Kaalinsabay ng patuloy na paglawak ng outbreak ng monkeypox sa daigdig, nagpresenta ang Department of Health (DOH) ng isang diskusyon sa kung anu-ano ang pagkakaiba ng monkeypox, bulutong, at tigdas noong ika-22 ng Abril 2022. Malaki ang pwedeng maitulong ng forum na ito upang malaman kung monkeypox ba ang nasa balat ng tao o rashes lalo na at ngayong 2024 ay mayroong kaso ulit ng kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Mahalaga na magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagkakaiba ng mga sakit na ito upang maiwasan ang maling paggamot. Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon kung paano malalaman kung monkeypox ba ang nasa balat ng isang indibidwal.
Pero bago ang lahat, alamin muna natin ang mga importanteng detalye tungkol sa monkeypox.
Paano Naipapasa Ang Monkeypox Sa Tao?
Ayon kay Dr. Marissa Alejandria ng DOH Technical Advisory Group, ang monkeypox ay isang viral zoonotic disease na pwedeng maipasa ng hayop sa tao. Isa sa halimbawa ng transmission nito ay ang pagkakaroon ng contact ng tao sa isang infected animal na may monkeypox.
Bukod pa rito, sa pamamagitan din ng pakikipag-ugnayan ng tao sa mga kontaminadong produkto ng hayop at kontak sa mga indibidwal na infected ng virus, pwedeng magkaroon ng monkeypox ang isang tao.
Binigyang-diin din ni Dr. Alejandria na maaari rin makuha ang sakit sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipag-ugnayan sa mga sumusunod:
- Respiratory droplets
- Lesion material
- Body fluid
- Kontaminadong gamit o materyales