Ipinakikita ng mga pag-aaral na may mahalagang koneksyon sa pagitan ng kalusugan ng bibig at pangkalahatang kalusugan. Ibig sabihin, ang cardiovascular diseases at maging ang pneumonia ay nauugnay sa kalusugan ng bibig. Ang mga komplikasyon sa loob nito ay maaaring mag-ambag sa mga kondisyong ito. Sa artikulong ito, sisiyasatin natin ang mga bahagi ng bibig at ngipin.
Mga Bahagi ng Bibig at Ngipin
Madalas sabihin sa atin na panatilihing malusog ang ating bibig. Dahil ito ay isang asset at nakakatulong na bigyan tayo ng kumpiyansa sa pakikipag-ugnayan sa iba. Gayunpaman, ang pangunahing layunin ng bibig bilang cavity ay para sa pagproseso ng pagkain bilang bahagi ng digestion. Sa katunayan, ang buong anatomy ng ngipin at mga bahagi ng bibig ay naroon upang makatulong na matupad ito.
Mga Bahagi ng Bibig
Ang bibig ay cavity na nakalagay sa bungo na ang pangunahing tungkulin ay pagkain at pagsasalita. Naka-linya ito sa mucous membranes na nagpapanatili ritong basa o moist.
Ang ngalangala o palate ay nababalot ng mucous membrane at nahahati sa iba’t ibang bahagi. Ang mabuto na bahagi ay ang hard palate. Nahahati nito ang nasal cavity at bibig.
Ang malaman na parte, likod na bahagi ay tinatawag na soft palate. Pinaghihiwalay nito ang bibig at lalamunan. Isinasara ng soft palate ang nasal passage kapag lumulunok ka para hindi makapasok ang pagkain sa nasal cavity mo. Nasa soft palate rin ang uvula, ang nakalawit na laman sa likod ng bibig. Ang tonsils ay nasa magkabilang gilid ng uvula upang hawakan ang butas ng lalamunan.
Sa ibaba ng bibig hanggang sa floor ay grupo ng muscles, ang dila. Ang tuktok ng dila ay nababalot ng malilit na bukol kung saan naroon ang tastebuds, ang papillae. Ang tastebuds natin ay maaaring makaramdam ng tamis, alat, asim, at pait.
Gumagawa ng laway ang salivary glands. Ang glands na ito ay nasa bibig, sa ilalim ng dila, at sa paligid ng bibig. Ang laway ay kapaki-pakinabang sa pagtunaw. Ginagawa nitong moist ang bibig para sa mas madaling pagnguya at paglunok. At naglalaman ito ng mga enzyme na pumipiraso din ng pagkain.
Mga Bahagi ng Ngipin
Tulad ng bibig, ang mga bahagi at uri ng ngipin ay nagpapakita rin na ang mga bahagi ng bibig at ngipin ay mahalaga at gumagana para sa digestion at komunikasyon. Ang mga tao ay nagkakaroon ng dalawang set ng ngipin. Una, ang 20 deciduous teeth ay nagsisimulang tumubo bago ang kapanganakan at nagsisimulang malagas sa edad na 6. Tinatawag din ang mga ngipin na ito na baby, milk, primary o temporary teeth. Pagkatapos nito, ang isa pang set, ang permanent teeth ay magsisimulang tumubo na secondary o adult teeth.
Mga Uri ng Ngipin
Sa unahan ay ang apat na incisors sa itaas at apat din sa ibaba. Ang mga incisor ay matalim na mga ngipin na kadalasang mukhang angular o pa-square. Ang gamit ng mga ito ay sa pagpiraso ng mga pagkain at pagkagat.
Sa magkabilang gilid ng incisors ay ang matatalas na mga ngipin, ang canines. Karaniwang patulis at ang gamit ay tumutulong sa pagpiraso ng pagkain. Mas mahusay ang mga ito kaysa sa incisors. Ang nasa itaas ay tinatawag na cuspid o eyeteeth.
Sa bandang dulo sa likod ay ang premolars o bicuspids na dumudurog ng pagkain. May apat na pares ng premolars na nasa magkabilang gilid ng panga.
Sa likod ng premolar ay 12 molars na tig-tatlo. Ito ang una, ikalawa, at ikatlong molars. Ang ginagawa ng mga ito ay nguyain nang mas pino ang mga pagkain. Ang pangatlong molar, na kung minsan ay tinatawag na wisdom teeth, ay maaaring tanggalin dahil maaari nilang matanggal ang iba pang mga ngipin at magdulot ng mga problema tulad ng pananakit o impeksyon.
Anatomy ng Ngipin
Anuman ang uri ng mga ngipin, ang mga bahagi nito ay pare-pareho. Bawat ngipin ay may panglabas na layer na ang tawag ay enamel. Ito ang pinakamatigas na materyal sa katawan, upang maging matatag ang ngipin sa pagnguya. Ang dentin naman ang layer na kasunod sa loob. Ito ang bumubuo sa pangunahing bahagi ng ngipin at nagiging sanhi ng madilaw na tint ng ngipin.
Sa loob ng dentin ay ang pulp kung nasaan ang nerves at blood vessels ng ngipin. Ito ang bahagi kung saan nakakaramdam ka ng “ngilo” o sensitivity ng ngipin dahil ang mga ugat at suplay ng dugo ay bahagi ng pulp. Ang pulp chamber ay nasa isang bundle sa crown ng ngipin at dumadaloy pababa sa root canal. Matatagpuan ito sa ilalim na bahagi ng ngipin at sa loob ng iyong gilagid.
Sa pinakailalim at nakalagay sa iyong mga gilagid ay ang ugat ng bawat ngipin na nagse-secure nito nang mahigpit sa panga. Ito ay natatakpan ng isang layer ng sementum, na katulad ng materyal sa dentin dahil ito ay kasing tigas ng buto.