backup og meta

Ano Ang Sperm Motility? Nakaaapekto Ba Ito Sa Fertility?

Ano Ang Sperm Motility? Nakaaapekto Ba Ito Sa Fertility?

Sa tuwing pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa fertility ng mga kalalakihan, ang bilang ng sperm ay ang karaniwang pangunahing paksa. Gayunpaman, ang sperm motility ay mayroon ding gampanin sa pagtukoy sa fertility ng isang lalaki.

Alamin sa artikulong ito kung ano ang sperm motility, mga salik ang nakaaapekto rito, at mga maaaring gawin upang mapabuti ito.

Ano Ang Sperm Motility?

Ang sperm motility ay tumutukoy sa kakayahan ng sperm cell na gumalaw. Nangangahulugan ito na ang sperm na mas motile ang may kakayahang makakilos kumpara sa sperm na hindi gaanong motile. Sa mga tao, ana ng motility 50% o higit pa ay ang karaniwan.

Gayunpaman, maaari din itong tumukoy sa tinatawag na progressive motility o non-progressive motility. Ang progressive motility ay nangangahulugang ang cell ay hindi lamang nakagagalaw, subalit ito ay kumikilos nang pasulong sa isang medyo tuwid na linya.

Sa kabilang banda, ang non-progressive motility ay nangangahulugang habang ang cell ay nakagagalaw, hindi ito nakakikilos sa tuwid na linya. May posibilidad itong gumalaw sa buong lugar, o maging sa masikip na mga bilog.

Dahil ang gampanin ng sperm ay ang “lumangoy” sa loob ng ari ng babae at pumunta sa fallopian tube upang i-fertilize ang egg, ang progressive motility ay mahalaga. Ang sperm cells na kinakikitaan ng non-progressive motility ay maaaring hindi makapasok sa labas na layers ng egg cell. Ang mga kinakikitaan naman ng progressive motility ay maaaring gumalaw nang mas mabilis at sa gayon ay nakapapasok sa loob ng egg cell upang ma-fertilize ito.

Ano Ang Sperm Motility? Mga Salik Na Nakaaapekto

May mga salik na maaaring makaapekto sa sperm motility ng lalaki. Ang mga problema sa hypothalamus o pituitary gland ay isang posibleng dahilan. Ang mga sakit na nakaaapekto sa testicles ay maaari ding maging dahilan ng pagkabaog. May gampanin din ang edad dahil habang tumatanda ang isang lalaki, bumababa rin ang kanilang fertility.

Natuklasan sa isang pag-aaral na ang isang salik na partikular na nakaaapekto sa motility ay ang lebel ng pH ng semilya. Kung ang sperm ay masyadong acidic (5.2-6.2 pH), maaari itong makaapekto sa motility. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagkakaroon ng semilya na mas basic, hanggang sa lebel ng pH na 7.2-8.2, ay walang anomang makabuluhang epekto sa motility.

Natuklasan din ng isa pang pag-aaral na ang temperatura ay nakaaapekto rin sa sperm motility. Gayunpaman, ang mga ito ay nangyayari lamang sa mga sperm samples na ilalagay sa storage.

Sa pangkalahatan, ang mga kalalakihan ay hindi dapat masyadong mabahala tungkol sa temperaturang nakaaapekto sa kanilang sperm motility. Ito ay dahil ang katawan ay tunay na gumagawa ng paraan upang panatilihing ang sperm ay nasa temperaturang nakabubuhay.

Ano Ang Sperm Motility? Paano Ito Pataasin?

Ang pagtaas ng sperm motility, at maging ng kalidad ng sperm, ay nakadepende sa maraming mga salik. Kung ang sperm ng isang lalaki ay naapektuhan ng isang sakit o kondisyon, ang paggamot sa sakit o pagkontrol sa kondisyon ay dapat ang unang gawin.

Dagdag pa, narito ang ilang mga paraan kung paano mapabubuti ang kalidad at motility ng sperm:

Pag-Iwas Sa Mga Tiyak Na Pagkain

Ang mga tiyak na uri ng pagkain ay natuklasan na nakapagpapababa ng kalidad ng sperm ng mga kalalakihan. Kabilang dito ang processed meats, mga pagkaing may trans fats, pagkain ng masyadong maraming soy products, at mataas na fat dairy.

Mainam na kainin lamang ang mga pagkaing ito nang paminsan-minsan at nang katamtaman. Gayunpaman, ang sobrang pagkain ng mga ito ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng kalidad ng sperm. Ang mga pagkaing ito ay maaari ding maging sanhi ng pagtaas ng timbang at maaaring maging lubhang hindi malusog.

[embed-health-tool-bmi]

Masustansyang Diet

Ang mga pagkaing mayayaman sa antioxidants tulad ng isda, prutas at gulay, at walnuts ay natuklasang nakapagpapabuti ng kalidad ng sperm. Ang mga pagkaing ito ay bahagi din ng isang malusog na diet. Makatutulong ding mapabuti ng mga ito ang iyong kabuoang kalusugan.

Ehersisyo

At huli, napakahalagang mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw. Nakatutulong itong mapanatiling malakas at malusog ang katawan, na maaari ding makapagpabuti sa motility at kalidad ng sperm.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa tips na ito, masisiguro ng mga kalalakihan na ang kalidad ng kanilang sperm ay mananatiling mabuti o magiging mas mabuti pa.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Sperm Motility, http://www.vivo.colostate.edu/hbooks/pathphys/reprod/semeneval/motility.html, Accessed December 9, 2021

2 Healthy sperm: Improving your fertility – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/in-depth/fertility/art-20047584, Accessed December 9, 2021

3 The Semen pH Affects Sperm Motility and Capacitation, https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0132974, Accessed December 9, 2021

4 The effect of temperature on sperm motility and viability – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22463/, Accessed December 9, 2021

5 Diet and male fertility: Foods that affect sperm count – UChicago Medicine, https://www.uchicagomedicine.org/forefront/health-and-wellness-articles/dont-make-the-mistake-of-letting-a-diet-kill-sperm, Accessed December 9, 2021

Kasalukuyang Version

12/27/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Missionary Position Para Mabuntis: Epektibo ba Ito?

Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal, Ano Ang Dahilan?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement