Park Seo Joon COVID-19 positive – hindi nakaligtas ang Korean Actor at star ng sikat na Korean Drama Series na “Itaewon Class” sa banta ng COVID-19.
Pebrero 24, kinumpirma ng Awesome ENT na si Park Seo Joon ay positibo sa virus matapos ang recent test.
Ayon sa ahensya ni Park Seo Joon, consistent na sumasailalim ang aktor para sa mga pagsusuri sa COVID-19 gamit ang self-diagnosis kit bag bago pumunta sa kanyang mga iskedyul. At noong nakaraang linggo, bago siya magpunta sa kanyang trabaho ay nagpositibo siya gamit ang self-diagnosis kit.
Park Seo Joon Covid: Kailan Ito Nakumpirma ng Test?
Kinumpirma rin ng PCR Test, na si Park Seo Joon na positibo siya sa COVID-19 noong Pebrero 19.
Park Seo Joon Covid: Ano na Ang Status ng Aktor?
Sa ngayon si Park Seo Joon ang latest Korean celebrity na-diagnosed ng COVID-19 kasabay ng surge ng Covid cases sa South Korea. Kung saan nasa 171, 452 na ang new cases noong Pebrero 23. Kaugnay nito, nasa 2.32 milyon na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng Covid-19.
Binigyang-diin din ng Awesome ENT na kumpketo sa 3 doses ng COVID-19 vaccine ng aktor kasama ang booster shot.
Sa kasalukuyan, bagama’t si Park Seo Joon, COVID-19 positive ay hindi ito nakararanas ng major symptoms.
Park Seo Joon Covid: Kailan Matatapos Ang Kanyang Quarantine?
Binanggit ng kanyang ahensya na mare-release siya mula sa quarantine sa Pebrero 25, Biyernes. Kaya naman hinihikayat ang fans na huwag na mag-alala para sa aktor.
Park Seo Joon Covid: Kasama sa Bilang ng Surge sa South Korea
Hindi maitatanggi ang surge ng COVID-19 cases sa South Korea. Kaya hindi nakapagtataka kung naging laman ng mga balita ang pagpopositibo ng mga Korean Actor at Actress – tulad ni Park Seo Joon.
Dahil sa surge sa bansa, ang South Korea’s prime minister ay nanawagan na para sa pagkalma ng mga tao.
Ayon sa kasalukuyang datos, ang serious at death cases ay nasa “manageable levels” pa rin. Sinasabi din sa mga report ng health authorities na nasa 171, 452 ang new cases noong Miyerkules, Pebrero 23. At makikita na ‘di hamak na mas mataas ito kung ikukumpara sa mga nakaraan tally ng COVID-19 cases bawat araw. Tinatawag itong sharp increase mula sa 99, 573 cases bawat araw at sa previous all-time high na kaso na umabot sa 109, 831.
Paano Malalaban Ang Surge ng COVID-19 sa Isang Bansa?
Isa sa mga dahilan ng surge sa South Korea ang mabilis na transmission ng Omicron variant. Sa ngayon ito ang dominanteng variant na dahilan ng pagkakasakit ng mga tao sa South Korea.
Kapag tinamaan ka ng variant na ito, maaaring hindi ka mawalan ng panlasa. Kaya maaaring maganap dito ang late detection ng virus. Sapagkat maaaring wala kang sintomas na mararamdaman. At kaugnay nito, dahil wala kang sintomas na naramdaman. Maaaring humantong pa ito sa paghawa mo sa isang tao na hindi mo man lang namamalayan.
Kaya ang tanong, paano malalaban ang surge sa isang bansa? Kung ganitong virus o variant ang haharapin.
Narito ang mga hakbang na maaaring gawin. Para maiwasan na rin ang pagkakahawa-hawa ng mga tao at artista, tulad ni Park Seo Joon, covid positive.
- Simpleng paghuhugas ng kamay
- Pag-iwas sa paghawak ng sariling mata, ilong at bibig
- Ugaliing takpan ang iyong bibig para sa pag-ubo at bahing
- Sundin ang social distancing
- Umiwas muna sa matataong lugar
- Huwag masyadong makisalumuha sa mga taong may lagnat at ubo
- Mag-stay sa sariling bahay kung may hindi magandang nararamdaman
- Kung may nararamdamang sakit – magpakonsulta subalit tumawag muna sa health facility
- Alamin ang mga impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Mapapansin sa mga hakbang na maaaring gawin para malaban ang surge ay tungkol sa pangangalaga sa sarili. Dahil ang simpleng pagprotekta sa sarili ay makatutulong para mapabagal ang transmission ng virus. Matutulungan din nito na makaiwas ka sakit at maprotekhan ang iyong mga mahal sa buhay.
Ang pag-quarantine ni Park Seo Joon ay malaking tulong din para mapabagal ang surge sa South Korea.
Key Takeaways
Dalawang taon na ang nakalilipas simula na magsimula ang pandemya dahil sa COVID-19. Ang pagkakasakit ng mga artista tulad ni Park Seo Joon ay tanda na kahit sino maaaring mapinsala nito. Kaya naman ibayong pag-iingat at pagsunod sa protocols ang dapat gawin. Sa oras na makaramdam ng mga sintomas, mainam na ipagbigay-alam ito sa’yong doktor.
Larawan mula sa Instagram