backup og meta

Masakit Na Ngipin, Ano Ang Mga Maaaring Maging Dahilan?

Masakit Na Ngipin, Ano Ang Mga Maaaring Maging Dahilan?

Madalas nating marinig ang problema sa masakit na ngipin sa mga lumalaking bata at isa sa mga unang naiisip na dahilan ay dahil patubo na ang kanilang bagong ngipin. Habang sila ay lumalaki, nagbabago ang ngipin upang maging permanente at matibay. Ngunit, ngayon na ikaw ay nasa wastong gulang na at kumpleto na ang iyong mga adult teeth, ano kaya ang posibleng dahilan ng masakit na ngipin? Alamin ang mga detalye sa artikulong ito. 

Pag-Unawa Sa Masakit Na Ngipin

Nagkakaroon ang isang tao ng masakit na ngipin kapag ang pulp na nagtataglay ng mga blood vessels, nerves, at tissues sa loob ng ngipin ay namamaga at naapektuhan. Ang mga pulp nerves na ito ay itinuturing na pinakasensitibong parte ng katawan. Kung kaya ito ay nagiging pangunahing dahilan kung bakit nakararamdam ng pananakit sa loob o sa paligid ng ngipin. 

Maaaring magmula ang minor toothaches sa pansamantalang pangangati ng gilagid na maaari namang gamutin sa bahay. Samantala, ang mga malulubhang toothaches ay dulot ng mga problema sa ngipin at bibig. Ang mga ganitong uri ay nangangailangan na ng tulong at eksperto ng dentista upang mabigyang lunas. 

Ilan sa mga karaniwang sintomas ng masakit na ngipin ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit na nailalarawan bilang tumutusok, tumitibok, o patuloy. Ang ilang mga tao ay nararamdaman lang ang naturang sakit kapag naglalagay ng presyon sa ngipin.
  • Pananakit habang kumakain
  • Pamamaga sa paligid at sa loob ng ngipin
  • Pamamaga ng panga at mukha
  • Pagdurugo ng mga ngipin o gilagid
  • Pagiging maselan sa pagkain (mapa mainit, malamig, matamis, o maanghang man ito)
  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Foul-tasting drainage mula sa apektadong ngipin
  • Mabahong amoy mula sa bibig

Mayroong mga pagkakataon na ang sakit na nararamdaman sa ngipin ay dahil sa pananakit sa ibang bahagi ng katawan. Ito ay kinikilala bilang referred pain. Halimbawa, kung minsan ang pananakit ng tenga ay maaaring magdulot din ng pananakit ng ngipin.

Mga Posibleng Dahilan Ng Masakit Na Ngipin

Katulad ng nabanggit, may iba’t ibang posibleng sanhi ng pananakit ng ngipin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagkabulok ng ngipin (tooth decay). Ito ang karaniwang dahilan kung bakit nakararamdam ng pananakit ng ngipin ang karamihan. Ito ay humahantong sa mga cavities na nabubuo sa matigas na ibabaw ng ngipin. 
  • Pagkabasag ng ngipin. Mayroong mga pagkakataon na hindi inaasahang mababasag ang ngipin. Kadalasan, ito ay sobrang liit at hindi kapansin-pansin, dahilan para isipin ng nakakarami na normal lang ito. Ngunit, ang mga naturang fractures ay maaring dahilan ng pananakit ng ngipin.
  • Maluwag o basag na fillings. Dahil sa pagkaluwang o pagkabasag, nagkakaroon ng singaw sa ngipin. Ito ang dahilan kung bakit naiipon ang pagkain at ilang mga debris sa ngipin. 
  • Receding gums. Ito ay tumutukoy sa pagliit ng gilagid upang ma-expose ang mas malalambot at mas sensitibong mga bahagi ng tooth root.
  • Tooth trauma. Kadalasan ito ay nangyayari dahil sa paulit-ulit na paggalaw ng bibig, tulad sa pangunguya, pag-grind, o pag-clench ng ngipin. 
  • Dental abscess. Kung ang sakit ay matindi na at tumitibok, maaaring humantong na ang pagkabulok at abscess na kung saan may nabubuong nana sa loob ng ugat ng ngipin. Ito ay nangangahulugan na may nabubuong nana sa loob ng ugat ng ngipin. Lalong sumasakit ito kapag tinatapik ang ngipin. Ang isang “gum boil” o tigyawat ay makikita sa ibaba ng linya ng gilagid. May iba’t ibang uri ng dental abcess. Ito ay tinatawag na periapical abscess kapag ang nana sa dulo ng ngipin ay sanhi ng bacterial infection. Sa kabilang banda, maaari itong maging periodontal abscess kapag ang nana naman ay makikita sa mga gilagid. 

Iba Pang Mga Kondisyon Na Nagdudulot Ng Masakit Na Ngipin

Posible ring sumakit ang ngipin dahil sa mga kondisyon na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Gum disease (tulad ng gingivitis)
  • Earache
  • Mouth ulcers
  • Sinus infection (partikular na ang sinusitis)
  • Pinsala sa panga o sa bibig (tulad ng tempomandibular joint disorders)
  • Atake sa puso (na maaring magdulot ng jaw pain, neck pain, at toothache)

Key Takeaways

Madalas binabalewala ng mga tao ang masakit na ngipin dahil iniisip nila na lilipas din ito. Subalit, hindi ito ang laging kaso. Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit sumasakit ang ngipin tulad ng mga nakapaloob na kondisyon na dapat pagtuunan ng pansin. Kumunsulta sa iyong dentista upang malaman kung ano ang sanhi nito at upang maagapan ito sa mas lalong madaling panahon.

Alamin ang iba pa tungkol sa Oral na Kalusugan dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Toothache, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10957-toothache Accessed July 22, 2022

Toothache, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/mouth/toothache Accessed July 22, 2022

Toothache, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/toothache/ Accessed July 22, 2022

Toothaches, https://medlineplus.gov/ency/article/003067.htm Accessed July 22, 2022

Toothache and swelling, https://www.healthdirect.gov.au/toothache-and-swelling Accessed July 22, 2022

Toothache: First aid, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-toothache/basics/art-20056628 Accessed July 22, 2022

Kasalukuyang Version

09/29/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Sakit Ng Ngipin: Ano Ba Ang Mabisang Solusyon?

Paano Alagaan ang Ngipin at Gilagid? Heto ang Ilang mga Payo


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement