubuntis, huwag umasa dito. Walang “ligtas” na oras ng buwan upang magkaroon ng hindi protektadong pakikipagtalik. Mas mataas ang panganib na mabuntis ka kung ikaw ay may maikling menstrual cycle, halimbawa ay 23 na araw lamang.

Ngunit huli na nga ba para itanong kung paano maiiwasan ang pagbubuntis matapos makipagtalik? Huwag kabahan dahil hindi pa huli ang lahat para pigilan ang pagbubuntis kung ikaw ay nakipagtalik sa nakalipas na araw. Mayroon paraan sa pamamagitan ng emergency contraception.

Emergency contraception

Tinatawag itong emergency contraception o mas kilala bilang morning after pill. Pwede mo itong inumin hanggang tatlong araw pagkatapos ng pakikipagtalik upang hindi ka mabuntis. May ibang doktor na nagsasabing pwede pa nga itong gumana kahit na pagkatapos ng limang araw mo inumin.

Ang emergency contraceptive pill ay ang sagot sa tanong kung paano maiiwasan ang pagbubuntis matapos makipagtalik ng walang proteksyon. Bagama’t epektibo ito ng hanggang limang araw, may mga pills na mas gumagana kapag ininom sa loob ng 72 oras o tatlong araw pagkatapos ng pakikipagtalik.

Epektibo ba ang emergency contraception kung paano maiiwasan ang pagbubuntis matapos makipagtalik?

Ang mga tabletas na ito ay mga high dose birth control pills. Bagamat hindi 100% na epektibo, binabawasan nito ang pagkakataong mabuntis ng 75%. Halimbawa, kung may isang daang kababaihan ang nakipagtalik nang hindi protektado nang isang beses sa ikalawa o ikatlong linggo ng kanilang cycle,, walo ang mabubuntis kung hindi sila gumamit ng emergency contraception. Sa isang banda, dalawa lang ang mabubuntis kung gumamit sila ng emergency contraception.

Salungat sa pangalan nito, hindi mo na kailangan maghintay ng susunod na umaga bago mo ito inumin. Ang morning-after pill ay mas mabisa kapag ininom agad pagkatapos ng hindi protektadong pagtatalik. Hindi ka makakaiwas sa pagbubuntis kapag nakipagtalik ng walang proteksyon matapos uminom ng tableta. 

Miracle pill ba ang emergency contraceptive?

Hindi mapipigilan ng emergency contraceptive pill ang lahat ng pagbubuntis. Paano maiiwasan ang pagbubuntis matapos makipagtalik kung ganito ang sitwasyon? Humigit-kumulang isa o dalawa sa bawat 100 kababaihan na gumagamit ng ECP ay mabubuntis.Makipagkita sa iyong doktor kapag hindi dumating ang iyong regla matapos uminom ng tabletang ito.

Side effect ng emergency contraception

Ang mga emergency contraceptive pills ay maaaring magdulot ng minor side effects sa loob ng ilang araw, kabilang ang:

  • Pagduduwal
  • Spotting
  • Pagsusuka
  • Malambot na dibdib
  • Sakit ng ulo

Karaniwang minor lamang ang mga epekto nito, at karamihan ay bumubuti sa loob ng isa o dalawang araw. Maaaring pansamantalang hindi regular ang regla ng isang batang babae pagkatapos niyang uminom ng tabletas.

Ang pinaka karaniwang epekto nito ay pagduduwal at pagsusuka. Maaaring magbigay ang iyong doktor ng isang tableta na makakabawas sa mga side effects nito.

Kung kayo ng asawa mo ay nagtataka kung paano maiiwasan ang pagbubuntis matapos makipagtalik, maaring subukan nyo ang emergency contraception. Maaari din itong gamitin sa mga sumusunod na pagkakataon:

  • Ang iyong diaphragm o cervical cap ay dumulas sa lugar
  • Nabutas ang condom
  • Nakaligtaan ang pag-inom ng birth control pills
  • Para sa mga kabataang babae na napipilitan makipagtalik nang walang proteksyon

May mga emergency contraceptive pills na mabibili sa botika kahit na ikaw ay walang reseta. Huwag ugaliing umasa sa mga tabletang ito para sa regular na pakikipagtalik ng walang proteksyon. Mas mabuting gumamit ng condom, o ng birth control pills para sa mas maaasahang pamamaraan kung paano maiiwasan ang pagbubuntis matapos makipagtalik.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.health.qld.gov.au/news-events/news/types-contraception-women-condoms-pill-iud-ring-implant-injection-diaphragm#:~:text=The%20Emergency%20Contraception%20Pill%20can,days%20after%20having%20unprotected%20sex., Accessed July 21, 2022

https://www.webmd.com/sex/birth-control/easy-ways-prevent-pregnancy, Accessed July 21, 2022

https://www.nhs.uk/conditions/contraception/how-can-i-avoid-pregnancy/, Accessed July 21, 2022

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2851378/, Accessed July 21, 2022

https://kidshealth.org/en/teens/contraception-emergency.html, Accessed July 21, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement