backup og meta

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Meningitis

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Meningitis

Ano ang meningitis? Ito ay karaniwang sanhi ng impeksyong dulot ng virus ngunit maaari ding dahil sa impeksyong dulot ng bakterya at fungi. Kung ang isang tao ay may ganitong kondisyon, ang membranes na nakapaligid sa kanyang utak at spinal cord, na tinatawag na meninges, ay may impeksyon at namamaga. Natuklasan sa ilang mga kaso na maaari itong gumaling nang walang gamot sa loob ng ilang linggo. Gayunpaman, sa ilan ay maaari itong nakamamatay. Ito ang dahilan kung bakit dapat agad humingi ng medikal na tulong kung hinihinala ng isang tao na siya o ay may meningitis. Ano ang pinagkaiba ng bacterial meningitis at viral meningitis?

Ano Ang Meningitis? Mga Sintomas Nito

Ang mga senyales ng sakit na ito ay maaaring iba-iba depende sa edad ng isang tao.

Mga Sintomas Sa Mga Sanggol

Sa mga sanggol at bata, ang mga sintomas na maaari nilang maranasan ay ang mga sumusunod:

  • Lagnat
  • Ayaw kumain
  • Hirap gisingin
  • Kulay lila hanggang pulang rashes o pasa
  • Pag-ungol habang umiiyak at pagiging iritable
  • Maputla, batik-batik na balat

Mga Sintomas Sa Mga Bata At Nakatatanda

Sa mga batang edad tatlo o higit pa, maging sa mga nakatatanda, ito ang mag sintomas na maaari nilang maranasan:

  • Pagsakit ng ulo
  • Lagnat
  • Pagsusuka
  • Paninigas ng leeg
  • Pagsakit ng mga kasu-kasuan
  • Pagkaantok
  • Pagkalito at iba pang mga pagbabago sa ugali
  • Kulay lila hanggang pulang rashes o pasa
  • Hindi kompotableng pakiramdam kapag tumitingin sa maliwanag na ilaw at iba pang mga problema sa paningin

Ano Ang Meningitis? Diagnosis Nito

Upang ma-diagnose ang isang pasyente, maaaring magsagawa ang doktor ng maraming tests o maaaring kailanganing humingi ng payo sa isang espesyalista. Mahalagang malaman kung ang kondisyon ay viral o bcterial.

Ilan sa mga bagay na ginagawa ng mga doktor upang ma-diagnose ang isang pasyente ay ang mga sumusunod:

  1. Pag-alam sa detalyadong history ng sintomas ng pasyente
  2. Klinikal/pisikal na pagsusuri
  3. Pagsasagawa ng blood tests
  4. Pagsasagawa ng lumbar puncture, kung saan ang spinal fluid ay tinatanggal gamit ang karayom upang masuri kung may bakterya

Ano Ang Pagkakaiba Ng Viral At Bacterial Meningitis?

Bacterial Meningitis

Ang bacterial meningitis ay mas malubhang anyo. Ito ay kadalasang sanhi ng tatlong uri ng bakterya:

Anoman ang edad ng isang tao, maaari siyang magkaroon ng mga ganitong bakterya nang hindi nagkakasakit. Gayunpaman, maaari niyang mahawaan ang iba sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Kung ang isang tao ay infected ng ganitong uri ng bakterya, lubhang ipinapayo ang agarang paghingi ng medikal na atensyon.

Gamutan At Pag-Iwas Sa Bacterial Meningitis

Upang magamot ang kondisyong ito, binibigyan ang pasyente sa hospital care intravenous antibiotics. Ang anti-convulsant, cortisone, at mga gamot na sedative ay maaari ding gamitin kung may mga komplikasyon.

Maaaring maiwasan ang bacterial meningitis sa pamamagitan hg pagbabakuna. Ang mga tiyak na bakunang maaaring magbigay ng proteksyon sa isang tao mula sa sakit na ito ay ang Hib immunization, meningococcal ACWY vaccine, Meningococcal B vaccine, at Pneumococcal vaccine.

Viral Meningitis

Maraming iba’t ibang viruses ang maaaring maging sanhi ng kondisyong ito. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Enteroviruses
  • Coxsackieviruses
  • Mumps virus
  • Adenovirus

Ang viral meningitis ay kadalasang isang komplikasyon ng isa pang (systemic) sakit na dulot ng virus. Sa katunayan, ang uring ito ay mas karaniwan at ang mga pasyenteng nagkakaroon nito ay mas madaling gumagaling. Gayunpaman, minsan ay maaari itong maging malubha.

Gamutan At Pag-Iwas Sa Viral Meningitis

Pinapayuhan ng doktor ang pasyente na magpahinga, manatiling mainit-init, komportable, at uminom ng maraming fluids. Ganito rin sa kaso ng anomang impeksyong dulot ng virus. Kung maging mas malubha ang impeksyon, dapat dalhin ang pasyente sa ospital.

Upang maiwasan ang ganitong uri ng meningitis, maghugas nang mabuti ng kamay matapos pumunta sa palikuran, magpalit ng diaper, suminga, at bago humawak ng pagkain. Nakatutulong din ang pagtatakip ng bibig sa tuwing uubo at babahing. Dagdag pa, ipinapayo ng mga eksperto na kung hindi mabuti ang pakiramdam ay manatili na lamang sa bahay.

Key Takeaways

Ano ang meningitis? Nangyayari ito kung ang meninges sa paligid ng spine at utak ay namamaga. Ang kondisyong ito ay maaaring sanhi ng impeksyong dulot ng bakterya, virus, o fungi. Kabilang sa mga sintomas na nararanasan ng mga nakatatandang may ganitong kondisyon ay ang pagsakit ng ulo, lagnat, pagsusuka, pagsakit ng kasu-kasuan, at paninigal ng leeg. Ang gamutan ay nakadepende sa natukoy na sanhi ng kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Meningitis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Meningitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/meningitis/symptoms-causes/syc-20350508#:~:text=Meningitis%20is%20an%20inflammation%20of,fever%20and%20a%20stiff%20neck.
Accessed March 25, 2021

Bacterial Meningitis, https://www.cdc.gov/meningitis/bacterial.html
Accessed March 25, 2021

Viral Meningitis, https://www.cdc.gov/meningitis/viral.html
Accessed March 25, 2021

Meningitis, https://www.cdc.gov/meningitis/
Accessed March 25, 2021

Meningitis, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/meningitis
Accessed March 25, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Sintomas Ng TB Meningitis Na Kailangang Bantayan

Stages ng TB Meningitis: Kahalagahan ng Maagang Pagtuklas


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement