backup og meta

Nakahahawa ba ang pagkakaroon ng shingles o kulebra?

Nakahahawa ba ang pagkakaroon ng shingles o kulebra?

Ang shingles o herpes zoster ay nagdudulot ng masakit na pantal sa balat o outbreak ng mga butlig. Sanhi ito ng varicella-zoster virus, ang virus na responsable sa bulutong-tubig. Madalas itong lumilitaw na grupo ng mga butlig na bumabalot sa isang bahagi ng katawan, tulad ng torso. Magbasa pa upang higit na malaman ang tungkol sa sakit, mga sintomas nito, paggamot, at kung nakahahawa ba ang shingles. 

Paano nagkakaroon ng shingles?

Kadalasang nangyayari ang bulutong-tubig sa mas batang edad. Sa panahong ito, nilalabanan ng katawan ang varicella-zoster virus. Ang sakit na ito ay maaaring tumagal ng hanggang 10 araw. Ngunit, kahit na ang mga pisikal na senyales ng bulutong-tubig ay nawawala, ang virus ay pwedeng mabuhay pa rin sa loob ng katawan mo. Ito ay maaaring ma-activate kapag ikaw ay nasa hustong gulang na, sa edad na 50 taong gulang at mas matanda kapag may mahinang immune system ka. Kapag nangyari ito, kumakalat ito sa iyong mga sensory nerve, na nagiging sanhi ng masakit na mga butlig o paltos.

Ibig sabihin, kung nagkaroon ka ng bulutong-tubig dati, nasa panganib na magkaroon ka rin ng shingles.

Nakahahawa ba ang shingles?

Ang isang taong may aktibong shingles ay maaaring makahawa ng virus kapag ang pantal ay paltos pa lang. Ibig sabihin, mahalagang takpan ang mga paltos, at iwasan ang pisikal na pakikipag-ugnayan sa sinumang hindi pa nagkaroon ng bulutong-tubig, mahina ang immune system, mga buntis, at maliliit na bata.

Nakahahawa ba ang shingles: Mga palatandaan at sintomas

Isa sa mga unang senyales na dapat mong abangan ay ang pangangati, o pananakit sa isang bahagi ng katawan.

Ang pinakakaraniwang lugar kung saan nabubuo ang shingles ay sa dibdib, tiyan, braso, at binti. Pagkatapos, maaari mong mapansin ang apektadong bahagi na nagiging mapula at namamaga. Kasunod nito ay ang paglitaw ng mga butlig at mga paltos na maaaring mabuo nang magkakasama o nakalinya na sumusunod sa apektading ugat. Ang balat mo ay magiging mas sensitibo na ang anumang pagkiskis ay maaaring magdulot ng matinding sakit at pangangati.

Ang ilan ay nakakaranas din ng iba pang mga sintomas bukod sa mga pantal o paltos:

  • Bahagyang lagnat
  • Labis na pakiramdam na pagkapagod
  • Sakit ng ulo
  • Panghihina ng kalamnan
  • Masakit ang tiyan
  • Bacterial infection

Kung may mga pisikal na palatandaan ng shingles, pinakamahusay na mag-isolate. Dahil nakahahawa ang shingles, lalo na kung mayroon kang open blisters.

Nakahahawa ba ang shingles: Diagnosis

Karaniwang nabubuo ang shingles na isang linya sa isang bahagi ng katawan. Ang ilang mga doktor ay magsasagawa rin ng laboratory tests ng likido mula sa mga paltos. 

Isa sa mga unang tanong ng mga pasyente ay: nakahahawa ba ang shingles? Magrerekomenda ang doktor mo ng mga gamot para makatulong sa mga sintomas, at papayuhan kang iwasan ang direktang paglapit sa ibang tao habang nagpapatuloy ang kondisyon mo.

Treatment

Hanggang ngayon, walang eksaktong lunas para sa shingles. Ang pagpapabakuna ay nakakatulong na mabawasan ang panganib at tindi ng sakit. Gayunpaman, ang mga taong may HIV, cancer, o sinumang kasalukuyang sumasailalim sa radiation treatment ay hindi pinapayagang magpabakuna. Inirerekomenda na mabakunahan bago ang anumang paggamot.

Mayroon ding mga over-the-counter na gamot na maaaring ireseta. Ito ay para makatulong sa pagharap sa mga sintomas, tulad ng mga pain reliever. Laging pinakamahusay na makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kondisyon mo.  

Mga Komplikasyon

Narito ang ilang komplikasyon na kailangan mong bantayan:

  • Postherpetic Neuralgia. Kahit nawala na ang mga pantal o paltos, ang sakit ay nananatili at maaaring tumagal ng ilang buwan o taon. Ito ay nangyayari kapag ang mga nahawaang nerve fibers ay nagpapadala ng mga senyales ng sakit mula sa balat patungo sa utak.
  • Pagkawala ng paningin. Maaari ding lumitaw ang mga paltos malapit sa bahagi ng mata na nagdudulot ng pamamaga o permanenteng pinsala sa mata.
  • Neurological problems. Ang shingles ay maaari ding maging sanhi ng pamamaga sa utak, pagkawala ng pandinig, at paralisis ng mukha.
  • Bacterial infection. Kung ang open blisters ay hindi natatakpan at ginagamot kaagad, maaari itong humantong sa mga impeksyon.

Key-takeaways

Ang shingles ay napakasakit, ngunit hindi naman talaga ito banta sa buhay. Depende sa nahawang nerve area, ang mga butlig ay mawawala pagkatapos ng ilang linggo. Kapag nagkaroon ka na ng shingles, mas malamang na mangyari muli ang impeksyon. Makakatulong ang pagbabakuna para mabawasan ang panganib. Kung nararanasan mo ang alinmang mga sintomas na nabanggit, agad na komunsulta sa iyong doktor.  Maaari mong maiwasaan ang iba pang mga komplikasyon kung gagamutin mo ng maaga ang shingles. 

[/key-takeaways]

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

5 Things You Need To Know About Shingles , https://www.nia.nih.gov/health/infographics/5-things-you-need-know-about-shingles#:~:text=Shingles%20is%20a%20disease%20that,can%20be%20prevented%20and%20treated.

Accessed April 21, 2021

 

Shingles: Symptoms & Causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/shingles/symptoms-causes/syc-20353054

Accessed April 21, 2021

 

Shingles, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/11036-shingles

Accessed April 21, 2021

 

3 Things You Can Do About Shingles, https://www.health.harvard.edu/healthy-aging/3-things-you-can-do-about-shingles

Accessed April 21, 2021

 

Shingles (for Parents), https://kidshealth.org/en/parents/shingles.html

Accessed April 21, 2021

 

Kasalukuyang Version

02/16/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Smallpox? At Paano Ito Naiiba Sa Chickenpox At Monkeypox?

Alamin: Nagagamot ba ang Rabies?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement