Zia Dantes vaccine – ang anak ng Primetime Queen at King may panlaban na sa COVID-19 at ready to school na! Buong puso ipinagmalaki ni Dingdong Dantes na ang social media darling na si Zia Dantes ay fully vaccinated na. Ayon na rin sa interbyu ni Marian Rivera sa GMA Network, excited na sa face to face class si Zia kaya naman pinabakunahan na nila ito. Bilang preparasyon na rin sa pag-aaral ni Zia sa hinaharap.
Basahin ang artikulong ito para sa iba pang mahahalagang detalye.
Zia Dantes Vaccine: Paano Ang Proseso Ng Pagpapabakuna
Ayon kay Dingdong Dantes umaaasa siya na makakabalik na rin sa normal ang lahat. Pagkatapos ng two-year long pandemic.
Isinagawa ang pagbabakuna kay Zia Dantes sa pamamagitan ng drive thru. Ang pamilyang Dantes ay hinikayat na mag-car-pooling para ma-manage ang trapik at para malimitahan ang number ng mga sasakyan sa vaccination site. Nabakunahan si Zia Dantes sa Pediatrico Clinic sa Muntinlupa, City Alabang.
Dagdag pa ni Dingdong, kagaya ng first vaccine ni Zia. Marami pa ring pakulo ang vaccination site, may pa-pizza, balloon at mascot! Kaya naman, good job ito para kay Dingdong.
Zia Dantes Vaccine: Kumusta Ang Experience?
Ayon sa Primetime King – isang regular fun playday ang experience nila sa pagpapabakuna ng anak. Masaya si Dingdong Dantes na unti-unting nakaka-recover ang nation.
Kaugnay sa pahayag ni Dindong Dantes, dahil nagkakaroon na ng paunti-unti pagluwag sa mga protocol sa Pilipinas. Masasabi na maaari na ring i-expose ang mga anak sa mundo ng paunti-unti.
Zia Dantes Vaccine: Bakit Importante Na Bakunahan Ang Anak?
Dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases at pagbaba ng Alert level sa bawat lugar sa Pilipinas. Napakalaki nang tyansa na magkaroon na ng face to face class. Bagay na gustong-gusto ni Zia. Ang pagbabakuna ng bata ay isang paraan upang maproteksyonan sila sa virus habang nag-aaral. Kaya naman hindi dapat ito isawalang-bahala ng magulang.
Dagdag pa ni Dingdong Dantes, bilang ama mahalaga sa kanya na magkaroon ng mas malalim na pag-intindi ang mga anak niya sa nangyayari sa paligid.
Binigyaang-diin niya na ang simpleng paglalaro at pag-iikot sa mga lugar ay napakahalaga. Mainam na marami silang makita, makausap, matanong at maramdaman. Kaya mahalaga ang exposure sa mundo.
Ilang Taon Ang Maaring Bakunahan?
Zia Dantes Vaccine – nabakunahan ang bata dahil 6 na taon na ito. Paghahanda na rin para sa face to face class. Ayon na rin sa Department of Health – ang 5 taong gulang na bata ay maaari na bakunahan para sa COVID-19.
Ano Ang Maaaring Side Effects Ng Bakuna Sa Bata?
Tulad ng mga karaniwang side effects sa mga matatanda ng bakuna. Maaari rin itong maranasan ng mga bata.
Narito ang mga side effects na maaaring maranasan ng bata sa oras na sila ay mabakunahan:
- Lagnat
- Namumulang braso
- Pagkapagod
- Pananakit ng ulo
- Pagsakit ng mga muscle
- Pagkaginaw
Inirerekomenda ng Department of Health na dapat magpahinga ang isang batang nabakunahan. Para makabawi ng lakas at maging mas mabilis ang paggaling.
Dapat Dalhin Kapag Babakunahan Ang Anak
Kinakailangan ang mga sumusunod na documents kung nais mong bakunahan ang iyong anak laban sa banta ng COVID-19.
Narito ang mga sumusunod na kailangan sa pagpapabakuna ng anak:
- Pahintulot ng magulang o guardian (consent requirements)
- I.D ng pagkakakilanlan
- Appointment text o message
Key Takeaways
Matagal na panahon na nakulong sa loob ng bawat tahanan ang mga bata. Kaya napakalaking bagay kung magkakaroon na ng face to face class sa hinaharap. Malaki ang maitutulong nito para sa kalusugan ng mga bata. Ang pagkakaroon ng exposure sa labas ng bahay ay nakatutulong sa paghubog ng kanilang pagkatao.
Kaya naman lubos na hinihikayat ng Department of Health na pabakunahan na ang mga bata. Nang sagayon ay magkaroon sila ng proteksyon habang nag-aaral sa labas. Sinuportahan naman ito ng Department of Education dahil hindi maaaring papasukin ang mga bata sa paaralan na wala pang bakuna.