backup og meta

Paano Mo Dapat Harapin Ang Mga Sintomas Ng Gout?

Paano Mo Dapat Harapin Ang Mga Sintomas Ng Gout?

Ang gout ang isa sa mga kondisyon na madalas maranasan ng mga katandaan. Kung saan, ang gout ay isang uri ng “inflammatory arthritis” na maaaring magdulot ng matinding pananakit ng mga kasukasuan — at pamamaga. Madalas na naaapektuhan rin ng gout ang ating mga hinlalaki sa paa, tuhod, at bukong-bukong (ankle). Kilala rin ang gout bilang isang kondisyon na sanhi ng hyperuricemia o pagkakaroon ng sobrang uric acid sa katawan. 

Gumagawa ng uric acid ang ating katawan, partikular kapag bine-break down nito ang ating purines, na matatagpuan sa katawan at sa mga pagkaing kinakain natin. Sa oras na sumobra ang uric acid natin sa katawan, ang mga kristal ng uric acid (monosodium urate) ay maaaring mag-build up sa mga kasukasuan, fluids, at mga tissue sa loob ng katawan. 

Bukod pa rito, walang gamot para sa gout, pero maaari mong gamutin at pamahalaan ang kondisyon sa pamamagitan ng gamot at self-management strategies na ipapayo at irerekomenda sa iyo ng doktor.

Isa sa mabuting hakbang para pamahalaan ang iyong gout ay ang pag-alam sa mga sintomas nito para alam mo kung paano haharapin ang iyong kondisyon — at upang malaman mo ang mga sintomas ng gout, patuloy na basahin ang article na ito.

Sintomas ng gout

Tandaan mo na sa tuwing umaatake ang gout, maaari kang makaramdam ng pamamaga at pananakit na tinatawag na “flare.” Ayon sa iba’t ibang datos pwedeng tumagal ng ilang araw o linggo ang pag-atake nito — at pagkatapos susundan ito ng mahabang panahon na wala kang pamamaga at pananakit na mararamdaman — at ang tawag dito ay “remission.” 

Sa katunayan, maraming kaso na tumatagal ng ilang buwan at taon ang remission, kaya nabibigla madalas ang mga pasyente kapag nakaranas muli ng flare. Dagdag pa rito, huwag mong kakalimutan na anuman sa iyong kasukasuan ay maaaring maapektuhan ng gout, pero kadalasang nakakaapekto ito sa mga kasukasuan patungo sa dulo ng mga paa, tulad ng mga daliri sa paa, bukung-bukong, tuhod at daliri.

Narito ang ilang mga palatandaan at sintomas ng gout ayon sa Center for Disease and Prevention (CDC):

  • matinding pananakit sa isa o higit pang mga kasukasuan
  • mainit at napakalambot ng kasukasuan
  • pamamaga sa loob at paligid ng apektadong kasukasuan
  • pula, makintab na balat sa ibabaw ng apektadong kasukasuan

Batay muli sa CDC, mabilis na umuunlad ang mga sintomas ng gout sa loob ng ilang oras at karaniwang tumatagal ng tatlo hanggang 10 araw. Pagkatapos ng mga oras na ito ang sakit ay dapat na lumipas at ang kasukasuan ay dapat bumalik sa normal.

Kaya naman sa oras na hindi ito nawala at nagpatuloy, mas mainam na kumonsulta na isang doktor para makahingi ng medikal na atensyon, payo, diagnosis, at paggamot.

Paggamot sa kondisyon ito

Maaari mong pamahalaan ang iyong mga sintomas ng gout  sa pamamagitan ng medikal na paggamot at self-management strategies. Gayunpaman, kinakailangan na magpakonsulta muna sa doktor para masigurado na ligtas ang iyong paggamot.

Sa pagpapakonsulta, maaaring magrekomenda ang iyong tdoktor ng mga planong medikal na paggamot gaya ng mga sumusunod:

  • I-manage ang sakit na dulot ng gout

Ang paggamot para sa flares ay maaaring binubuo ng mga nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) at anti-inflammatory drug.

  • Pagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang flares sa hinaharap

Ang paggawa ng mga pagbabago sa iyong diyeta at pamumuhay, gaya ng mga sumusunod:

    • pagbabawas ng timbang
    • paglilimita sa pag-inom ng alkohol
    • pagkain ng mas kaunting pagkain na mayaman sa purine (tulad ng pulang karne o karne ng organs o mga lamang loob)
    • pag-inom ng sapat na tubig sa araw araw
  • Pagpigil sa pagbuo ng tophi at kidney stones bilang resulta ng mataas na antas ng uric acid

Maaaring magrekomenda ang mga doktor ng preventive therapy upang mapababa ang antas ng uric acid sa dugo gamit ang mga gamot.

Bilang karagdagan din sa medikal na paggamot, pwede mong pangasiwaan ang iyong gout gamit self-management strategies, ayon sa CDC. Ang pamamahala sa sarili ay ang ginagawa mo sa araw-araw upang pamahalaan ang iyong kondisyon at manatiling malusog. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

8 Inflammation-Causing Foods to Avoid When You Have Arthritis, https://www.allergyinstitute.org/blog/8-inflammation-causing-foods-to-avoid-when-you-have-arthritis, Accessed May 17, 2023

10 Foods That Help Ease Your Arthritis Pain, https://health.clevelandclinic.org/top-10-foods-power-ease-arthritis-pain/, Accessed May 17, 2023

10 Foods for Fending off Osteoarthritis Inflammation, https://www.shellpoint.org/blog/10-foods-for-fending-off-osteoarthritis-inflammation/, Accessed May 17, 2023

Gout, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/muscle-bone-and-joints/conditions/gout Accessed May 17, 2023

Gout, https://www.cdc.gov/arthritis/basics/gout.html Accessed May 17, 2023

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Masama Ba Sa Tuhod Ang Pagtakbo?

Pag-alis ng manas sa paa sa loob 30 minuto, posible nga ba? Alamin dito!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement