backup og meta

Ano ang Breathing Birth Techniques? Heto ang Dapat Malaman Tungkol Dito

Ano ang Breathing Birth Techniques? Heto ang Dapat Malaman Tungkol Dito

Ang panganganak ay isang napakahalagang okasyon para sa parehong mga magulang dahil makikita na nila ang kanilang bagong silang na sanggol. Bagaman hindi maikakaila sa mga nanay na nagdulot ito ng kakaibang lebel ng stress, lalo na sa sakit sa labor. Ngunit maraming mga bagay na maaaring gawin ng mga nanay upang guminhawa at mabawasan ang sakit ng pagla-labor. Isa sa mga ito ay ang pagsasagawa ng breathing techniques sa panganganak. Ano ang breathing birth techniques na maaaring gamitin? 

Ano Ang Breathing Birth Techniques? Patterned Breathing Techniques para sa Panganganak

Ang patterned breathing ay ang paghinga sa isang tiyak na rate at lalim. Ibig sabihin na ang nanay ay maaaring makahinga nang malalim, pinupuno ang kanyang tiyan ng hangin. Maaari rin siyang huminga nang mahina upang mapuno lamang ang kanyang dibdib. Sa huli, ang patterned breathing ay naglalayon na magkaroon ng kalmado at maginhawang rate at lalim.

Ang Benepisyo ng Patterned Techniques sa Panganganak

  • Nagbibigay ito sa nanay ng sense of control, sa pagpili ng rate at lalim.
  • Mayroon itong kalmado at maginhawang epekto.
  • Nababawasan nito ang sakit sa labor.
  • Pinatataas nito ang oxygen supply, na nagbibigay ng lakas sa parehong nanay at sanggol.

ano ang breathing birth

Ano ang Breathing Birth Techniques na Patterned para sa Unang Stage ng Labor

Slow Breathing

Maaari mong gawin ang mabagal na paghinga kung nagsimula na ang contractions. Gawin ito lalo na kung hindi ka na makapagsalita o makagalaw dahil sa sakit. Upang gawin ang ehersisyo sa mabagal na paghinga para sa panganganak:

  1. Humingi nang malaki at ibuga ito nang malakas na buntong hininga. Hayaan ang iyong katawan na tumamlay habang nilalabas ang hangin.
  2. Ituon ang iyong atensyon sa partikular na nasa isip o bagay, depende sa iyong posisyon.
  3. Huminga sa iyong ilong at ibuga ang hangin sa iyong bibig sa pamamagitan ng pagbuntong hininga.
  4. Huminto panandalian hanggang sa maramdaman mo nang kailangan mo ulit huminga.
  5. Kada paghinga, tumuon sa iba’t ibang parte ng katawan.

Tandaan na maaari mong gawin ang mabagal na paghinga hangga’t gusto mo. Sa tipikal, kapag hindi ka na makapag-focus dahil sa sakit, maaari kang magpalit sa ibang uri ng breathing technique. Idulog sa iyong doktor kung ano ang breathing birth technique na akma para sa iyo. 

Light Accelerated Breathing

Sa aktibong parte ng iyong unang stage ng labor, maaari mong kailanganin na magpalit pa sa light accelerated breathing. Ito ay may katangian ng mabilis na paghinga — paghigop ng hangin sa ilong at paglabas sa bibig.

Narito ang panuto para sa light accelerated breathing techniques para sa panganganak.

  1. Humingi nang malaki at ibuga ito sa pamamagitan ng buntong hininga. Hayaan ang iyong katawan na tumamlay kung ibinubuga ang hangin.
  2. Ituon ang iyong atensyon sa kahit na anong bagay, tulad ng iyong kapareha o ng larawan sa pader.
  3. Sa umpisa, huminga nang marahan. Matapos ito, i-adapt ang iyong paghinga sa peak ng iyong contractions.
  4. Kung ang contraction peaks ay maaga, gumawa ng light, rapid na paghinga nang mas maaga para sa contractions. Kung ang contractions peak ay unti-unti, unti-unting hinaan ang iyong paghinga.
  5. Ipagpatuloy ang pag-adjust ng iyong mababaw na paghinga sa peaks ng iyong contractions. Ang rate ay dapat na isang paghinga kada segundo.
  6. Kung ang contraction ay mabawasan, magdahan rin sa iyong paghinga.
  7. Kung natapos na ang contractions, huminga sa iyong ilong at ibuga ito sa iyong bibig sa pamamagitan ng buntong hininga.

Pant-pant blow Breathing

Ano ang breathing birth technique na pant-pant blow? Ito rin ay tinatawag na “hee-hee-who” breathing. Para isagawa ito:

  1. Huminga nang malaki at ibuga ito sa pamamagitan ng buntong hininga. Hayaan ang iyong katawan na tumamlay kung ibubuga na ang hangin. 
  2. Ituon ang iyong atensyon. Gumamit ng kahit na ano para magpokus, kahit na mga larawan.
  3. Huminga sa pamamagitan ng bibig sa rate na 5-20 na paghinga sa loob ng 10 segundo.
  4. Kada, ika-2, ika-3, ika-4, o ika-5 na paghinga, ibuga ito nang buntong hininga. Maaari mong sabihin ang mahabang paghinga na ito sa salitang “who.”
  5. Kung tapos na ang contractions, huminga ng kahit 2 na nakakalmang paghinga.

Ano ang Breathing Birth Patterns para sa Ikalawang Stage ng Labor?

Ang expulsion breathing ay isa sa mga breathing techniques sa panganganak. Karaniwan, ang mga nanay ay ginagawa ito sa ika-2 stage ng pagsisimula ng labor o kung ang cervix ay ganap na nakabukas. Magagawa mo ito sa paraan ng:

  1. Huminga nang malaki at ibuga ito sa pamamagitan ng buntong hininga. Hayaan ang iyong katawan na tumamlay kung ibubuga na ang hangin.
  2. Ituon ang iyong atensyon sa paggalaw ng iyong sanggol. Maaari ka ring magpokus sa iyong kapareha.
  3. Kung hindi mo na kayang pigilan ang pag-ire, lakihan ang paghinga, ilapat ang iyong baba sa iyong dibdib, at sumandal paharap.
  4. Bear down at ibuga ang hangin nang dahan-dahan sa pamamagitan ng pag-ungol.
  5. Hayaan ang contractions na gabayan ka sa kung gaano kalakas ang iyong pag-ire.
  6. Sa oras na ang contractions ay unti-unting mawala, huminga nang malalim upang makasagap ng oxygen para sa iyo at sa iyong sanggol.
  7. Kung ang contractions ay natapos na, huminga ng dalawang pangpakalmang paghinga.

Ano ang Breathing Birth Lamaze Techniques para sa Panganganak?

Ang Lamaze breathing techniques para sa panganganak, ayon sa mga eksperto, ay hindi lang tungkol sa paghinga. Ang Lamaze ay full program na siksik sa iba’t ibang pamamaraan ng labor at paglabas ng sanggol. Ito ang dahilan kaya’t marami kayong nakikitang Lamaze Classes para sa mga magulang.

Sa kahulugan, ang Lamaze breathing techniques para sa panganganak ay mayroong pagkakatulad sa patterned breathing exercises. Upang maging mas epektibo, gayunpaman, ito ay may kasamang:

  • Masahe
  • Paggalaw
  • Mabagal na pagsayaw
  • Pagbabago ng posisyon
  • Yoga
  • Paghahanap sa iyong ritmo

Ibang mga Breathing Techniques para sa Panganganak

Maliban sa patterned at Lamaze, mayroong ibang mga breathing techniques para sa panganganak. Ito ay mga:

The Relax Breathing Method

Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagtuon sa salitang, relax. Isipin ang pantig na “RE” sa paghinga. Ngayon, isipin ang salitang “LAX” kung ibubuga ang hangin. Kung atensyon mo ay naligaw, huwag mag-alala. Bumalik lamang sa salitang relax at orasan ito sa iyong paghinga.

The Counted Breathing Method

Huminga sa pamamagitan ng pagbibilang ng tiyak na mga numero na ikaw ay komportable. Sabihin nating ikaw ay humihinga habang nagbibilang hanggang ikatlong bilang. Ilabas ang hangin sa pamamagitan ng pagbilang ng mas mataas na numero, sabihin nating 5. Pumili ng numero depende sa iyong nais.

Paced Breathing Method

Ang paced breathing method ay kinakailangan ng labor coach. Kung sinabi ng coach na “Contraction begins,” gawin ang mga sumusunod:

  1. Ilagay ang iyong kamay sa iyong tiyan.
  2. Huminga ng 5 hanggang 10 beses sa isang minuto.
  3. Kung ikaw ay mag-inhale, padaanin ang iyong kamay mula sa ibaba ng iyong tiyan papuntang ribs. 
  4. Kung mag-exhale, padaanin ang iyong kamay pabalik sa iyong ibabang tiyan.
  5. Huminga nang normal kung sinabi ng coach na “Contraction ends.”

Ang paggalaw ng kamay ay nangangahulugan ng maginhawang masahe para sa sakit. Ang coach ay gagabayan ka sa iyong contractions dahil oorasan niya ito. Tandaan na patuloy na tumuon sa kahit na anong bagay sa pagsasagawa ng pamamaraan sa paghinga.

Maaari mong gawin ang maraming breathing techniques para sa panganganak. Maraming pregnancy classes ang makapagbibigay sa iyo ng choices at tuturuan kayo ng iyong partner sa tamang paraan ng paggawa nito.

Ang mahalaga ay tumuon sa isang bagay at huminga sa pamamaraang komportable at maginhawa para sa iyo. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kung ano ang breathing birth techniques na maaaring gawin, kumunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa pagbubuntis at panganganak dito.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

BREATHING AND RELAXATION TECHNIQUES FOR LABOR AND DELIVERY
https://www.marshfieldclinic.org/specialties/obgyn/pregnancy/delivery/pregnancy-delivery-breathing-relaxation
Accessed June 09, 2020

Breathing techniques for labour
https://www.babycentre.co.uk/a544499/breathing-techniques-for-labour
Accessed June 09, 2020

Lamaze Breathing: What You Need to Know
https://www.lamaze.org/lamaze-breathing
Accessed June 09, 2020

Patterned Breathing During Labor
https://americanpregnancy.org/labor-and-birth/patterned-breathing/
Accessed June 09, 2020

Breathing for pain relief during labor
https://evidencebasedbirth.com/breathing-for-pain-relief-during-labor/
Accessed June 09, 2020

Kasalukuyang Version

03/29/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement