Masama ba ang maanghang sa buntis? Paano kung ito ang iyong pinaglilihian? Hanggang sa 90% ng mga kababaihan ay nakakaranas ng cravings sa panahon ng pagbubuntis. Hindi malinaw ang eksaktong dahilan ng cravings sa pagbubuntis, ngunit malamang na nauugnay ito sa mga pagbabago sa hormones na nangyayari sa buong pagbubuntis. Karaniwang nakakaranas ng mga pagbabago sa panlasa sa panahon at pagkatapos ng pagbubuntis. Ang maanghang na pagkain ay maaaring isa sa mga gusto mong kainin habang buntis ka, subalit dapat ka bang mabahala sa pagkain ng maanghang?
Maraming mga paniniwala online tungkol sa cravings sa maanghang na pagkain ng mga buntis. Ang ilan ay naniniwala na ang spice craving ay nagpapahiwatig na ikaw ay magkaka-anak ng isang lalaki. Habang ang iba ay nag-iisip na ang cravings ay isang tanda ng nutritional deficiencies. Ang isa pang karaniwang pag-iisip ay ang pagkain ng mga maanghang na pagkain ay nakakatulong sa natural na panganganak.
Bagama’t walang siyentipikong katibayan upang suportahan ito, maraming kababaihan ang nagsasabing totoo ito para sa kanila. Ang isang survey noong 2011 ay nag-ulat na 20% ng mga kababaihan ang nagsabing maaaring makapag-induce ng labor ang mga maanghang na pagkain. Gayunpaman, wala sa mga ideyang ito ang sinusuportahan ng siyentipikong pananaliksik.
Bakit may mga pagkaing hindi pwede sa buntis?
Bukod sa tanong na masama ba ang maanghang sa buntis, mayroon ding iba pang pagkain na pinag-iisipan ng iba na masama kapag ikaw ay nagdadalang tao. Ano ang dahilan nito?
May mga pagbabago sa immune system ng mga buntis. Kadalasan ito ay nagtataas ng panganib ng foodborne illnesses sa mga buntis, sanggol sa sinapupunan at mga bagong silang. Ang mga sakit na ito ay maaaring lumala sa panahon ng pagbubuntis at maaaring humantong sa pagkalaglag o maagang panganganak. May ilang mga foodborne illnesses, tulad ng Listeria at Toxoplasma gondii na maaaring makahawa sa fetus kahit na ang ina ay hindi nakakaramdam ng sakit. Ito ang dahilan kung bakit binibigyan ng mga doktor ang mga buntis na kababaihan ng mga tiyak na alituntunin tungkol sa mga pagkain na dapat at hindi nila dapat kainin.
Masama ba ang maanghang sa buntis? Mga posibleng epekto nito:
Ang pagkain ng mga maanghang habang ikaw ay buntis ay karaniwang ligtas para sa iyo at sa iyong sanggol. Gayunpaman,, ang mga maanghang na pagkain ay maaaring magdulot ng ilang hindi komportableng epekto para sayo. Kabilang ang heartburn at hindi pagtunaw ng pagkain. Ang parehong mga isyu ay karaniwan sa mga buntis anuman ang kanilang kinakain. Ngunit ang mga maanghang na pagkain ay maaaring magpalala ng mga isyung ito.
Ang mga epekto ng maanghang na pagkain sa iyong katawan ay maaaring mag-iba ayon sa trimester. Sa unang trimester, ang mga maanghang na pagkain ay maaaring magpalala ng morning sickness. Sa paglaon ng pagbubuntis sa ikalawa at ikatlong trimester, ang maanghang na pagkain ay mas malamang na magdulot ng hindi kasiya-siyang epekto lalo na sa pagduduwal. Ito ay pinaka-karaniwan sa unang bahagi ng pagbubuntis, at madalas na tinatawag na morning sickness. Subalit maaari itong tumagal sa buong araw. Ang ilang mga kababaihan ay nakakaranas din ng pagsusuka sabay sa pagduduwal. Ang mga maanghang na pagkain ay maaaring magpatindi ang pagduduwal at pagsusuka.
Masama ba ang maanghang sa buntis na may heartburn?
Ang heartburn ay karaniwan sa ikalawa at ikatlong trimester. Nakakarelaks ng kalamnan ang mga hormonal na pagbabago sa iyong katawan. Pumipigil ito sa paglabas ng acid sa tiyan sa esophagus kung kaya mas malamang na makaranas ka ng acid reflux. Habang lumalaki ang iyong sanggol, ang iyong mga organs ay nagkakaroon ng maliit na espasyo at nagiging magkadikit. Ang mga maanghang na pagkain, acidic na pagkain, at mataas na taba na pagkain ay maaaring magpalala ng heartburn sa buong pagbubuntis.
Ayon sa isang pag-aaral, hanggang 45% ng buntis ang nakakaranas ng heartburn. At kung nagkaroon ka ng heartburn bago ang pagbubuntis, mas malamang na magkaroon ka nito kapag ikaw ay nagbubuntis. Maaaring umatake ang heartburn sa anumang punto ng pagbubuntis, ngunit ito ay pinakakaraniwan sa ikalawa at ikatlong trimester. Ang mga eksperto ay hindi eksaktong sigurado. Karamihan sa mga maanghang, mamantika, mataba na pagkain na kilala sa sanhi ng heartburn ay malamang na magdulot din ng mga problema para sa mga buntis.
Para sa mas personalized na kaalaman sa diyeta at nutrisyon habang ikaw ay nagdadalang-tao, makabubuting sumangguni sa iyong doktor.
[embed-health-tool-due-date]