backup og meta

Bawal Ba Sa Buntis Ang Yakult At Fermented Foods? Alamin Dito!

Bawal Ba Sa Buntis Ang Yakult At Fermented Foods? Alamin Dito!

Bawal ba sa buntis ang yakult? Gaano ba kahalaga ang yakult at laging nagkakaubusan nito sa ibang bahagi ng Pilipinas lalo na sa mga probinsya?  Ito ay naging tanyag na pang araw-araw na inumin simula ng dalhin ito sa Pilipinas noong 1978.  Ang planta nito sa Barrio Makiling, Calamba Laguna ay isa sa pinakamahusay na facility sa Asya. 

Ngunit maliban sa isyu ng supply ng inuming ito, importante ding malaman kung ano ang silbi nito sa katawan. At dahil halos lahat umiinom nito, importanteng malaman kung maaari kang uminom nito kahit ikaw ay buntis.

Ano ang yakult?

Ang yakult ay isang fermented milk drink na naglalaman ng Lacticaseibacillus paracasei Shirota. Ang bacteria strain na ito ay natatangi sa Yakult at napatunayang may benepisyo sa gastrointestinal tract. Ito ay isang probiotics na may bilyon-bilyong buhay at aktibong “good bacteria.”

Kaya kung alanganin ka at nagtatanong kung bawal ba sa buntis ang yakult, narito ang sagot. Bihira ang hindi magandang epekto sa katawan kapag uminom ng probiotics ang kahit sinong malusog na tao. Walang anumang dapat ipag-alala sa iyong kaligtasan kung ikaw ay buntis at kung nagpapasuso man. Base sa mga pag-aaral, walang hindi magandang resulta kapag uminom ng yakult ang buntis.

Kailangan ba ng katawan ang probiotics?

Ang iyong katawan ay hindi nangangailangan ng probiotics. Ang mga buhay na microorganisms or bacteria na ito ay katulad ng malusog na bacteria sa iyong bituka. Ngunit kadalasan ay hindi masama kung kakain o iinom ka nito. May benepisyo sa iyong kalusugan ang probiotics. 

Bacterial Vaginosis

Ang iyong vagina ay may natural na bacteria. Subalit kung ito ay sumobra, mawawala ang balanse at mamamaga ang iyong ari. Maaari din maapektuhan nito ang mga buntis. Ang mga pagkaing probiotics gaya ng yakult ay tumutulong sa pag-balanse ng microbiota community sa iyong bituka.

Hindi lubos na nauunawaan kung bakit nagkakaroon nito ang isang babae. May mga partikular na aktibidad na pwedeng magpataas ng panganib na makaranas ng kondisyong ito gaya ng sumusunod:

  • Pakikipagtalik na walang proteksyon 
  • Madalas na pag-douching
  • Pakikipagtalik sa iba’t-ibang tao
  • Exposure sa semen
  • Paggamit ng intrauterine device 
  • Paninigarilyo
  • Palagiang paggamit ng mabangong sabon

Dapat iwasan ng buntis ang pagkakaroon ng bacterial vaginosis. Ito ay maaaring humantong sa maagang panganganak ng wala sa tamang panahon. Nauugnay din ito sa mga sanggol na mababa ang timbang.

Bawal ba sa buntis ang yakult? Gaano kadalas pwede uminom nito?

Iminumungkahi ang pag-inom ng isang bote ng yakult sa isang araw. Gayunpaman, pwede kang uminom ng higit sa isa araw-araw bilang bahagi ng balanseng diet. Tandaan lamang na ang yakult ay pagkain at hindi ito gamot.

Mayroon din namang ibang pagkain na mayaman sa probiotics, at karamihan nito ay mga fermented foods. Ang mga sumusunod ay mayaman din sa probiotics:

  • Yogurt
  • Cottage cheese
  • Sourdough bread
  • Kombucha
  • Tempeh
  • Kimchi
  • Sabaw sa miso

Benepisyong dulot ng yakult 

Masasagot ang tanong mo kung bawal ba sa buntis ang yakult pag nalaman mo ang mga benepisyo ng yakult.

Pagbabawas ng panganib ng mataas na presyon ng dugo

Ayon sa mga pag-aaral, ang problema sa bituka ay maaaring may kaugnayan sa pagtaas ng blood pressure at sa depresyon. Ang probiotics ay maaaring magpababa ng blood pressure kung kaya malaki ang benepisyo nito sa mga buntis.

Makakabuti sa metabolic rate ng buntis na sobra sa timbang

Ang pagkaing may probiotics ay nakakatulong magpabilis ng metabolic rate. Ang buntis na may problema sa timbang ay maaaring matulungan ng probiotics.

Nakakatulong sa pagsusuka at pagkahilo

Higit kumulang 85 porsyento ng mga buntis ay apektado ng pagkahilo at pagsusuka. Hindi alam ang dahilan ng pagsusuka at pagkahilo ng buntis subalit makakatulong ang probiotics upang mabawasan ito.

Di ka dapat mag-alala kung bawal ba sa buntis ang yakult dahil meron kang lactose intolerance. Ang yakult ay may napakaliit na lactose na humigit-kumulang isang gramo lamang sa isang bote.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3056676/, Accessed July 18, 2022

https://www.webmd.com/digestive-disorders/probiotics-risks-benefits, Accessed July 18, 2022

https://health.ucdavis.edu/news/headlines/probiotics-improve-nausea-and-vomiting-in-pregnancy-according-to-new-study/2021/12, Accessed July 18, 2022

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/14598-probiotics, Accessed July 18, 2022

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/34371892/, Accessed July 18, 2022

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bacterial-vaginosis/symptoms-causes/syc-20352279#:~:text=Bacterial%20vaginosis%20is%20a%20type,affect%20women%20of%20any%20age., Accessed July 18, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement