Calendar check: ito na naman ang oras para sa buwan. Ito ay iba dahil ang buwanang dalaw mo ay hindi nangyari. Maaaring delayed ka lang ng ilang mga araw. Maaaring ang delayed na regla mo ay iba ang ibig sabihin, at nais mong makasiguro. Ngunit hindi mo pa nasusubukan ang paggamit ng pregnancy test, paano gamitin ang P.T.? Huwag mag-alala, ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng lahat ng dapat mong malaman.
Ano ang P.T.? Paano Gumamit ng Pregnancy Test?
Ang home pregnancy tests ay reliable na kagamitan para sa mga babae na hindi dinatnan ng regla. Ang gamit na ito ay naghahanap ng tiyak na hormone sa iyong ihi upang makita kung may inaasahan ka na ba o wala. Makikita lamang ang hormone na ito kung ikaw ay buntis.
Ang hormone sa pagbubuntis ay tinatawag na human chorionic gonadotropin (hCG), na normal na pino-produce sa placenta ng babae sa simula na nailagay na sa uterus ang na-fertilize na egg.
[embed-health-tool-ovulation]
May dalawang uri ng pregnancy tests na maaari mong subukan:
- Urine test. Ito ang pinaka karaniwan na uri ng pregnancy test dahil ito ay portable device na magagamit sa bahay. Maaari kang bumili nito sa pharmacies at convenience stores na hindi na kinakailangan ng reseta.
- Blood test. Isinasagawa naman ng obstetrician ang uri ng test na ito sa kanilang clinic o sa laboratoryo, upang tingnan kung ang iyong dugo ay naglalaman ng pregnancy hormone na hCG.
Ang hindi pagkakaroon ng regla ay hindi agarang senyales ng pagbubuntis, ngunit maraming mga babae na nakararanas ng delayed o irregular na pagreregla. Maaari mong subukan ang pregnancy test kung nakakitaan mo ang iyong sarili ng maagang senyales ng pagbubuntis kasama ang pagkawala ng regla. Kabilang sa mga senyales na ito ay:
- Swollen, tender breasts
- Fatigue
- Laging naiihi
- Pagkahilo at pagsusuka (o morning sickness)
- Bloated na pakiramdam sa tiyan
Paano Gumamit ng Pregnancy Test: Pangkabuuang Gabay
Sa loob ng pregnancy test kit ay isang gabay na nagtuturo kung paano gamitin ang P.T. Bago isagawa ang urine test, siguraduhin na tingnan ang expiration date sa packaging. Ito ay mahalagang salik para sa test upang magamit at gumana nang tama.
Maraming iba’t ibang pregnancy test na mabibili sa market, ngunit ang mga ito ay sumusunod sa parehong tuntunin at gabay:
- Tanggalin ang plastic lid upang makita ang absorbent window kung saan ilalagay, ipapatak ang sample ng ihi.
- Ilinya ang absorbent tip direkta kung saan ilalagay ang ihi. Kolektahin ang sample ng ihi sa loob ng 7-10 na segundo upang masiguro na ang testing tool ay may sapat na amount. Maaari mong ikonsidera ang isa pang pamamaraan ng pagkolekta ng sample sa pamamagitan ng paglalagay ng ihi sa malinis na container. Pagkatapos nito, isawsaw na ang absorbent pad sa ihi sa loob ng 10 segundo.
- Kung nakuha na ng kagamitan ang kailangang sample, maaari mo nang ire-cap ito at hayaan ito nang nakahiga sa isang malinis na lugar.
- Hintayin ang test na matapos na maproseso sa loob ng 5 minuto.
Paano Gumamit ng Pregnancy Test: Pagbasa ng Resulta
Natutukoy ng pregnancy test ang antas ng human chorionic gonadotropin (hCG) sa sample ng ihi. Ang antas ng hCG ay nagbibigay ng indikasyon kung ang resulta ay positibo o negatibo base sa bilang ng linya na makikita.
Dalawang Linya = Positibo (Buntis)
Parehong ang Control (C) at Test (T) na bahagi ay may tiyak at consistent na color bands. Ang bands’ color intensity ay nagkakaiba depende sa sa concentration at stage ng antas ng hCG. Ang dalawang linya ay indikasyon ng mataas na antas ng hCG (mas mataas sa 25mIU/mL)
Isang Linya = Negatibo (Hindi Buntis)
Sa itaas ng Control (C) section, may isa lamang na kulay ng band, na indikasyon ng mababang lebel ng hCG (mas mababa sa 5 mIU/mL)
Key Takeaways
Para sa mga unang beses gagamit, ang kailangan na gawin ay unawain kung paano gamitin ang P.T. Kung ipinakita ng stick ang dalawang linya, congratulations! Buntis ka! Ngunit para sa mga may isang linya lang ng stick, huwag mag-alala. Maaari mo pa ring subukan.
Kahit na ano pa ang resulta, maaari mong konsultahin ang iyong doktor at talakayin ang iyong mga plano. Ang paggawa nito ay magbibigay ng suporta sa kung ano ang pangangailangan mo.
Matuto pa tungkol sa pagbubuntis dito.