The age-old question: Pwede ka bang mabuntis kahit hindi ka nakipag-sex sa kapareha o walang penetration na naganap? Ang sagot dito ay “OO”, maaaring mabuntis ka, pero mababa lamang ang tsansa. Kaugnay nito, patuloy na dumarami ang mga myth o paniniwala tungkol sa pregnancy at pakikipagtalik. Gaya ng pagiging buntis kahit hindi nag-sex. Ngunit alin nga ba sa mga paniniwala ito ang haka-haka lamang at posibleng nagtataglay ng katotohanan? Alamin dito.
Buntis Kahit Hindi Nag-sex at Penetration: Posible nga ba?
Para mabuntis ka, ang itlog ay kailangang ma-fertilize ng sperm kung saan karaniwang nagaganap ito kapag ang semilya ay inilalabas sa puwerta/vagina. Ang semilya ng isang lalaki ay naglalaman ng higit sa milyun-milyong sperm, pero isa lamang sa kanila ang makapagfe-fertilize sa itlog.
Maraming mga paniniwala ang nag-e-exist kung posible o hindi na magkaroon ng pagbubuntis nang walang penetration.
Isa-isahin natin sila ngayon.
Pagbubuntis nang walang penetration – Myth 1: Maaari kang mabuntis mula sa pre-ejaculatory fluid (pre-cum)
Bago mag-ejaculates ang lalaki, ang ari ng lalake ay naglalabas ng malinaw na likido na tinatawag na pre-cum (pre-ejaculatory fluid) kung saan ang mga lalaki ay walang paraan para makontrol ang fluid production na ito. Masasabi rin na ang pre-cum ay hindi naglalaman ng mga buhay at healthy sperm, at sa halip, mayroon itong mga patay na sperm o kung minsan wala itong laman na mga tamod. At batay sa mga nabanggit na ito, nangangahulugan lamang na hindi malamang na mabuntis mula sa pre-ejaculate ang isang babae.
Gayunpaman, ang paniniwala na ito ay maaaring posible, pero ang mga pagkakataon nito ay mababa lamang dahil pwede itong maganap kung sa pre-cum ay makakakuha ng mga buhay na sperm na nanatili pa rin sa urethra mula sa nakaraang pre-ejaculate.
Buntis kahit hindi nag-sex: Myth 2 — Maaari kang mabuntis mula sa grinding
Ang dry sex ay tumutukoy sa 2 mag-partner na nagkukuskos ng kanilang katawan laban sa isa’t isa gamit ang kanilang mga damit. Sa ganitong uri ng sex, walang pagpapalitan ng fluids sa pagitan ng mag-asawa at walang panganib na mabuntis, sapagkat mas kaunti ang pagkakataon na ang ejaculation ay makapasok sa vaginal area dahil sa mga layer ng damit na nakasuot at nakapatong sa katawan.
Tulad ng nabanggit, ang pagbubuntis ay magaganap lamang kung ang sperm ay na-meet si egg. At malabong mangyari ito kung ang sex ay ginagawa habang nakadamit ang magkapareha.
Kung nag-grind ka ng hubo’t hubad, maliit pa rin ang pagkakataon para maabot ng sperm ang itlog dahil kailangan nitong maglakbay hanggang sa puwerta — sa pamamagitan ng cervix, lampas sa matris — hanggang sa fallopian tube hanggang sa tuluyan nitong maabot ang itlog.
Ang pinakamabilis na sperm ay pwedeng tumagal ng hanggang 45 minuto para makumpleto ang paglalakbay na ito, at kapag ang sperm ay inilagay sa labas o malapit sa ari, sinasabi na ang pag-asa na makumpleto ang paglalakbay nito ay maliit na lamang lalo na kung ang semilya ay nag-land sa labia.
Gayunpaman makikita natin na ang sperm ay pwedeng makapasok sa vaginal canal. Pero hindi ito madalas na nagaganap. Subalit ang ganitong mga pangyayari ay posible pa rin.