backup og meta

Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal, Ano Ang Dahilan?

Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal, Ano Ang Dahilan?

Maraming tao ang gustong magkaroon ng kambal na anak, lalo na ang magkamukhang kambal. Ngayon, ang pagkakaroon ng kambal na anak ay hindi gaanong bihira; ang rate ng pagkakaroon ng kambal na anak ay lubhang tumaas sa loob ng mga nakalipas na taon. Basahin ang artikulong ito upang matutuhan ang agham sa likod ng pagkakaroon ng magkamukha at hindi magkamukhang kambal.

Ang mga terminong medikal para sa mga ganitong uri ng kambal na sanggol ay Monozygotic (magkamukha) at Dizygotic (hindi magkamukha). Ang iba pang mga tawag para sa hindi magkamukhang kambal ay Fraternal Twins habang ang para naman sa magkamukhang kambal ay Identical Twins.

Alamin muna ang proseso ng reproduction bago malaman kung paano nabuo ang magkamukha at hindi magkamukhang kambal.

Proseso Ng Reproduction: Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal

Sa panahon ng ovulation, ang obaryo ng isang babae ay naglalabas ng single oocyte o egg. Sa paglipas ng panahon, ang eggs na ito ay maaaring ma-fertilize ng sperm dahil sa pakikipagtalik. Ito ay nagreresulta sa paglalakbay ng zygote patungo sa matris ng babae sa pamamagitan ng paghahati at duplikasyon. Ito ay nangyayari  dahil sa proseso ng mitosis kung saan ito ay maglalagay at magdedebelop ng isang embryo na kalaunan ay hahantong sa pagkabuo ng isang fetus.

Paano Nabubuo Ang Magkamukhang Kambal?

Maaaring magbuntis ang babae ng magkamukhang kambal kung na-fertilize ng isang  sperm ang isang ovum na kalaunan ay mahahati sa dalawa. Ito ay maaaring mangyari sa napakaagang yugto ng pagdebelop. Pinaniniwalaang ang pagkakahati sa napakaaagang yugto ay may parehong genetic na impormasyon, na nakatutulong upang maging kapansin-pansing magkamukha.

Gayunpaman, ang mag-asawa ay maaaring magbuntis ng magkamukhang kambal kung ang babae ay sumasailalim sa fertility assistance. Makatutulong ito upang ma-fertilize ang egg na babalik sa kanyang matris. Matapos ito ay mahahati ang ovum sa dalawa, na nagreresulta sa identical twin pregnancy.

Paano Nabubuo Ang Hindi Magkamukhang Kambal?

Nabubuo ang non-identical o fraternal twins kung ang isang ina ay naglabas ng ganap na dalawang magkahiwalay na itlog na na-fertilize ng dalawang magkaibang sperm. Ang non-identical twins ay hindi magkamukha.

Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang magkamukhang kambal ay palaging magkapareho ng kasarian dahil magkapareho sila ng genes. Kaya ito ay maaaring lalaki-sa-lalaki o babae-sa-babae na magkamukhang kambal. Gayunpaman, sa kaso ng hindi magkamukhang kambal, ang isang ina ay maaaring manganak ng magkapareho o magkaibang kasarian dahil ang mga sanggol ay nakikisalo lamang sa 50% ng parehong genes.

Kaya kung ikaw o ang iyong asawa ay nagnanais ng kambal na anak, maaari kayong magkaroon ng magkamukha o hindi magkamukhang kambal. Kung interesadong malaman ang mga salik na makatutulong sa pagkakaroon ng kambal na anak, basahin ang listahang ito.

Mga Salik Na Makatutulong Sa Pagkakaroon Ng Kambal Na Anak

Bagama’t tumaas ang rate ng pagbubuntis ng kambal sa mga nakalipas na tao, nananatili pa rin itong hindi karaniwan. Natuklasan ng American Society for Reproductive Medicine (ASRM) na isa sa 250 na pagbubuntis ay nagreresulta sa kambal na anak.

Naniniwala ang ilang pediatricians na mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng hindi magkamukhang kambal kaysa sa magkamukhang kambal.

Kaya, kung nais magkaroon ng kambal na anak, alamin ang iba’t ibang mga salik na nakapagpapataas ng posibilidad ng pagbubuntis ng kambal.

Edad

Naniniwala ang Office on Women’s Health na ang mga kababaihang edad 30 taon o higit pa ay mas may tyansang magkaroon ng kambal na anak. Ito ay dahil ang isang babaeng higit 30 taong gulang ay maaaring maglabas ng higit sa isang egg sa panahon ng ovulation kaysa sa mga mas batang kababaihan.

Genetics

Kabilang din ang family history sa isa sa mga pangunahing salik na dapat isaalang-alang sa pagbubuntis. Naniniwala ang mga eksperto sa kalusugan na ang isang babae ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng kambal na pagbubuntis kung mayroon siyang kamag-anak na kambal sa panig ng kanyang ina.

Fertility Treatment

Mas may tyansang magkaroon ng kambal na anak ang mga mag-asawang pumipili ng fertility treatment. Ang iba’t ibang uri ng fertility treatment ay nakapagpapataas ng tyansang ng pagkakaroon ng kambal na anak sa iba’t ibang mga paraan. Ang fertility drugs at In Vitro Fertilization (IVF) ay maaaring makapagpataas ng tyansang magkaroon ng kambal na anak.

Taas at Timbang

Ayon sa ASRM, ang mga mas mabibigat o mas matatangkad na kababaihan ay mas may tyansang magbuntis ng hindi magkamukhang kambal kaysa sa mga babaeng may mas mababang timbang at may normal na taas. Hindi pa rin malinaw ang mga kadahilanan ngunit maaaring dahil sa mas maayos na nutrisyon.

Ito ang ilan sa mga salik na maaaring makatulong upang ang mga kababaihan ay magkaroon ng kambal na anak. Gayunpaman, ang pagbubuntis ng kambal ay maaaring may ilang mga komplikasyong dapat tandaan.

Panganib ng Pagbubuntis ng Kambal

Isang masayang pagkakataon para sa isang mag-asawa at sa kanilang pamilya kung ang isang babae ay nagdadalang-tao nang higit sa isang sanggol. Gayunpaman, ang inang nagdadalang-tao ng kambal ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng mga komplikasyon kaysa sa isang babaeng nagdadala ng isang sanggol. Ang mga komplikasyon ay ang mga sumusunod:

  • Pagkamatay ng sanggol bago pa man maisilang
  • Mababang timbang ng sanggol pagkapanganak
  • Premature na kapanganakan
  • Mga kapansanan sa kapanganakan at congenital health conditions tulad ng Cerebral Palsy at Autism
  • Diabetes habang nagbubuntis
  • Preeclampsia
  • High blood pressure habang nagbubuntis
  • Pagkalaglag o miscarriage
  • Twin-to-twin transfusion syndrome
  • Cord entanglement
  • Postpartum hemorrhage
  • Anemia
  • Cesarean na panganganak

Dahil sa mga nabanggit na komplikasyon, pinakamainam para sa isang babaeng nagbubuntis ng kambal na magpahinga hangga’t maaari.

Key Takeaways

Bagama’t ang mga eksperto sa kalusugan ay nagbigay ng ilang mga salik na nakapagpapataas ng tyansa ng pagkaroon ng kambal na anak, ang mga salik na ito ay hindi lubos na nagpapatunay. Kahit ang artikulong ito ay nagmungkahi ng mga paraan upang mapabuti ang pagbubuntis ng kambal,  ito ay natural na proseso. Kung ikaw o ang iyong asawa ay nagdadalang tao ng kambal, makikita ito sa maagang ultrasound.
Ang babaeng nagbubuntis ng kambal ay nakararanas ng mga sintomas tulad ng mabilis na pagtaas ng timbang at matinding morning sickness. Kaya, mahalagang pangalagaan ang kalusugan o pangalagaan ang kalusugan ng iyong karelasyon. Ang mga regular na konsultasyon sa mga eksperto sa kalusugan ay maaaring makatulong sa iyo para sa isang malusog na pagbubuntis.

Matuto nang higit pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Complications of Multiple Pregnancy/https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=P08021/Accessed on 17/11/2019

Pregnant with twins/https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/what-causes-twins/Accessed on 17/11/2019

Fraternal twins, identical twins and other types of twins/https://raisingchildren.net.au/pregnancy/health-wellbeing/twin-pregnancy/twins/Accessed on 17/11/2019

The Difference Between Identical and Fraternal Twins/https://www.healthychildren.org/English/family-life/family-dynamics/Pages/The-Difference-Between-Identical-and-Fraternal-Twins.aspx/Accessed on 17/11/2019

Twins – Identical and Fraternal

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/twins-identical-and-fraternal Accessed June 29, 2021

Fraternal Twins

https://www.genome.gov/genetics-glossary/Fraternal-Twins Accessed June 29, 2021

Kasalukuyang Version

04/30/2023

Isinulat ni Jezreel Esguerra, MD

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Missionary Position Para Mabuntis: Epektibo ba Ito?

Ano Ang Sperm Motility? Nakaaapekto Ba Ito Sa Fertility?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jezreel Esguerra, MD · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement