Paglaki ng sanggol sa ika-21 linggo ng pagbubuntis
Ang pagbubuntis ay kahanga-hanga. Ngunit ito ay delikado at mahirap, lalo na habang ang mga babae ay sumasailalim sa napakalaking pagbabago sa kanilang katawan habang lumalaki ang kanilang mga hindi pa isinilang na mga sanggol. Mayroon ding patuloy na pag-aalala sa paggawa ng mali na posibleng masaktan ang sanggol. Gayunpaman, maraming kababaihan ang nakikita ang pagiging nanay bilang isang trabaho, hindi alintana kung gaano man kahirap ang pagbubuntis.
Ang katawan at ang paglaki ng sanggol ay patuloy na nagaganap linggo-linggo. Narito ang lahat ng bagay na kailangang malaman ng mga soon-to-be-moms sa ika-21 linggo ng pagbubuntis:
Sa ika-21 linggo ng pagbubuntis, ang mga babae ay nasa kanilang pangalawang trimester na ng pagbubuntis. Sa susunod pang 19 na linggo o higit pa, masisilayan na nila ang kanilang munting anghel.
Ngunit sa ngayon, ang sanggol ay maliit pa rin kasinlaki ng saging o isang karot. Ang mga fetus sa yugtong ito ay mayroon lamang sukat na 27 sentimetro (10.5 inches) ang haba at may bigat na nasa 0.31 hanggang 0.35 kilo (11 hanggang 12.5 ounces).
Sa nakalipas na linggo, ang karaniwang silat ng sanggol ay mula sa ulo hanggang puwitan, ngunit ngayon ay mula ulo hanggang paa na. Pinahihiwatig lamang nito ang bilis ng kanilang paglaki.
Sa ika-21 linggo ng pagbubuntis, ang kanilang mga braso at hita ay proporsyon na, at ang kanilang mga kilos ay nakikipag-ugnayan na kaysa noong nakaraan. Malaki pa ang kanilang espasyo sa loob ng sinapupunan – sa ngayon. Ngunit habang may espasyo pa madali sila makagagalaw, na labis na mararamdaman ng kanilang mga nanay.
Ang mga neurons ay konektado na ngayon mula sa utak hanggang sa mga kalamnan, na nagbibigay sa kanila ng higit na kontrol sa kanilang mga paggalaw.
Ang kanilang mga organ, lalo na ang liver at spleen, ay doble sa oras na nagtatrabaho upang makaprodyus ng higit pang mga blood cells. Dahil ang kanilang mga espasyo sa bone marrow ay mature na sa oras na ito, nakatutulong din ito sa paggawa ng mahahalagang cells upang tulungan silang lumago at maging malakas.
Mayroon na rin silang mga fingerprints sa oras na ito, ginagawa nila itong mas kakaiba.
Ang tibok ng puso ng isang sanggol ay mas malakas na sa puntong ito, mas madaling maririnig ang mga ito sa pamamagitan ng isang simpleng stethoscope. Gayunpaman, maaaring maging mahirap na matukoy ang iyong tibok ng puso mula sa kanila, ngunit hindi imposible.
Direktang pakinggan ang mas mabilis na tibok, dahil ang mga puso ng sanggol ay tumitibok nang mas mabilis, sa paligid ng 120 hanggang 160 beats kada minuto.
Ang pagpapakain ng sanggol sa loob ng sinapupunan
Habang ang sanggol ay nasa loob ng sinapupunan, kumukuha sila ng sustansya mula sa inunan o placenta, na kumukuha naman ng sustansya mula sa kung ano ang kinakain o iniinom ng nanay. Ngunit, sa mga oras na ito, ang sanggol ay dapat na umiinom na ng kaunting amniotic fluid.
Kaya, kahit anong kainin mo, ay tiyak na matitikman ito ng iyong sanggol. Hindi lamang dahil sinimulan nila ang pag-inom ng amniotic fluid, ngunit dahil nadebelop na rin nila ang kanilang taste buds.
Pagbabago sa Katawan at Buhay
Habang lumalaki ang fetus, ang katawan ng isang babae ay nagbabago rin, at ang mga ito ay mas malinaw na kaysa noong nakaraan.
Una, ang iyong sinapupunan ay mas malaki, at magsisimula ka ng magmukhang buntis. Mas magiging mabigat dahil ikaw at ang iyong sanggol ay lumalaki.
Ang kagutuman ay kapareho lang din sa ikalawang trimester dahil sinusubukan mong mapangalagaan ang iyong sarili at ang sanggol na lumalaki sa loob. Ngunit hindi ito nangangahulugan na kakainin mo na ang anumang pagkain at lahat ng nakikita mo. Mag-ingat at pumili ng isang mahusay na balanseng pagkain.
Tiyaking maiiwasan mo rin ang anumang bagay na hindi pinapayagan.
Bukod dito, maraming mga buntis na sa kanilang ikalawang trimester ay makararanas na ng pagtulo ng gatas mula sa kanilang mga suso. Huwag mag-alala dahil normal ito
Ang mga Stretch Mark at Veins
Ang isa pang madalas na pagbabago sa katawan na naranasan ng karamihan sa kababaihan ay ang mas matingkad na stretch mark. Magiging kitang-kita ito sa iyong mga suso, hips, tiyan, puwit, at hita ay karaniwang walang kulay. Hindi lahat ay nagkakaroon ng mga ito, ngunit kung magkaroon nito, sila ay magiging mas halata sa pagitan ng ika- 22 hanggang 24.
Ang biglaang pagbigat ay maaaring maiugnay sa stretch mark, kaya pinakamainam na pabagalin ang bigat ng timbang.
Tulad ng balat na nababanat, maaaring maging makati ito. Kung nais mong mapawi, gamitin ang anomang mga organic at mild na mga produkto tulad ng moisturizer na may cocoa butter.
Sa kasamaang palad, mukhang walang paraan upang maiwasan ang mga stretch mark. Ngunit pagkatapos manganak, maraming tritment ang isinasagawa upang makatulong na mabawasan ang pagiging visible nito.
Ang mga buntis ay mas madaling kapitan ng varicose veins dahil sa pagtaas ng pressure sa veins sa iyong mga binti habang nadedebelop ang iyong pagbubuntis. Ang mas mataas na antas ng progesterone ay maaaring makapagpalala sa pagbabara ng mga ugat.
Maliban sa varicose veins, ang mga buntis sa limang buwan ay may spider veins o mga maliit, spindly vessel sa ilalim ng balat.
Pagbisita sa Doktor
Sa buong kurso ng iyong pagbubuntis, Nais mong pumunta sa iyong ob-gynecologist upang matiyak na ikaw at ang iyong sanggol ay malusog at ligtas. Pinakamainam na magkaroon ng kanilang kontak sa speed dial upang maaari mong tawagan ang mga ito tuwing makakaramdam ka ng mga bagay na mali sa iyo.
Kung may matinding sakit sa tiyan, ito ay hindi magandang palatandaan, lalo na kung may dugo. Tawagan ang iyong doktor para sa payo o magmadaling pumunta sa ospital.
Dapat mo ring alamin sa iyong doktor, ang rekomendasyon sa posibleng diet na maaari mong subukan, pati na rin ang mga gamot na maaari mong inumin kung nakararanas ka ng sakit sa ulo o pulikat. Kung hindi ka sigurado, tawagan at hilingin sila ng payo.
Panghuli, sundin ang iyong iskedyul ng checkup. Ang iyong doktor ay malamang na magbibigay sa iyo ng isa mainam na pagsubaybay sa iyong kalusugan at paglaki ng iyong sanggol.
Kalusugan at Kaligtasan
Ang mga pisikal na pagbabago ay ang tanging bagay na maaaring mangyari sa iyo bilang pag-unlad sa ika-21 linggo ng pagbubuntis. Ang iba’t ibang mga sintomas ay mararanasan rin at mawawala.
Narito ang pinaka karaniwang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-21 linggo ng pagbubuntis
- Banayad na sakit ng ulo dahil sa pag-aalis ng tubig o hormonal na pagbabago
- Aches at sakit sa mas mababang likod
- Pulikat ng binti (karaniwang nangyayari sa gabi)
- Namamaga ng mga paa at kamay
- Heartburn na sanhi ng pagtulak ng tiyan o preganancy hormone
- Mainit na pakiramdam (hot flashes)
Paano Mababawasan ang mga karaniwang sintomas
Marahil ang pinaka-karaniwang sintomas ng lahat ay sakit sa likod.
Sa ika-21 linggo ng pagbubuntis, ang iyong tiyan ay lumalaki nang mas malaki at mas mabigat, na ginagawang mas mahirap ang iyong pagkilos. Ito ay magiging sanhi din ng sakit sa likod at ilang mga sakit. Ito ang dahilan kung bakit mainam na magkaroon ng magandang back saver.
Pagdaragdag ng isang unan sa iyong mas mababang likod kapag umuupo ay maaaring mapawi ang presyon sa iyong likod at suportahan ang bigat ng iyong tiyan. Maaari ring itaas ang iyong mga paa nang bahagya upang maibsan ito.
Para sa mainit na pakiramdam, laging magsuot ng malamig (cool) na damit at manatiling hydrated. Ang pag-inom ng maraming tubig ay maaari ring mapawi ang mga sakit sa ulo habang buntis.
Ang paliligo ng maligamgam na tubig bago matulog ay makakatulong upang maibsan ang sakit sa likod at ang tensyon sa iyong katawan. Maaari kang magrelaks, upang makatulog ng mainam. Ito rin ay makakaiwas sa iyong pamumulikat sa paa.
Bawat buntis ay iba-iba ang karanasan sa kanilang pagbubuntis, kung gayon iba-iba rin ang mga sintomas ng bawat isa at ang mga pagbabago. Ang pinakamahalaga ay panatilihin na ligtas ang iyong sanggol at palagiang sumunod sa payo ng mga eksperto.
[embed-health-tool-due-date]