Kapag sinabi nating panganganak nang marami, lagi nating naiisip na ito ay tungkol sa identical twins o triplets. Ngunit ano nga ba eksakto ito? Ano ang mga epekto ng panganganak nang marami sa nanay? Anong mayroon sa babae upang manganak nang marami? Mapanganib ba ito? Ano ang aasahan mo? Basahin upang malaman.
Ano ang Panganganak nang Marami?
Ang pagbubuntis ay kinokonsiderang marami kung mayroong higit sa isang sanggol na lumalaki sa sinapupunan. Kambal, triplets, quadruplets, at higit pa ay nasa ilalim ng kategoryang ito.
Ang panganganak nang marami ay nangyayari sa dalawang paraan.
Mula sa Egg
Ang una ay kung ang fertilized na egg ay nahati habang nasa maagang development, na nagreresulta sa dalawa o higit pa na identical ngunit hiwa-hiwalay na mga indibidwal. Ang mga doktor ay siyentista ay tinatawag itong monozygotic dahil ang mga sanggol na ito ay mula sa iisang egg.
Dahil mula sila sa iisang egg, ang DNA nila ay parehong identical sa kabuuan. Ang ibig sabihin nito na sila ay magkakamukha at lahat sila ay may parehong kasarian. Kaya’t ang mga kambal o higit pa ay tinatawag na identical siblings.
Mula sa Magkaibang Egg
Ang pangalawang dahilan ay kung mayroong dalawa o higit pang eggs na na-fertilize sa parehong pagbubuntis. Hindi tulad ng monozygotic, ang mga sanggol na ito ay mula sa magkakaiba at magkakahiwalay na eggs. Nagkakapareho lang sila ng kalahati ng genes.
Ang ibig sabihin ay magkakamukha sila sa pisikal na anyo ngunit hindi sila pare-pareho sa kabuuan.Ibig sabihin din nito na ang mga sanggol ay maaaring may iba-ibang kasarian. Taliwas sa identical siblings, tinatawag ang mga sanggol na ito na fraternal twins. Sa kasalukuyang panahon, ang panganganak nang marami na fraternal siblings ay mas karaniwan dahil sa maraming mga salik.
Mga Salik para sa Panganganak nang Marami
Narito ang mga salik na nagpapataas ng posibilidad na manganak nang marami.
Genetics
Ang mga fraternal siblings ay may namamanang katangian. Kung mayroon kang kambal, o may kambal sa iyong pamilya, may posibilidad na ikaw rin ay magsilang ng fraternal twins. Sa parehong veins, kung mayroon kang karanasan ng panganganak sa fraternal siblings, may posibilidad na manganak ka nang marami ulit.
Edad
Ang mga babae na mas matanda sa 35 ay mas may posibilidad na maglabas ng dalawa o maraming eggs habang nasa isang menstrual cycle kumpara sa mga mas batang babae.
Fertility na mga Gamot
Ang paggamit ng fertility na mga gamot ay kadalasang humahantong sa pagkakaroon ng higit pa sa isang egg na nagiging dahilan upang manganak nang marami.
Mahalaga na tandaan na kapag tungkol sa panganganak sa identical siblings, walang nakaaalam ng eksaktong dahilan paano ito nangyayari. Ibig sabihin na ang bawat babae ay mayroong pagkakataon na magsilang ng identical na mga anak.
Epekto ng Panganganak nang Marami
Narito ang ilang mga epekto ng panganganak nang marami.
Maraming Beses na Pagbisita sa Doktor
Ang maraming check-ups ay isa sa mga epekto ng panganganak nang marami. Ang maraming beses na pagbisita sa doktor ay kinakailangan dahil mas maiging pangangalaga ang kainakailangan kung ikaw ay magkakaroon ng higit pa sa isang sanggol. Ang mga senyales sa maagang labor o iba pang komplikasyon na makikita mula sa panganganak nang marami ay kailangan na laging tignan.
Karagdagang Pagdagdag ng Timbang
Ang mga babaeng nakararanas ng panganganak nang marami ay asahan ang pagdagdag ng timbang kaysa sa ibang mga buntis. Ang pagdagag ng mas maraming timbang ay mahalaga upang masuportahan ang kinailangang paglaki ng mga sanggol. Dahil mayroong higit sa isang sanggol, ang mga nanay ay kailangang kumain ng mas marami.
Maagang Labor
Isa sa mga epekto ng panganganak nang marami ay ang maaaring pagrekomenda ng doktor sa isang maagang panganganak sa pamamagitan ng C-section upang maiwasan ang maaaring komplikasyon. Dahil ang iyong katawan ay nasa ilalim ng stress kaysa sa tipikal, ang maiging pangangalaga ay kailangan upang masiguro ang kalusugan ng nanay at kanyang mga sanggol.
Mga Potensyal na Banta, Komplikasyon at Epekto ng Panganganak nang Marami
Ang mga epekto ng panganganak nang marami ay may mga banta at komplikasyon. Narito ang ilan sa mga potensyal na banta mula sa panganganak nang marami.
Premature na Panganganak
Ang pinaka karaniwang banta na maiuugnay sa panganganak nang marami ay premature na panganganak. Mas maraming sanggol ang dinadala, mas posible na maranasan ang premature na panganganak. Maaari itong maging problematiko para sa mga sanggol dahil maaari itong humantong sa mga komplikasyon para sa kanilang paglaki at pag-develop.
Gestational Diabetes
Ang pagkakaroon ng panganganak nang marami ay nagpapataas na magkaroon ng gestational diabetes, na nakaaapekto sa lebel ng sugar sa iyong dugo.
Mas Mataas na Presyon ng Dugo
Ang panganganak nang marami ay maaaring magpataas ng tsansa ng pagkakaroon ng high blood pressure disorders habang nagbubuntis.
C-Section na Panganganak
Kahit na nais mo ng natural na vaginal na panganganak, ang mga komplikasyon habang nanganganak o nagbubuntis ay maaaring humantong sa iyong doktor na piliin ang C-section na panganganak.
Twin-Twin Transfusion
Sa identical na kambal, ang isa ay makatanggap ng mas maraming dugo kaysa sa isa. Ito ay maaaring maging sanhi ng komplikasyon sa puso para sa pareho na maaaring kailanganin ang procedure at operation kahit na habang nagbubuntis.
Fetal Growth Restriction
Maaari itong mangyari kung ang isa o higit pang sanggol ay hindi lumalaki nang tama.
Mahalagang Tandaan
Bilang buod, ang panganganak nang marami ay mangyayari kung ang nanay ay nagdadala ng higit pa sa isang sanggol sa parehong pagbubuntis. Maaari itong mangyari kung ang fertilized na egg ay nahati (na hahantong sa identical twins) o higit sa isang egg ay na-fertilize habang nasa stage ng conception.
Ang mga epekto ng panganganak nang marami ay kabilang na ang mga banta at komplikasyon sa kalusugan ng nanay at ng sanggol. Para sa rason na ito, mahalaga na ang mga babae na nagbubuntis ng kambal o mas marami pa ay regular na kumonsulta sa kanilang mga doktor.
Matuto pa tungkol sa ibang paksa sa pagbubuntis dito.