backup og meta

Ano na ang success rate ng In-vitro Fertilization?

Ano ang success rate ng IVF sa ngayon kung kailan ang in vitro fertilization ay halos alam na ng karamihan? Parang kailan lang, ito ay isang mahiwagang pamamaraan para itaguyod ang pagkamayabong. Ang kilala noon ay ang mga tinaguriang “test-tube baby” na tulad ni Louise Brown na isinilang sa England noong 1978. Siya ang kauna-unahang sanggol na nabuo sa labas ng sinapupunan ng kanyang ina. Sa Pilipinas naman, ang mga tanyag na mga doktor na si Vicki Belo at Hayden Kho ang patunay na epektibo ang IVF.

Ang IVF ay nagsasangkot ng pagsasama-sama ng mga itlog at sperm sa labas ng katawan, partikular na sa isang laboratoryo. Kapag nabuo na ang embryo, nilalagay ito sa matres. Halos limang porsyento lamang ng mga mag-asawang may problema sa fertility ang naghahangad nito, dahil sa ito ay komplikado at mahal. Gayunpaman, mula nang ipakilala ito sa Estados Unidos noong 1981, 1.9% ng lahat ng sanggol doon ay ipinanganak galing sa IVF at iba pang assisted reproductive technologies.

Kadahilanan at ano ang success rate ng IVF

Ang antas ng tagumpay ng IVF ay nakasalalay sa mga sumusunod:

  • Dahilan ng pagkabaog
  • Lugar kung saan ginagawa o binubuo ito
  • Kung ang mga egg cell ay frozen o hindi
  • Kung sa iyo ba ang mga egg cell o galing sa donor
  • Edad

Pinagsama-sama ng Centers for Disease Control and Prevention ang mga istatistika ng mga teknolohiyang reproduktibo na isinagawa sa Estados Unidos, kabilang dito ang IVF na siyang pinakakaraniwan ngunit bumubuo ng 99 porsyento ng mga pamamaraan. Ayon sa pinakahuling ulat noong 2018, halos 50% ng mga pamamaraan ng IVF sa mga kababaihang edad 35 pababa ay naging matagumpay, Nagresulta ito sa isang buhay na kapanganakan. Para sa mga babaeng may edad na 42 at mas matanda, 3.9% lamang ng mga paglilipat ng itlog ang nagresulta sa panganganak.

Ano ang success rate ng IVF batay sa edad

Ang edad ng isang babae ay isang pangunahing salik sa tagumpay ng IVF para sa sinumang mag-asawa. Halimbawa, ang isang babaeng wala pang 35 taong gulang na gumamit ng sarili niyang mga itlog ay may 37.6% na posibilidad na magkaroon ng singleton o isang sanggol gamit ang IVF. Habang ang isang babae sa pagitan ng edad na 41 at 42 ay may 11% na pagkakataon. Tumataas ang antas ng tagumpay kung mas maraming itlog ang nililipat.

Para sa mga kababaihang wala pang 35 taong gulang, ang pagkakataong mabuntis sa pamamagitan ng pakikipagtalik ay humigit-kumulang 25%. Ayon sa Society for Assisted Reproductive Technology,  anuman ang dahilan ng IVF, ang posibilidad na mabuntis sila ay humigit-kumulang 45%. Madalas na kinakailangan ng mag-asawa ng higit sa isang pagsubok upang mabuntis.  Huwag mawalan ng pag-asa. Ayon sa isang pag-aaral, kinakailangan ng mga tatlong pagtatangka upang mabuntis sa pamamagitan ng IVF. 

Dapat bang umulit kapag nabigo sa IVF?

Hindi garantisado kung ano ang success rate ng IVF. Ito ay isang komplikadong pamamaraan at maraming bagay na kailangang ikonsidera na dapat magampanan upang maging magtagumpay. Kasama na dito ang kalidad ng egg cells hanggang sa bilang ng egg cells. Pati mga isyu sa paglalagay ng sperm at komposisyon ng chromosomes ay mahalaga sa matagumpay na paggamot. Kapag ang isang pagtatangka ay hindi matagumpay, titingnan ng iyong doktor ang mga salik upang makagawa ng ilang mga pag-aayos para sa susunod na pagkakataon.

Key Takeaways

Habang patuloy na umuunlad ang teknolohiya, at habang natututo ang tao tungkol sa IVF, tumataas ang antas ng tagumpay. Ang mga numerong ito ay patuloy na magiging mas mahusay sa mga darating pang taon. Kung nais mo talagang mabuntis, hindi lamang matinding tyaga ang kailangan sa IVF kung hindi pati na rin ang pagsunod sa tamang proseso nito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Infertility and In Vitro Fertilization

https://www.webmd.com/infertility-and-reproduction/guide/in-vitro-fertilization

 

In Vitro Fertilization

https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/in-vitro-fertilization/about/pac-20384716

 

How likely are you to have a baby after one, two or three IVF cycles?

https://www.varta.org.au/resources/news-and-blogs/how-likely-are-you-have-baby-after-one-two-or-three-ivf-cycles

 

In Vitro Fertilization (IVF): What Are the Risks?

https://www.reproductivefacts.org/news-and-publications/patient-fact-sheets-and-booklets/documents/fact-sheets-and-info-booklets/in-vitro-fertilization-ivf-what-are-the-risks/

 

New IVF approach could boost success rates for older women

https://www.medicalnewstoday.com/articles/298011

 

Kasalukuyang Version

10/23/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement