backup og meta

Paano Mabuntis? Mga Ilang Paraan Na Maaari Mong Subukan

Paano Mabuntis? Mga Ilang Paraan Na Maaari Mong Subukan

Ang infertility ay ang kawalan ng kakayahang magbuntis pagkatapos ng hindi protektadong pakikipagtalik ng higit sa isang taon. Ang infertility ay nakakaapekto sa hanggang sa 15% ng mga mag-asawa sa buong mundo. Kaya maraming mag-asawa ang nagnanais malaman kung paano mabuntis.

Sa Pilipinas, isa sa 10 Pilipino ang nagdurusa mula sa kondisyong ito. Ang Infertility ay maaaring sanhi ng suliranin ng asawang babae o lalaki, o pareho sila. 

Ang genetics at iba pang mga kadahilanan sa kapaligiran na nakakaapekto sa kakayahan ng ilan upang magbuntis. Gayunpaman, mayroon ding mga paraan upang magbuntis nang natural. 

Ano ang nagiging sanhi ng infertility sa mga kalalakihan at kababaihan? 

Paano mabuntis sa natural na paraan, ito ay nagsisimula sa pag-alam kung ano ang maaaring maging sanhi ng infertility

Ang kawalan ng kakayahang magbuntis ay maaaring magresulta mula sa ilang isyu sa panig ng lalaki o babae, o kombinasyon ng maraming kadahilanan. Maaari itong maging sanhi ng isang nakapakalalim na kalagayan sa kalusugan, mga nakaraang pinsala, komplikasyon na kaugnay ng operasyon, o di magandang pamamaraan ng pamumuhay.

Infertility ng Lalaki 

Ang infertility ng mga lalaki ay maaaring may kaugnayan sa mga isyu tulad ng sumusunod: 

  • Pangkalahatang kalusugan ng sperm (Overall sperm health) :Ito ay ipinahiwatig ng sperm motility, bilang, at kaanyuan
  • Medikal na Kondisyon (Medical condition) kabilang dito ang katabaam, hormonal imbalances na nakakaapekto sa mga antas ng testosterone, at varicoceles , ang pagpapalaki ng mga ugat sa paligid ng mga testicle
  • Suliraning panghenetikang ( Genetic Defects) down’s syndrome o cystic fibrosis ay maaaring makapinsala sa pagpapakilos ng mga organ ng reproduksyon. 

Infertility ng Babae 

Samantala, ang infertility ng ay kadalasang naiuugnay sa mga problema sa obulasyon. Ito ay karaniwang kaugnay sa pagkakaroon ng irregular na pagreregla, o walang pagreregla. Kung nais mong malaman kung paano mabuntis ng natural, mahalaga na malaman ang sumusunod na dahilan:

  • Hormonal na Imbalances: Ang hormonal imbalances ang pinaka-karaniwang kondisyon na kinabibilangan ng polycystic ovarian syndrome (PCOS) at pangunahing ovarian insufficiency (POI). Ang PCOS ay nauugnay sa mataas na antas ng male hormones na nakagagambala sa obulasyon. Ang POI ay nangyayari kapag ang mga obaryo ay huminto sa tungkulin bago ang edad na 40.
  • Blockages: Ang pelvic inflammatory disease at endometriosis ay maaaring maging sanhi ng baradong fallopian tubes.
  • Uterine Fibroids: Ang mga ito ay mga benign tumor na lumalaki sa mga pader (wall) ng matris. Kung ito ay malaki upang maging sanhi ng pagbaluktot ng uterine, maaari itong humantong sa mga komplikasyon ng pagbubuntis.

Iba pang mga kadahilanan 

Ang iba’t ibang mga medikasyon at gamot ay maaari ring makaapekto sa infertility rate. Ang chemotherapy at iba pang mga anyo ng radiation therapy ay maaaring makaapekto sa mga sistema ng reproduksyon ng parehong mga lalaki at babae.

Ang mga anabolic steroid at recreational drugs ay nagbabawas ng produksyon ng sperm. Ang mga impeksyon na nakukuha sa sekswal o Sexually transmitted infections (STI) ay nangungunang mga sanhi ng pelvic inflammatory disease sa mga kababaihan. Bukod pa rito, kung paano dagdagan ang mga pagkakataon na mabuntis ay sanhi ng iyong uri ng pamumuhay na pinili. 

Ang labis na paninigarilyo o paggamit ng tobacco at labis na pagkonsumo ng caffeine ay maaaring maging dahilan upang mabawasan ang mga posibilidad ng pagbubuntis.

Paano mabuntis sa natural na paraan?

Ang pagkakaroon ng kaalaman kung paano dagdagan ang mga pagkakataon ng pagbubuntis ng natural ay malaking bagay. Mula sa diet at ehersisyo, gayundin ang pinakamahusay na oras upang makipagtalik, ay mapabuti ang iyong fertility. .

Kasama rin sumusunod ang natural na solusyon upang mabuntis nang mabilis

Pagbutihin ang pisikal na kalusugan 

Ang pag-aalaga sa ating mga katawan ay makadaragdag ng mga pagkakataon ng pagbubuntis ng natural. Ang pagpapanatili ng isang malusog na timbang ay maaaring mapahusay ang iyong reproductive cycle. Para sa mga lalaki, ang pagkakaroon ng isang body mass index (BMI) ng 30 pataas ay maaaring makaapekto sa kalidad ng sperm. Para sa mga kababaihan, ang pagiging sobra sa timbang ay maaaring humantong sa dalawang beses para magbuntis, ngunit ang pagiging masyadong payat ay maaaring makapinsala sa obulasyon. Bukod dito, isang pag-aaral ang nagpakita na kung ang parehong mga magulang ay napakataba, maaari nitong pahabain ang panahon ng pagtatangka sa pagbubuntis hanggang sa 59%.

Regular na mag-ehersisyo

Isang paraan kung paano mabuntis ay ang regular na pag-ehersisyo.

Ang weightlifting ay maaaring makatulong sa pagbaba ng timbang at makakuha ng lakas ng kalamnan. Tinutulungan ng yoga ang postura at mabalanse ito, upang maging perpekto para sa pagbubuntis. Ang paglangoy at aerobic na ehersisyo ay tumutulong sa tamang sirkulasyon ng dugo. Ang susi ay kailangang manatiling gumagalaw. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang palagiang pag-upo na gawain / pamumuhay (sedentary lifestyle) ay kadalasang humahantong sa mas mataas na panganib ng infertility .

Subaybayan ang obulasyon 

Ang panahon ng obulasyon ay nagpapataas ng pagkakataon na mabuntis. Ito ang panahon kung kailan inilabas ng iyong mga obaryo ang isang itlog sa bawat buwan. Ang mga babae ay may iba’t ibang mga siklo ng pagreregla. Ang isang normal na siklo ay tumatagal hanggang 28 araw, habang ang iba ay may mas maikli (21 araw) o mas mahaba (35 araw). Ang obulasyon ay nangyayari sa mid-cycle. Maaari mong subaybayan ito sa pamamagitan ng pagtatala ng tagal ng iyong regla gamit ang calculator o kalendaryo ng infertility. May iba pang mga paraan upang subaybayan ang obulasyon, ang ilan sa mga ito ay : 

Basal Body Temperature (BBT) 

Sinusukat nito ang pinakamababang temperatura ng iyong katawan kapag nagpapahinga. Kung ito ay tumataas sa 0.6 degrees o higit pa sa loob ng 10 araw, nangangahulugan ito na ikaw ay ovulating. Ang pagsubaybay sa iyong BBT sa bawat buwan ay tumutulong sa iyo na makilala ang iyong pinaka fertile na mga araw.

Cervical Mucus 

Ang cervical mucus ng babae ay nagbabago sa kalidad at dami sa kanyang siklo. Kung ang pagtaas ng paglabas at nagiging payat at madulas ang hitsura, nangangahulugan ito na malapit na sa ovulating.

Timing ng pakikipagtalik 

Isang paraan kung paano mabuntis ay ang tamang timing ng pakikipagtalik.

Ang pagkakaroon ng sex sa iyong pinaka fertile na araw ay nakakadagdag ng mga pagkakataon ng pagbubuntis. Ito ay tinutukoy bilang fertile window. Ito ay sumasaklaw sa limang araw bago ang araw ng obulasyon. Tinutulungan ng iskedyul na ito na matiyak na malusog ang sperm nasa loob sa paghihintay nito sa sa itlog na ilalabas.

Kumain ng masustansyang pagkain

Ang labis na pagkain ng hindi masustansyang pagkain ay maaaring makapinsala sa iyong reproductive cycle. Ito ay humahantong sa infertility. Dapat isama sa iyong diet ang mga inirekomendang bitamina at nutrients upang mapahusay ang pangkalahatang kalusugan at kabutihan ng iyong katawan. Kumain ng pagkain na mayaman sa antioxidants na matatagpuan sa iba’t ibang prutas at gulay, whole grain, at esensyal na taba. Paano madagdagan ang mga pagkakataon ng pagbubuntis na natural, isama ang sumusunod sa iyong pang-araw-araw na diet: 

  • Fiber : Nakakatulong ito na mapanatili ang balanse ang hormone, at pinapanatili ang normal na antas ng asukal sa dugo. Ang fiber ay maaaring mula sa whole grains at mani.
  • Protina : Sinusuportahan nito ang pagiging fertile sa pamamagitan ng pagtaas ng produksyon ng hormone. Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay ang puting karne ng manok, beans, at mga legume. 
  •  Bitamina B6 : Nag-regulate ng produksyon ng reproductive hormone. Ito ay matatagpuan sa madahong gulay, itlog, saging, at beans. 
  •  Bitamina C : Nagpapabuti sa kalusugan ng semen sa mga lalaki at tumutulong sa pagpapanatili ng normal na obulasyon para sa mga kababaihan. Ito ay matatagpuan sa mga bunga ng sitrus at berries.
  •  Zinc ang kakulangan ng zinc sa mga lalaki ay humahantong sa mababang antas ng testosterone. Kumain ng mas maraming whole grains, mga gisantes, beans, at itlog. 

