Maaari bang pigilan ka ng alak sa pagbubuntis? Ano nga ba ang epekto ng alak sa gusto manganak? Isa sa mga bagay na ipapayo sa iyo ng mga propesyonal na iwasan sa lahat ng mga bisyo habang buntis ay ang pag-inom ng alak. Ngunit alam mo ba na kahit na sinusubukan mo pa lamang na magbuntis, ay dapat mo ring iwasan na ang pag-inom ng alak?
Napatunayan ng mga kamakailang pag-aaral ang kaugnayan sa pagitan ng alkohol at mga pagkakataong mabuntis. Ang mga pag aaral na ito ay nag mungkahi na kung nais mong magbuntis, ipinapayong iwasan ang labis na pag-inom. Kahit na sa ikalawang kalahati ng cycle ng iyong regla, ang katamtamang pag-inom ay maaaring magpababa ng iyong mga pagkakataong mabuntis.
Ngunit ito ba ay talagang isang bagay na maaaring pigilan ka sa pagbubuntis o isa lamang na dapat abangan?
Ano Ang Epekto Ng Alak Sa Gusto Manganak
Ang isang pag-aaral na ginawa ni Dr. Kira Taylor at mga kapwa mananaliksik ay nag-obserba ng data mula sa mga kababaihang may edad 19 hanggang 41 taong gulang sa Mount Sinai Study of Women Office Workers. Ang lahat ng 413 kababaihan na kasangkot sa pag-aaral ay may mga tala sa talaarawan na nag-uulat ng dami ng alkohol na kanilang nainom, anong uri, habang nagbibigay ng mga sample ng ihi sa una at ikalawang araw ng kanilang mga menstrual cycle lahat upang suriin ang estado ng pagbubuntis.
Sa pag-aaral, ang labis na pag-inom ay katumbas ng higit sa anim na inumin sa isang linggo. Ang katamtaman ay tatlo hanggang anim na inumin. At ang binge-drinking ay apat o higit pang inumin sa isang araw. Ang mga inuming ito ay humigit-kumulang 355ml ng serbesa o 44ml ng mga distilled spirits.
Maaari bang pigilan ka ng alak sa pagbubuntis? Batay sa mga resulta, ang anumang labis na pag-inom sa loob ng mga yugto ng siklo ng regla ay nagbawas ng mga posibilidad ng paglilihi kumpara sa mga hindi umiinom. Ang impormasyong tulad nito ay kailangan dahil ang mga kababaihan na maaaring sumusubok na mabuntis ay mag-iisip na ligtas na uminom o higit pa sa panahon ng kanilang regla.
Gayunpaman, ang alkohol ay maaaring isang karagdagang kadahilanan lamang sa marami pang iba. Ang pag-aaral ay nagpapakita lamang ng mga kaugnayan sa pagitan ng pag-inom at pagsisikap na magbuntis, ngunit maaaring hindi lamang ito ang direktang dahilan. Sinasabi ni Dr Taylor na ang mga resulta ng pag-aaral ay hindi dapat nangangahulugang ganap na pinipigilan ng alkohol ang pagbubuntis. Sa kanyang sariling mga salita, “ang alkohol ay hindi pagkontrol sa kapanganakan.” Ibig sabihin, kung ang isang babae ay may unprotected sex, maaari pa rin siyang magbuntis.