Ano ang kaugnayan sa pagitan ng sobrang timbang habang buntis? Una sa lahat, ang mga babae na may dagdag na timbang ay maaaring mahirapan na magkaroon ng baby dahil sa irregularities sa lebel ng progesterone at estrogen sa katawan. Ang estrogen na pino-produce ng fat cells ay maaaring magpigil ng ovulation.
Ang fertility ay maaari ding maapektuhan ng mataas na body mass index (BMI) dahil nasisira nito ang regular na ovulation. Hindi madaling nabubuntis ang mga babaeng may mataas na BMI kaysa sa mga may normal na BMI, kahit na regular silang nag o-ovulate.
Ang mga tiyak na pamamaraan sa fertility gaya ng IVF o in vitro fertilization, ay apektado ng obesity. Sa pangkalahatan, ang mas mataas na BMI ay nakababawas ng tsansa ng pagiging buntis sa pamamagitan ng IVF. Ito ay nagpapakita na ang sobrang timbang habang buntis ay magkaugnay.
Sobrang Timbang Habang Buntis: Ano ang mga Banta at Komplikasyon?
Preeclampsia
Ang buntis na nagkaroon ng preeclampsia ay nakararanas ng high blood pressure na maaaring magresulta sa pinsala sa atay at bato. Posible na magkaroon ng seizures, atake sa puso, at stroke dahil sa preeclampsia.
Posible rin ang mga komplikasyon sa kondisyon tulad ng problema sa placenta at paglaki ng fetus.
Ang pagkakaroon ng preeclampsia ay karaniwang nangyayari matapos ang ika-20 linggo ng pagbubuntis.
Obstructive Sleep Apnea
Ang mga babaeng overweight ay maaaring mayroong apnea. Humihinto sa paghinga sa kaunting panahon habang natutulog ang taong may sleep apnea at maaari itong magbigay ng seryosong banta lalo na sa mga buntis.
Ang anemia, preeclampsia, high blood pressure, at problema sa puso at baga ay resulta mula sa obesity. Mula rito, ang pagbubuntis ay maaaring maging risky.
Gestational Diabetes
Ang mga babaeng buntis ay maaaring may ganitong uri ng diabetes. Ang gestational diabetes ay resulta ng sobrang daming sugar (glucose) sa dugo habang nagbubuntis.
Mas maaaring magkaroon ang mga buntis na may kondisyon nito ng type 2 diabetes matapos ipanganak ang baby.
Venous Thromboembolism
Kilala rin sa tawag na VTE ang Venous thromboembolism. Ito ay potensyal na nakamamatay na kondisyon ng blood clot.
Ang mga buntis na overweight ay maaaring mag-develop ng blood clots. Maaaring mag break off ang blood clots at mag-travel sa organs ng katawan papuntang utak, baga, o puso. Maaaring magresulta ang VTE sa atake sa puso o stroke sa mga obese na buntis.
Cesarean Birth
Ang mga buntis na sobra ang timbang ay kinakailangang sumailalim sa C-section (kilala rin sa tawag na cesarean na panganganak). Sa operasyon na ito, ang baby ay ilalabas sa pamamaraan ng surgical incision na gawa ng doktor sa tiyan at sinapupunan.
Maaaring magkaroon ng komplikasyon ang babae matapos ang C-section dahil sa sobrang timbang habang buntis. Ang mga komplikasyon tulad ng infection at labis na kawalan ng dugo ay maaaring mangyari habang isinasagawa ang C-section.
Paano Nakaaapekto ang Sobrang Timbang sa Baby?
Maaaring mangyari ang premature birth dahil sa sobrang timbang at ang tsansa ng pagbubuntis ay maaaring maging at risk. Kung ikaw ay nanganak bago mag-37 na linggo, maaaring makaranas ang iyong baby ng mga seryosong problema sa kalusugan.
Ang development ng mga preterm babies ay hindi kumpleto kaysa sa mga baby na inilabas matapos ang 39 na linggo ng pagbubuntis. Gayundin, ang mga preterm na baby ay mataas ang banta ng short-term at long-term na problema sa kalusugan.
Macrosomia
Kilala rin sa tawag na large for gestational age o LGA ang Macrosomia. Kung ang baby ay LGA, ibig sabihin nito na ang bigat niya ay higit sa 8 pounds, 13 ounces. Kung ang iyong baby ay ganito kalaki, maaari silang makaranas ng injuries habang nagla-labor at habang nasa proseso ng panganganak.
Karagdagan, maaaring kailanganin mo ng C-section kung ang iyong baby ay malaki para sa gestational age. Kalaunan, ang mga malalaking baby ay maaaring makaranas ng obesity, diabetes, cardiovascular disease at asthma.
Birth Defects
Kilala sa tawag na neural tube defects (NTDs) ang congenital disabilities ng spine at utak. Ang birth defects ay namamanang kondisyon sa kalusugan na nakaaapekto sa bata.
Ang congenital disability ay maaaring magpabago ng isa o maraming parte ng katawan sa parehong itsura at function. Maaaring magkaroon ng epekto ang mga kondisyon na ito sa pangkalahatang kalusugan, development, o function ng katawan.
Ang Sobrang Timbang ba ay Humahantong sa Miscarriage?
Maraming mga salik ang maaaring makadagdag sa miscarriage. Gayunpaman, ipinakita ng pag-aaral na ang miscarriage, obesity at pagbubuntis ay magkaugnay. Ang sobrang timbang ay nagpapataas ng posibilidad ng miscarriage. Ang tsansa ng miscarriage ay nasa 1.45 na beses na mas mataas sa mga babaeng sobra ang timbang.
Kung natapos na ang pagbubuntis bago ang ika-20 linggo, ito ay nauuri bilang miscarriage. Sa kabilang banda, nangyayari pa rin ang stillbirth bago ang panganganak, ngunit pagkatapos ng 20 linggo ng pagbubuntis.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa ligtas na pagbubuntis dito.