Mga pagkain na dapat iwasan at limitahan, kasama dito ang : 

  • Caffeine : Ang mga mataas na antas ng caffeine ay maaaring makadagdag sa infertility ng babae sa pamamagitan ng 27%. Ito ay maiuugnay rin sa miscarriages o pagkunan. Sa halip uminom ng tubig .
  • High Fat Dairy: Ang mababang taba ay maaaring makapinsala sa proseso ng obulasyon.
  • Pulang karne (Red Meat): Ang pulang karne na diet ay maaaring maging sanhi ng endometriosis.
  • Refined Carbs Ito ay matatagpuan sa pinaka matamis na pagkain at inumin pati na rin processed grains, tulad ng puting kanin at tinapay. Kung mayroon kang PCOS, ang iyong kakayahang magbuntis ay maaapektuhan, kung mataas na bilang ang nakonsumo. Ibaling ang pagkain sa mga complex na carbohydrates na natagpuan sa whole grain at ilang mga gulay. 
  • Processed Food: Kabilang dito ang baked foods, fast food , at pritong pagkain. Ang mga ito ay naglalaman ng mataas na bilang ng trans fats na nakakaapekto sa obulasyon.

Bawasan ang alkohol, tabako, at paggamit ng droga 

Isa sa mahalagang paraan kung paano mabuntis ay ang pag-iwas sa alak, tabako, at droga.

Ang labis na pag-inom ng alak ay maaaring makaapekto sa kalidad ng sperm ng mga lalaki at dagdagan ang pagiging infertility ng babae. Ang mga kemikal na natagpuan sa usok ng sigarilyo ay nakakapinsala sa mga obaryo ng babae at binabawasan ang bilang ng sperm ng lalaki. Ang paninigarilyo ay nauugnay din sa mga ectopic pregnancies at pagkunan (miscarriages). Ang mga recreational drugs tulad ng marijuana ay dapat ding iwasan.

Uminom ng Bitamina 

Ang pag-inom ng mga prenatal na bitamina ay maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng iyong katawan taglay ang mga kinakailangang nutrients para sa pagbubuntis. Tiyaking kumonsulta sa iyong doktor muna bago inumin ang mga ito. Ang mga suplemento na may folic acid ay inirerekomenda.

Ang folic acid hindi lamang nag-optimize ng nutritional status ng ina, pinipigilan din ang mga depekto ng kapanganakan sa sanggol. Ang ilang mga kababaihan ay umiinom rin ng multivitamins upang suportahan ang obulasyon. Ang mga ito ay dapat ding maglaman ng folic acid o bitamina B9.

Key Takeaways

Ang infertility ay nakakaapekto sa 15% ng mga mag-asawa. Ito ay sa parehong lalaki at babae na mga kadahilanan, o kombinasyon ng dalawa. Ang mga kondisyong henetiko, kapaligiran, at pagpipil sa pamamaraan ng pamumuhay ay maaaring maging sanhi ng infertility. .
Para sa mga lalaki, ang fertility ay nakasalalay sa kalusugan ng sperm. Kabilang dito ang bilang ng sperm, motility, at hitsura.
Ang infertility ng babae, sa kabilang banda, ay kadalasang naiuugnay sa mga problema ng obulasyon. Ang mga ito ay maaaring gamutin ng ilang mga gamot at pamamaraan.
Gayunpaman, mayroon ding mga paraan upang madagdagan ang mga pagkakataon na magbuntis ng natural. Hinihikayat ang isang malusog na pamumuhay ang pagiging infertile. Kabilang dito ang tamang pagkain, ehersisyo, at pagbabago sa pamumuhay. Ang mga mag-asawa ay maaaring gumamit ng mga kit at pamamaraan ng obulasyon upang mabuntis nang mabilis.
Magsimula sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay bilang mag-asawa. Humingi ng propesyonal na pagpapayo sa pamamagitan ng iyong obgyn para sa karagdagang pamamahala nito. 

Matuto nang higit pa tungkol sa pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

rying to get pregnant, https://www.nhs.uk/common-health-questions/pregnancy/how-can-i-increase-my-chances-of-getting-pregnant/ (Accessed 02 May 2020)

Infertility is a global public health issue, https://www.who.int/reproductivehealth/topics/infertility/perspective/en/ (Accessed 02 May 2020)

Infertility FAQs, https://www.cdc.gov/reproductivehealth/infertility/index.htm (Accessed 02 May 2020)

Infertility, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/infertility (Accessed 02 May 2020)

Infertility, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/infertility/symptoms-causes/syc-20354317 (Accessed 02 May 2020)

Infertility Risk Factors for Men and Women, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/infertility-risk-factors-for-men-and-women (Accessed 02 May 2020)

Smoking and Infertility, https://www.reproductivefacts.org/globalassets/asrm/asrm-content/learning–resources/patient-resources/protect-your-fertility3/smoking_infertility.pdf (Accessed 02 May 2020)

Getting Pregnant, https://americanpregnancy.org/planning/get-pregnant-naturally/ (Accessed 02 May 2020)

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Fertility Ng Babae: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Hindi Mo Alam Na Buntis Ka: Posible Ba Itong Mangyari?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement