Kumpirmadong may batang maagang nabuntis sa edad na 4 na taon at ito ang dahilan para makilala siya bilang “youngest mother in the world”. Ang batang ina ay nagngangalang Lina Marcela Medina ng bansang Peru.
Noong 1939 nagsilang si Lina ng isang sanggol na may timbang na 5-pound, 8-ounce kung saan itinuring na“medical miracle” ang pangyayaring ito dahil kapwa nabuhay ang ina at ang baby.
Malaki kasi ang inaasahang tsansa ng mga doktor na magkaroon ng major difficulties ang baby dahil wala pa sa hustong gulang si Lina noong nagbuntis siya sa kanyang panganay na anak. Ang pagiging masyadong bata rin ni Lina ang sanhi kung bakit maaaring hindi siya makapagbigay ng angkop na nutrisyon sa bata, lalo sa ika-9 niyang buwan na pagbubuntis.
Isa pa sa naging conflict sa pagbubuntis ni Lina ay ang pagkakaroon niya ng undeveloped body sa pagbubuntis, kaya ang tanging nakikitang paraan lamang para makapanganak si Lina ay sa pamamagitan ng cesarean section, at sa tulong mga doktor nakaligtas ang mag-ina sa operasyon.
Tinawag na Gerardo Medina ang baby kung saan isinunod ito ni Lina sa pangalan ng kanyang naging attending doctor, at nasa edad na sampu (10) na si Gerardo noong ibinahagi ang identity ng kanyang tunay na ina. Bagama’t kakaiba ang naging kaso nilang mag-ina naging normal pa rin ang buhay ng bata, ngunit namatay si Gerardo dahil sa bone-marrow disease sa edad na 40.
Batang maagang nabuntis: Paano ito nakumpirma?
Si Lina Marcela Medina ay isinilang sa Ticrapo District, Peru noong ika-17 ng Setyembre 1933, at nang siya’y nasa 5 taong gulang na napansin ng kanyang magulang na sina Tiburelo Medina at Victoria Losea, ang abnormal na paglaki ng tiyan ni Lina. Dahil dito natakot ang kanyang magulang na tumor ang sanhi ng abnormalidad ng paglaki ng kanyang tiyan kaya naman dinala si Lina sa ospital sa Pisco para matingnan ng mga doktor.
Noong una, inakala rin ng doktor na tumor ang sanhi ng paglaki ng tiyan ni Lina. Subalit ayon sa mga resulta — nagdadalang-tao si Lina at lumalabas na 7 buwan ng buntis ang bata.
Ang attending doctor ni Lina Medina na si Dr. Geraldo Lozado ang nag-take over ng case, kung saan dinala ang bata sa mas advanced na hospital para makumpirma ang diagnosis, at batay sa mga isinagawang test — kumpirmadong buntis si Lina.
Naging pinakabatang ina sa buong mundo si Lina, sa edad na 5 taon, 7 buwan at 21 araw, nang ipinanganak niya ang kanyang anak, noong ika-14 ng Mayo 1939.
Batang maagang nabuntis: Paano ito naging posible?
Hindi kapani-paniwalang nabuntis si Lina sa murang edad at matatawag na hindi pangkaraniwang pangyayari ito. Ngunit para sa mga pediatric endocrinologists — ang ideya ng maagang pagbubuntis sa edad na 4 na taon ay posible.
Pinaniniwalaan na may rare condition si Lina na tinatawag na “precocious puberty“. Ito ang dahilan kung bakit ang sexual organs ni Lina ay nadebelop sa murang edad.
Batay sa iba’t ibang publikasyon at sa pag-amin ng ina ni Lina, sa edad na 3 taon nagsimula ang pagkakaroon ng regla ng bata. Pero ayon naman sa detalyadong report ni Dr. Edmundo Escomel at sa analysis, naranasan ni Lina ang kanyang first menstrual cycle sa edad na 8 buwan at lumalabas na halos debelop na ang suso ni Lina sa edad 4 na taong gulang.
Ano ang precocious puberty?
Ipinapakita sa mga naging examination ng 5 taong gulang na si Lina na debelop na ang suso nito — at mayroon na itong malaking balakang na hindi normal para sa kanyang edad.
Ang precocious puberty ay terminong ginagamit para sa mas maagang pagsisimula ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Dahil kapag nagsimula ang puberty bago ang edad na 8 sa mga babae — at bago ang edad na 9 sa mga lalaki, ito’y kinokonsidera bilang precocious puberty.
Kasama sa puberty ang paglaki ng mga buto at muscle, at pag-unlad ng katawan sa pagkakaroon ng sexual physical features ng isang adult.
Sintomas ng precocious puberty
Madalas hindi makita ang dahilan ng precocious puberty pero mayroong mga sintomas ito na pwedeng ipakita bago mag-8 taon ang babae, at bago mag-9 na taon ang lalaki.
Narito ang mga sumusunod na sintomas:
- Paglaki ng suso
- First monthly period o regla
- Pagkakaroon ng pubic at underarm hair
- Mabilis na pagdebelop ng katawan
- Tigyawat
- Adult body odor o pagkakaroon ng amoy ng isang matanda
- Paglalim ng boses ng lalaki
Dahilan ng precocious puberty
Gayunpaman, sinasabi na pwedeng maging sanhi ng precocious puberty ang mga partikular na kondisyon tulad ng hormone disorders, tumors, injuries at brain abnormalities. Pwede ring maging sanhi ang central nervous system problems at pagkakaroon ng family history sa rare genetic syndromes.
Narito pa ang mga sumusunod na dahilan ng rare condition na ito:
- Gonadotropin-dependent. Kilala rin ito sa tawag na “central precocious puberty”, kung saan ang puberty ay nagsisimula sa pamamagitan ng early secretion ng hormones na tinatawag na “gonadotropins”. Kasama dito ang luteinizing hormone (LH) at follicle stimulating hormone (FSH), at sa mga babae pwede ito maging dahilan ng kanilang early maturity ng hypothalamus, pituitary glands at ovaries.
- Gonadotropin-independent. Ito naman ang uri ng precocious puberty na hindi nagsisimula sa pag-release ng gonadotropins. Bagkus, ito ang nagiging dahilan ng early secretion ng mataas na lebel ng sex hormones kung saan kasama ang male androgens at female estrogens.
Paano nada-diagnose ang precocious puberty?
Asahan mong tatanungin ng healthcare provider ang sintomas na taglay ng anak at health history nito. Ang mga doktor din ay magsasagawa rin ng mga physical exam at blood tests para masukat ang antas ng hormones.
Narito ang mga sumusunod:
- Luteinizing hormone (LH)
- Thyroid hormones
- Testosterone
- Follicle stimulating hormone (FSH)
- Estradiol (form ng estrogen)
Maaari ring isagawa sa anak mo ang mga sumusunod na test:
- Xray
- MRI
- Ultrasound (sonography)
Ang gonadotropin-stimulating hormone (GnRH) ay binubuo ng hypothalamus sa utak at ito ang sanhi para mag-release ang pituitary gland ng gonadotropins. Kung saan ito ang dahilan para ang sex hormones ay magawa ng ovaries sa mga babae — at sa lalaki, testes. Makikita sa GnRH blood test ang uri ng precocious puberty na taglay.
Batang maagang nabuntis: Sino ang nakabuntis sa batang may precocious puberty?
Walang anumang ibinahagi si Lina tungkol sa posibleng ama ng kanyang anak. Gayunpaman pinaniniwalaan din na posibleng hindi niya alam kung paano siya nabuntis dahil sa batang edad at murang pag-iisip.
Agad na inaresto ang ama ni Lina, sapagkat siya ang naging unang suspect ng kaso. Subalit pagkatapos ng 1 week interrogation — pinalaya nila ang ama ni Lina dahil walang sapat na ebidensya.
Ang naging pangalawang suspek naman sa kaso ni Lina ay ang kanyang pinsan na may mental difficulties. Ngunit dahil wala muling sapat na ebidensya hindi ito naikulong.
Ayon sa artikulo mula sa kaso ng 1955 na isinulat ni Luis Leon, marami sa remote village sa Peru ang nagsasagawa ng “religious festivals”. Kung saan, dito nagaganap ang group sex or panggagahasa sa mga bata at sinasabi na pwedeng naging biktima si Lina ng kakaibang festival na ito.
Dagdag pa rito, batay sa pag-aaral na pinamagatang “Childhood Sexual Abuse and Early Timing of Puberty” na nailathala sa Journal of Adolescent Health, ang batang nakaranas ng sexual abuse ay pwedeng magkaroon ng mas maagang depelopment sa suso at pagkakaroon ng pubic hair. Lumabas sa kanilang pag-aaral na 8 buwan na mas maaga ang development ng suso — at pubic hair growth ng mga batang babae sexually abuse. Kaugnay nito, nagkaroon ng suspisyon na pwedeng maging accelerated ang precocious puberty sa pamamagitan ng sexual contact sa murang edad.
“Our findings point to the possibility that there is something unique about the experience of sexual abuse that influences pubertal maturation,” ayon sa pag-aaral.
3 Uri ng Precocious Puberty
Central Precocious Puberty
Nagaganap ito kapag ang sex hormones ay na-release ng masyadong maaga at pwedeng maging sanhi ng type na ito ang brain trauma, tumors ng hypothalamus at ilang partikular na impeksyon sa utak.
Peripheral Precocious Puberty
Nangyayari ang central precocious puberty bilang resulta ng problema sa reproductive organs o sa adrenal glands o maaaring dahil din sa hormone exposure mula sa kapaligiran.
Incomplete puberty
Kondisyong ito na nagpapakita ng few signs ng early puberty tulad ng breast development, at pagkakaroon ng pubic hairs. Ang maagang body hair ay pwedeng lumabas kapag ang adrenal glands ay nag-produce ng extra androgens.
Sino ang madalas ng kondisyong ito?
Ang mga babae ang madalas na magkaroon nito at isa sa bawat 5,000-10,000 babae ang pwedeng magkaroon nito. Habang sa mga lalaki ay nanatili pa ring unknown o hindi tukoy at lumabas din sa artikulo na mula sa Mayo Clinic na madalas sa babae ang pagkakaroon ng rare condition na ito.
Nasa risk din na magkaroon ang mga sumusunod:
- Indibidwal na may tumors sa ovaries, testes, adrenal glands, pituitary glands o utak.
- Mga taong may central nervous system problems
- May family history ng disease o sakit
- Pagkakaroon ng rare genetic syndromes
Batang maagang nabuntis: Ano ang nangyari sa batang maagang nabuntis?
Sinikap ng pamilya ni Lina na bigyan sila ng kanyang anak ng normal na childhood life. Habang lumalaki sila, unti-unti ring ipinaliwanag sa kanila ang relasyon sa isa’t isa at maraming doktor at researchers ang nagkainteres sa kaso ni Lina. Dahilan para makatanggap ng maraming offer ang pamilya ni Lina upang mapag-aralan at interbyu ang kanilang anak. Subalit hindi pumayag ang pamilya ni Lina dahil nais nila itong bigyan ng normal at pribadong buhay at ayaw nilang gamitin ang kondisyon ni Lina para sa financial gain at popularidad.
Ayon kay Jose Sandoval isang obstetrician na sumulat ng libro tungkol sa Medina case, mas gustong makipaglaro ni Lina sa kanyang mga manika kaysa sa sariling anak.
Sa paglaki naman ni Lina, nagtrabaho siya bilang secretary sa Dr. Gerardo’s Clinic at dahil sa kanyang kasipagan napag-aral niya ang kanyang sarili at anak.
Ikinasal si Lina kay Raul Jurado at sa kanyang 30’s nanganak siyang muli.
Ano ang mga komplikasyon na pwedeng maging resulta ng precocious puberty?
- Short height. Bagamat mas mabilis ang kanilang debelopment kumpara sa ibang tao, pwedeng maging dahilan din ito ng mas maagang paghinto ng paglaki mga buto at ito’y nagreresulta ng mas mababang tangkad kaysa sa karaniwang matatanda.
- Pagkakaroon ng social at emotional problems. Madalas ang mga taong nakakaranas ng precocious puberty ay nagkakaroon ng extremely self-esteem na humahantong sa pagtaas ng risk ng depresyon.
Paano ginagamot ang precocious puberty?
Sinasabi na ang treatment para sa precocious puberty ay depende sa uri at dahilan nito. Ang panggamot ay maaaring gawin sa pamamagitan ng synthetic gonadotropin-releasing hormone, kung saan pwede nitong pahintuin ang sex maturity process at nagaganap ito sa pamamagitan ng pagpigil sa pituitary gland, mula sa pag-release ng gonadotropin hormones.
Kailan dapat humingi ng tulong sa healthcare provider?
Bagamat madalas ay hindi nakikita ang root cause ng rare condition na ito maganda na humingi kaagad ng tulong sa doktor kapag nakakita ng sintomas ng sexual development sa mga batang babae na wala pang 8 taon, at gayundin sa mga lalaking wala pang 9 na taong gulang.
Paano maiiwasan ang kondisyong ito?
Ang ilan sa mga risk factor tulad ng sex at race ay hindi maiiwasan. Subalit mayroong mga paraan na pwedeng gawin para mabawasan ang tsansa ng pagdebelop ng kondisyong ito.
Narito ang mga sumusunod:
- Pag-iwas o paglayo sa anak sa external sources ng estrogen, at testosterone kabilang ang prescription medications para sa matatanda at maging ang dietary supplements na nagtataglay ng estrogen o testosterone.
- Panghihikayat sa anak na magkaroon ng malusog na timbang.
Key Takeaways
Kung kinakailangan at kaya — bigyan ng counselor ang anak at tandaan na mayroong treatment na pwedeng gamitin sa sakit na ito upang mapahinto ang sexual maturity process.
At bilang huling paalala, huwag mo rin basta-basta ipagkakatiwala ang anak sa iba para maiwasan ang anumang klaseng pang-aabuso.
[embed-health-tool-due-date]