Ang pagbubuntis ay hindi madali at marami itong kaakibat na pagdurusa. Maaaring hindi ka makakain ng mabuti dahil sa pagduduwal o yung tinatawag na morning sickness. Hindi ka rin makapagtrabaho ng maayos dahil sa pagkahilo. Ngunit may isa pang pagdurusa na kailangang harapin; ito ay kapag sinisikmura ka. Ano nga ba ang gamot sa sinisikmura na buntis? Alamin dito.
Gamot sa sinisikmura na buntis
May gamot nga ba sa buntis na sinisikmura? Mayroon naman subalit dapat mo munang malaman kung ano ang dahilan ng kondisyon mo. Maraming maaaring maging dahilan kung bakit ka sinisikmura gaya ng hindi pagkatunaw ng pagkain o indigestion. Tinatawag din itong heartburn o kaya ay acid reflux.
Sanhi ng heartburn o acid reflux
Ang hindi pagkatunaw ng pagkain ay karaniwan sa pagbubuntis. Ito ay maaaring sanhi ng mga pagbabago sa hormones at pagdiin ng lumalaking sanggol sa iyong tiyan. Maaaring mapawi ang kondisyong ito sa pamamagitan ng mga pagbabago sa iyong diyeta at pamumuhay.
Gaano kakaraniwan ang heartburn sa panahon ng pagbubuntis?
Mahigit sa kalahati ng lahat ng mga buntis ang nakakaranas ng matinding heartburn, lalo na sa ikatlong trimester. Hindi naman lahat sa kanila ay umiinom ng gamot sa sinisikmura na buntis dahil na rin sa takot na maapektuhan ang sanggol.
Ang acid reflux ay nangyayari kapag ang acid sa tiyan ay tumagas mula sa tiyan pataas sa esophagus. Hindi komportable ang pangunahing sintomas ng heartburn gaya ng mainit na pakiramdam sa gitnang bahagi ng dibdib. Ang Gastroesophageal reflux disease o GERD, ay isang malubhang anyo ng acid reflux.
Mga sintomas ng hindi pagkatunaw ng pagkain at heartburn
Bago ka uminom ng gamot sa sinisikmura na buntis, alamin mo muna ang mga sintomas ng hindi pagkatunaw ng pagkain o heartburn. Ang sumusunod ay mga sintomas na dapat mong kilalanin:
- Isang mainit na pandamdam o sakit sa dibdib
- Pakiramdam na puno, mabigat o namamaga
- Burping o madalas na pagdighay
- Sakit na nararamdaman
Ang mga sintomas ay kadalasang nararanasan pagkatapos kumain o uminom, ngunit minsan ay maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pagitan ng pagkain at hindi pagkatunaw ng pagkain. Maaari kang makakuha ng mga sintomas sa anumang punto sa panahon ng iyong pagbubuntis, ngunit mas karaniwan ang mga ito mula 27 linggo pataas.
Gamot sa sinisikmura na buntis
Medisina
Importanteng kumunsulta ka sa iyong doktor bago uminom ng partikular na gamot sa heartburn sa panahon ng pagbubuntis. Ang isang doktor ay maaaring mag-alok ng payo kung aling mga gamot ang ligtas para sa babae at sa pagbuo ng fetus.
Ayon sa UT Southwestern Medical Center, mayroong tatlong pangunahing uri ng gamot sa heartburn na ligtas na inumin ng isang babae sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga gamot na ito ay ang oral antacid (OA) na nagne-neutralize ng acid sa tiyan gaya ng aluminum at magnesium hydroxide at calcium carbonate.
Home Remedies
Ang isa sa pangkaraniwang gamot sa sinisikmura ay mga home remedies gaya ng:
- Pagtataas ng ulo sa kama mula sa sahig
- Pag upo sa isang tuwid na posisyon sa loob ng 3 oras pagkatapos kumain
- Pagsusuot ng maluwag na damit sa paligid ng tiyan
- Pag-iwas sa pagkain sa loob ng 2-3 oras pagkatapos matulog
- Kumain ng mas maliliit na bahagi ng pagkain
Dapat ka rin umiwas sa mga maanghang o mamantika na pagkain na maaaring mag-trigger ng heartburn.
Diet changes
Ang pagbabago sa iyong mga kinakain ay maaaring maging natural na gamot sa sinisikmura na buntis. Magpapabusog sa iyo ang mga fibrous na pagkain kaya mas malamang na hindi ka kumain nang labis, na maaaring mag-ambag sa heartburn. Ang mga pagkaing maraming taglay na fiber ay:
- Buong butil tulad ng oatmeal, couscous at brown rice.
- Gulay na ugat tulad ng kamote, karot at beets.
- Mga berdeng gulay tulad ng asparagus, broccoli at green beans.
- Pagkaing alkaline gaya ng saging, melon, mani, at luya
Nakakaranas ka ba ng heartburn sa panahon ng pagbubuntis? Makipag-ugnayan na sa iyong doktor upang malaman mo ang sanhi at gamot ng sinisikmura sa buntis.
[embed-health-tool-due-date]