backup og meta

Mga Hakbang sa Pag-iwas sa Dengue

Mga Hakbang sa Pag-iwas sa Dengue

Sa kabila ng limitadong supply ng tubig sa gitna ng summer season, ipinaala ng health authorities ang tamang pag-iimbak ng tubig. Ito ay para makaiwas sa dengue sa dahilan ng pagtaas ng kaso nito sa bansa. Nitong linggo, sinabi ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire na ang kakulangan ng tubig ang karaniwang sanhi ng pagdami ng kaso ng dengue. Ito ay dahil sa pag-iimbak ng tubig sa mga hindi nakatakip na mga lalagyan tulad ng balde, at palanggana. Ipinaliwanag pa ni Vergeire na ang mga lamok na may dalang dengue ay gustong magparami sa stagnant water, na karaniwan ay sa mga lalagyan ng tubig sa bahay. Hinimok niya ang publiko na na takpan ang mga water container at regular na maglinis ng paligid upang maiwasan ang pagdami ng lamok. Gayundin, ang pinakamabisang paraan upang pigilan ang pagkalat ng dengue ay ang pagsira sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na may dalang virus.

 Nakapagtala ang DOH ng 27,670 dengue cases mula Jan. 1 hanggang March 18 ngayong taon. Ayon pa sa DOH, sa kasalukuyan ay wala pang lunas ang dengue, ngunit ito ay maaaring mapangasiwaan nang maaga. 

Ano ang maaaring gawing pag-iwas sa dengue? Alamin dito.

Ano ang Dengue Fever?

Ang dengue fever ay isang viral na sakit na makukuha mula sa kagat ng lamok na may dala ng isa sa apat na uri ng dengue virus (DENV). Karaniwan ang virus na ito sa mga tropical at subtropical regions, kasama na ang Central, South America, Africa, bahagi ng Asya at Pacific Islands.

Ang virus ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes. Pinaka-aktibo sa araw ang mga lamok na ito. Matatagpuan ang mga ito malapit sa mga tirahan ng tao, kadalasan ay sa loob ng bahay. Humigit-kumulang kalahati ng populasyon ng mundo ang nasa panganib ng dengue fever. Dahil dito pinakamahalagang alamin kung paano ang pag-iwas sa dengue, lalo na at sa kasalukuyan ay wala pa itong gamot

Mga Sintomas ng Dengue Fever

Nagdudulot ng matinding pananakit na parang trangkaso ang dengue fever. Ito ay maaaring tumatagal ng 3 hanggang 7 araw. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Rashes  
  • Matinding Pananakit sa likod ng iyong mga mata
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Pananakit ng mga muscle, buto at mga kasukasuan

Pag-iwas sa Dengue Fever: Matinding Warning Signs 

Ang mga taong na-infect sa pangalawang pagkakataon na may ibang bersyon ng DENV, ay may mas mataas na tyansa ng malalang dengue. Ang malalang sintomas nito ay kadalasang lumalabas pagkatapos mawala ang lagnat:

  • Pananakit ng Tiyan
  • Dumadalas ang pagsusuka
  • Pagsuka ng dugo o pagdumi na may dugo
  • Pagdurugo ng ilong at gilagid
  • Matinding pagod, pagkabalisa o pagkayamot
  • Matinding pagkauhaw
  • Maputla at malamig na balat

Kung ikaw ay bumibisita sa lugar na karaniwan ang dengue, agad na humingi ng atensyong medikal kung nakakaranas ng warning signs ng matinding dengue.

Diagnosis at Paggamot

Ang diagnosis ng dengue fever ay sa pamamagitan ng blood test. Upang malaman kung infected ka ng virus, ang healthcare provider ay kukuha ng sample ng iyong dugo sa iyong ugat. Ipadadala ito sa lab para sa senyales ng dengue virus. Maaaring malaman din kung alin sa apat na bersyon nito ang meron ka. 

Sa kasalukuyan, walang gamot para sa dengue. Maaaring magbigay ang doktor ng mga rekomendasyon upang mapamahalaan ang mga sintomas mo. At kung kailan ka dapat pumunta sa ER. Ano ang mga dapat  gawin na pag-iwas sa dengue?

Mga Hakbang sa Pag-iwas sa Dengue

Bukod sa regular na paglilinis ng paligid ng iyong bahay, ang mga sumusunod ay mainam na mga hakbang sa pag-iwas sa dengue:

  • gumamit ng kulambo kapag natutulog, mainam din na mag-spray ng insect repellent sa kulambo
  • lagyan ng screen ang mga bintana
  • gumamit ng mosquito repellents (na may DEET, Picaridin o IR3535) sa balat at sa mga damit
  • mainam din ang paggamit ng coils at vaporizers

Kung nagka-dengue ka, mahalagang:

  • magpahinga
  • uminom ng maraming fluid
  • uminom ng acetaminophen (paracetamol) para sa pananakit
  • iwasan ang mga non-steroidal na anti-inflammatory na gamot, tulad ng ibuprofen at aspirin
  • bantayan ang mga malalang sintomas at makipag-ugnayan sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung may mapansin ka

Sa ngayon ang bakuna na (Dengvaxia) ang naaprubahan at lisensyado sa ilang bansa. Gayunpaman, tanging ang mga taong may ebidensya ng nakaraang impeksyon sa dengue ang maaaring protektahan ng bakunang ito. Nasa ilalim pa ng ilang pagsusuri ang ilang karagdagang kandidato sa bakuna sa dengue.

Key Takeaways

Ang dengue fever ay naikakalat sa pamamagitan ng kagat ng mga lamok na may dengue. Ang mga lamok na ito ay aktibo sa araw. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang gamot para sa dengue, ngunit ito at maaaring pamahalaan o i-manage sa maagap na pagtuklas. Ang pangunahing sintomas ng dengue ay pananakit na tulad ng trangkaso. Dahil dito, ang karaniwang lunas ay bed rest at pag-inom ng fluids. Gayumpaman, mahalagang makipag-ugnayan sa iyong doktor sa sandaling mapansin ang warning signs ng dengue fever. Pinakamainam din na sundin ang mga paraan sa pag-iwas sa dengue tulad ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran, paggamit ng mosquito repellents sa balat at sa mga damit, paglalagay ng takip sa mga inimbak na tubig, ay pag-iingat na makagat ng lamok.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dengue fever. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dengue-fever/diagnosis-treatment/drc-20353084

Accessed. 17 Mar. 2023.

Dengue Fever.  https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17753-dengue-fever

Accessed. 17 Mar. 2023.

Dengue Fever. https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/dengue-fever

Accessed. 17 Mar. 2023.

Dengue and severe dengue. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue, Accessed. 17 Mar. 2023.

Store water, avoid dengue, DOH urges public. https://newsinfo.inquirer.net/1757178/store-water-avoid-dengue-doh-urges-public  Accessed. 17 Mar. 2023.

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sakit Sa Tag-ulan: Mga Kaalaman Sa Dengue At Leptospirosis

Alamin: Gamot Sa Dengue Shock Syndrome


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement