Ang dengue bilang isa sa pinaka laganap na mosquito-borne infections na kilala sa mga tao, natural lamang na mayroong ilang maling paniniwala tungkol sa pagpapatuloy ng impeksyon.
Kumakalat ang dengue kung ang tao ay nakagat ng isang infected mosquito, kadalasan na mula sa species ng Aedes. Bilang karaniwan ang impeksyon sa higit isang daang bansa sa buong mundo, na nasa tatlong bilyong tao ang may banta nito. Madali lamang na isipin kung bakit nagkakaroon ng mga maling paniniwala tungkol sa impeksyon.
Narito ang ilan sa mga maling paniniwala sa dengue at katotohanan:
Maling paniniwala sa dengue
Maling Paniniwala #1: Maaari kang ma-infect ng dengue ng kahit na anong lamok
Walang katotohanan. Maaaring maipasa lamang ang dengue sa pamamagitan ng pagkagat ng babaeng lamok na kasama sa Aedes aegypti o Aedes albopictus species. Ang Aedes species ay responsable rin sa pagpapakalat ng yellow fever, zika virus, at ng chikungunya virus.
Kung ang isang tao ay infected na ng dengue virus at kinagat sila ng lamok, madadala na ng lamok ang virus. Matapos ang ilang linggo, ang parehong lamok ay maaaring maipasa ang sakit sa pamamagitan ng pagkagat sa malusog na tao o hindi infected na tao.
Ang Aedes aegypti na species ay mas laganap. Maliban sa kanilang katangian, puting markings sa hita, ang species na ito ay daytime feeder, na ang ibig sabihin ay ang mga ito ay karaniwang gising sa umaga at bago maggabi. Ang mga taong lumalabas lamang sa gabi, kahit na sa mga lugar na tradisyonal na mapanganib, ay hindi gaanong maiimpeksyon ng dengue.
Maling Paniniwala #2: Ang dahon ng papaya ay gamot sa dengue
Walang katotohanan: Ang papaya leaf extract ay hindi gamot para sa dengue. Base sa scientific investigation, maaaring makatulong ang papaya leaf extract sa pagsusulong ng produksyon ng platelet. Gayunpaman, ang bilang ng platelet ay hindi lamang alalahanin kung ang usapin ay dengue at hindi lahat ng pasyente ay maaaring maranasan ang pagbaba ng platelet.
Kasalukuyang walang lunas para sa dengue at ang treatment ay ang maiging pag-monitor para sa komplikasyon at mga babalang senyales. Bagaman nagkaroon ng bakuna para sa dengue, ang ibang preventive measures tulad ng vector control at ang protective clothing ay ilan sa mga mainam na paraan upang maiwasan ang dengue.
Maling Paniniwala #3: Ang pagkakaroon ng mababang bilang ng platelet ay nangangahulugan na ikaw ay may Dengue
Walang katotohanan. Ang pagkakaroon ng mababang bilang ng platelet ay minsang epekto ng pagkakaroon ng dengue ngunit hindi siguradong indikasyon. Hindi lahat ng pasyenteng may dengue ay makararanas ng pagbaba ng kanilang platelet. Habang hindi lahat ng pasyente na may mababang bilang ng platelet ay may dengue.
Mayroong ibang rason bakit ang ating bilang ng platelet ay bumababa. Maaaring magpababa ng platelet ang ibang viral infections, bilang bahagi ng immune response. Maging ang mga tiyak na pagkain at inumin na naglalaman ng cranberry juice o alcohol ay kilalang nagpapababa ng bilang ng platelet. Ang mga pasyenteng may cancer at ang mga taong may anemia ay maaari ding makaranas ng pagbaba ng lebel ng platelet. Maging ito man ay dahil sa kanilang kondisyon o ibang mga gamot.
Maling Paniniwala #4: Isang beses ka lamang maaaring magkaroon ng Dengue
Walang katotohanan. Ang dengue virus ay may apat na serotypes. Maaari kang ma-infect ng isang serotype ng isang beses at maging immune rito, ngunit hindi ng ibang serotypes. Ang dengue serotypes ay kinilala bilang DEN-1, DEN-2, DEN-3, at DEN-4.
Maling Paniniwala #5: Hindi malala ang Dengue
Walang katotohanan. Ang pagiging malala ng sintomas ng dengue fever ay nakadepende sa immune system ng pasyente at ang impact ng dengue sa katawan ng isang tao. Maaaring mild ang dengue fever sa katawan ng isang tao, lalo na kung ito ay unang impeksyon. Gayunpaman, maraming secondary dengue infections na mas malala at kinakailangan na maospital.
Maling Paniniwala #6: Tina-target lamang ng Dengue ang mga bata at matanda
Walang katotohanan. Kahit na anong edad ay maaaring magkaroon ng dengue.
Maging ikaw man ay may banta nito depende sa lugar na nakikita mong endemic ng Aedes na lamok. Halimbawa, ang dengue ay mas madalas sa tropical regions tulad ng Asya at Latin Amerika na mga bansa.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Infectious Disease rito.