backup og meta

Maaari Bang Makuha ang COVID-19 mula sa Sasakyan?

Maaari Bang Makuha ang COVID-19 mula sa Sasakyan?

Ngayong unti-unti na nating binubuksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubukas ng iba’t ibang mga kalakal, tumataas din ang pangangailangan para sa pampublikong sasakyan. Paunti-unti, pinayagan na rin sa wakas ng pamahalaan ang mga bus, tren, at dyip na magsakay ng mga pasahero. Para sa mataong lugar tulad ng Metro Manila, mapanghamon ang maging ligtas sa pagsakay. Ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID mula sa sasakyan?

Ang Minimum Health Standards ng DOH sa Public Transport

Upang mapabagal ang pagkalat ng coronavirus sa pampublikong transportasyon, naglabas ang DOH ng Minimum Health Standards. Sa standard na ito, pinapayuhan ng DOH ang publiko na:

  • Iwasang magkaroon ng contact sa maaaring kontaminadong mga lugar. Hangga’t maaari, gumamit ng tissue paper sa paghawak ng mga bagay habang sumasakay sa pampublikong sasakyan.
  • Madalas na maglinis ng mga kamay gamit ang 70% alcohol lalo na matapos humawak sa mga surface sa loob ng sasakyan.
  • Magsuot ng face mask na natatakpan nang mabuti ang ilong at baba sa lahat ng oras. Magsuot din ng face shield at iwasang hawakan ang mukha o ayusin ang mask.
  • Gumamit ng disposable tissue paper kapag umuubo o bumabahing.

Dagdag pa, inulit ng Department of Health ang kahalagahan ng paghahanda upang maiwasan ang pagkalat ng COVID mula sa sasakyan. 

  • Huwag sumakay ng pampublikong mga sasakyan kapag rush hour kung kailan dagsa ang mga biyahero.
  • Huwag bumiyahe kung masama ang pakiramdam. Kung balak mong magpunta sa ospital, bumiyahe sa oras na kaunti lamang ang bumibiyahe.
  • Panatilihin ang ligtas na distansya mula sa iba pang pasahero.
  • Upang mabawasan ang contact, mag-load ng travel cards o magbayad gamit ang inyong credit card o mobile app.

Isang mahalagang dapat tandaan ay mayroong minimum  health standards. Sa ibang salita, maaari mong dagdagan ang mga pag-iingat na ito upang mapababa ang panganib na mahawa ng sakit na covid mula sa sasakyan.

Mga Gabay Upang Maiwasan ang Pagkalat ng COVID mula sa Sasakyan

Nasa bus ka man, dyip, o traysikel, kailangang masunod ang mga bagay sa ligtas na paglalakbay. Upang maiwasang mahawa ng COVID mula sa sasakyan, maaari mong gawin ang mga sumusunod na hakbang.

Ihanda ang Mahahalagang Gamit

Bago umalis ng bahay, ihanda na ang mahahalagang gamit. Tiyaking mayroon ka na ng mga sumusunod na gamit sa loob ng iyong bag.

  • Alcohol, sakaling walang sabong panghugas ng kamay at tubig
  • Disposable tissue paper, para sa disinfection at maliit na lalagyan na may takip o selyadong bag na tapunan sa loob ng bag sakaling walang tapunan.

Dagdag pa, huwag kalimutang magsuot ng face mask o cloth face covering.Gayunpaman, tandaan ang mga sumusunod na mga paalala:

  • Ang mga batang mas bata pa sa 2 taong gulang ay hindi dapat magsuot ng face mask o cloth face covering
  • Hindi ka dapat magsuot nito kung nahihirapan kang huminga
  • Ang taong may kapansanan na hindi kayang tanggalin ang sariling mask nang walang tulong mula sa iba ay hindi dapat magsuot ng mask
  • Mga may edad 60 pataas, at ang mga may matinding karamdaman ay kailangang magsuot ng medical mask imbis na cloth mask.
  • Dapat na natatakpan ng iyong mask ang ilong at baba sa lahat ng pagkakataon. Hindi dapat nabaluktot ang loop sa tenga.
  • Maglinis ng mga kamay bago maglagay o magtanggal ng mask. Huwag kalimutang linisin ang mga kamay matapos humawak sa mask.
  • Kailangang labhan ang cloth mask araw-araw. Dapat nang palitan ang surgical mask kapag nasira o marumi na.

Inspeksyunin Muna ang Sasakyan Bago Sumakay

Kung ayaw mong mahawa ng COVID mula sa sasakyan, tingnan mo muna ang espasyo at bentilasyon ng sasakyan. Maraming mga pagkakataon na parehong nagsasabing ang kakulangan sa tamang bentilasyon sa mga kulob na lugar ay nakaaambag sa pagdami ng hawahan.

Upang maging ligtas, tingnan muna ang sasakyan bago sumakay. Mas malaki ba ang espasyo nito? Maayos ba ang ikot ng hangin? Kung hindi, puwede kang sumakay na lang sa iba.

Gawin ang Physical Distancing

Maaaring mahirap ang pagsasagawa ng physical distancing sa klase ng pampublikong transportasyon na mayroon tayo, lalo na sa Metro Manila. Gayunman, napakahalaga nito upang mabawasan ang panganib ng hawahan ng COVID mula sa sasakyan.

Ang inirerekomendang distansyang dapat panatilihin ay 6 na talampakan o 2 metro. Tandaang mahalaga ang physical distancing sa lahat ng pagkakataon, at hindi lamang sa loob ng sasakyan.

Maaari mo ding gawin ang mga karagdagang mga pag-iingat:

  • Lumagpas ng ilang upuan. Karamihan sa mga dyip at bus ay naglagay ng marka sa kung saan tamang umupo upang matiyak ang physical distancing. Kung hindi pa puno ang sasakyan, subukang umupo na malayo sa isa pang pasahero. Halimbawa, kung pinalalagtaw ka ng marka sa upuan, subukang lumagtaw ng dalawa o tatlong upuan. Tatagal lamang ang dagdag na distansya hanggang sa mapuno ang sasakyan. Pero, may maitutulong pa rin ito.
  • Bantayan ang mga senyales. Dahil mahalaga ang distansya upang maiwasan ang pagkalat ng COVID mula sa sasakyan, nagsagawa ang ilang kompanya at terminal ng mga sasakyan ng sarili nilang mga alituntunin. Upang maiwasan ang problema at makatipid sa oras, alamin ang mga alituntuning ito at makinig sa mga awtoridad.
  • Palaging umiwas sa mga tao. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paglayo sa matataong lugar habang naghihintay ng masasakyan. Bukod dyan, sundin ang pasukan at labasan upang maiwasan ang banggaan ng mga tao na nagmumula sa magkaibang direksiyon. 

Iwasang humawak sa mga Surface, at Iba Pang  mga Bagay nang Hindi Kinakailangan

Maaari kang mahawa ng COVID mula sa sasakyan sa pamamagitan ng paghawak sa mga surface gaya ng mga gabay (handrails) at ticketing machine.

Bagaman imposibleng hindi humawak sa anumang bagay o surface kapag bumibiyahe, subukang bawasan ito hangga’t maaari.

Panghuli, huwag kalimutang agad na mag-disinfect ng mga kamay matapos humawak saan man.

Gawin ang Paglilinis ng Kamay at Respiratory Etiquette

Nasaan ka man, palaging maglinis ng mga kamay at gawin ang respiratory etiquette.Hugasan ang kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo. Kung hindi ito posible, gumamit ng sanitizers na may hindi bababa sa 60% alcohol.

Upang maiwasang mahawa ng COVID mula sa sasakyan, huwag ding kalimutan ang basic respiratory etiquette. Kabilang dito ang pagtatakip ng ilong at bibig gamit ang disposable tissue kapag umuubo o bumabahing.

Sa Paghawak ng Pera

Bagaman nagiging sikat na ang cashless payment, marami pa ring gumagamit ng perang papel at barya. Halimbawa, ang mga tradisyonal na mga sasakyan gaya ng dyip, bus, at traysikel ay walang cashless options.

Upang maiwasan ang hindi kinakailangang paghawak ng pera, palaging maghanda ng eksaktong halaga para sa iyong pamasahe.

Kung humawak ka ng pera, i-sanitize ang iyong mga kamay agad-agad.

Mahalagang Paalala – Huwag Hawakan ang Iyong Mukha

Bagaman maaari kang makakuha ng COVID mula sa sasakyan sa pamamagitan ng physical contact, hindi ka agad mahahawa nito.

Sinasabi ng mga eksperto na hindi problema kung mapunta sa mga kamay mo ang virus. Ang problema ay kapag napunta sa mukha mo ang virus, lalo na sa mata, ilong at bibig.

Dahil dito, bantayan ang iyong mukha. Huwag humawak sa ilong, bibig, at mga mata nang hindi nalilinis nang mabuti ang iyong mga kamay.

Ang pagsunod sa mga hakbang na ito ay makatutulong upang mapababa ang panganib ng pagkalat at pagkakahawa ng COVID mula sa sasakyan o habang bumibiyahe.

Ang basic pa rin ang pangunahing mga hakbang – physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, at madalas na paghuhugas ng mga kamay.

Matuto pa tungkol sa COVID-19 dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

http://www.covid19.gov.ph/covid-19-faqs/
Accessed June 26, 2020

Protect Yourself When Using Transportation
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/daily-life-coping/using-transportation.html
Accessed June 26, 2020

Considerations for infection prevention and control measures on public transport in the context of COVID-19
https://www.ecdc.europa.eu/en/publications-data/covid-19-prevention-and-control-measures-public-transport
Accessed June 26, 2020

How to Safely Travel on Mass Transit During Coronavirus
https://www.bloomberg.com/news/articles/2020-05-27/trains-planes-and-buses-how-to-avoid-coronavirus
Accessed June 26, 2020

PUBLIC TRANSPORT AND COVID-19
https://www.uitp.org/public-transport-and-covid-19
Accessed June 26, 2020

COVID-19 Best Practice Information: Public Transportation Distancing
https://www.fema.gov/media-library-data/1588970613487-4fc5e1a2ded7dc08b061c84f3ab63536/2020_05_07_COVID_BP_PublicTransportation_F.pdf
Accessed June 26, 2020

Can going cashless prevent coronavirus spread? Here’s what the WHO wants you to know
https://www.cnbc.com/2020/03/06/what-you-need-to-know-about-handling-cash-amid-coronavirus-spread-who.html
Accessed June 26, 2020

Kasalukuyang Version

08/09/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ika Villanueva Caperonce, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Mga Lunas Sa Ubo Na Maaaring Gawin Sa Bahay

Ano Ang Totoong Death Rate Ng COVID-19?


Narebyung medikal ni

Ika Villanueva Caperonce, MD

Infectious Disease · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement