backup og meta

Study: Mixing COVID Vaccines, May Positibong Resulta

Study: Mixing COVID Vaccines, May Positibong Resulta

Mixing COVID vaccines — ito’y kasalukuyang sinusuri ng mga scientists at doktor simula pa noong unang na-develop ang mga COVID-19 vaccines. At base sa mga unang pagsusuri ng isang study, maaaring safe at epektibong method ng pagpapabakuna ang pag-mix ng COVID vaccines.

Ang Pag-Mix ng COVID Vaccines ay Posible, Ayon sa Isang Pagsusuri

Ang study, na kilala rin sa tawag na CombivacS, ay kasalukuyang isinasagawa sa Spain sa suporta ng Carloss III Health Institute. Ang layunin ng mga researcher ay malaman kung ang bilang ng COVID-19 antibodies ba ay dadami kung ang isang pasyente ay tatanggap ng magkaibang bakuna para sa kanilang first at second dose.

Isa sa mga rason ng pag-aaral ay para ma-address ang isyu ng blood clots sa mga nakaka-receive ng AstraZeneca vaccine na hindi na nakakuha ng second dose dahil sa side effect na ito. At ang pag-mix ng COVID vaccines ay maaaring solusyon sa problemang ito.

Tinatayang 600 na pasyente ang nakilahok sa research study. At ang 600 na ito ay pinaghati sa dalawang grupo ng mga researcher1.

Ang unang grupo, na may 400 participants, ay nakatanggap ng first dose ng AstraZeneca vaccine. Ang second group naman, na may 200 na participant, ay ang tinatawag na control group, at wala silang na-receive na kahit anong bakuna.

Binigyan ng researchers yung first group ng second dose ng Pfizer vaccine, at imomonitor nila ang COVID-19 antibodies nila sa loob ng isang taon.

Kahit na hindi pa published and resulta ng study, ang mga paunang resulta ay promising. Ang antibodies ng mga nabakunahan ng Pfizer vaccine ay tumaas, mas mataas pa sa mga nakatanggap rin ng AstraZeneca para sa kanilang second dose.

Ayon kay Jesus Antonio Frias, isang clinical director sa Carlos III Health Institute2:

“Today’s results support the possibility of vaccinating patients who have received the first dose from AstraZeneca, but the decision is not up to the investigators of this study.”

Umaasa ang mga researchers na mas marami pang positibong resulta habang tumatagal ang study.

Pag-Mix ng COVID Vaccines: May Iba pa bang Studies Tungkol Dito?

Hindi lamang ang CombivacS study ang naglayong alamin kung safe ba ang pag-mix ng COVID vaccines.

May isa pang study, ang Com-COV, na sumuri sa posibleng paggamit ng AstraZeneca at Pfizer vaccines.

Ayon sa mga researcher, ang early findings nila ay nagpakita na ang patients na tumanggap ng combination vaccine ay nagkaroon ng mild to moderate reactions3 kumpara doon sa nakatanggap ng parehong type of vaccine para sa kanilang first at second dose.

Sinabi ni Matthew Snape, Associate Professor in Pediatrics and Vaccinology sa University of Oxford and Chief Investigator for the study, na:

“Whilst this is a secondary part of what we are trying to explore through these studies, it is important that we inform people about these data, especially as these mixed-doses schedules are being considered in several countries. The results from this study suggest that mixed dose schedules could result in an increase in work absences the day after immunization, and this is important to consider when planning immunisation of health care workers.

‘Importantly, there are no safety concerns or signals, and this does not tell us if the immune response will be affected. We hope to report these data in the coming months. In the meantime, we have adapted the ongoing study to assess whether early and regular use of paracetamol reduces the frequency of these reactions.”

Sa ngayon, hindi pa nire-release ng mga researchers ang kanilang findings ukol sa effectiveness ng pag-mix ng COVID vaccines.

Pag-Mix ng COVID Vaccines: Bakit nga ba Ito Kailangan?

Isa sa pinakamalaking rason kung bakit inaaral ng mga scientists at doktor ang pag-mix ng COVID vaccines ay para sa flexibility4.

Sa Pilipinas, hindi pa rin sapat ang supply ng bakuna. Ibig sabihin nito, maaaring makakuha ng first dose at mag-antay nang matagal para sa second dose. At sa kanilang pag-aantay, at risk silang magka-COVID.

Ang pag-mix ng COVID vaccines ay maaaring makatulong para mabakunahan na agad ang karamihan kapag may available na na vaccine. Kaya kahit na may problema sa vaccine supply, yaong mga nag-aantay ng second dose ay maaari nang mabakunahan gamit ang kahit anong vaccine na available.

May posibilidad rin na ang pag-mix ng COVID vaccines ay makapag-improve ng effectiveness nila. Subalit, ito’y kasalukuyan pang pinag-aaralan ng mga eksperto at kailangan pa nating mag-antay bago nila ma-establish ang mga resulta ng kanilang pagsusuri.

Alamin ang latest news and updates sa COVID-19 dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. CombivacS « EpidemiXs Studies, https://studies.epidemixs.org/en/proyecto/covid-study-vaccine-dose/, Accessed May 20, 2021
  2. Spanish study finds AstraZeneca vaccine followed by Pfizer dose is safe and effective | Reuters, https://www.reuters.com/business/healthcare-pharmaceuticals/spanish-study-finds-astrazeneca-vaccine-followed-by-pfizer-dose-is-safe-2021-05-18/, Accessed May 20, 2021
  3. Preliminary data suggests mixing Covid-19 vaccine increases reactogenicity | University of Oxford, https://www.ox.ac.uk/news/2021-05-13-preliminary-data-suggests-mixing-covid-19-vaccine-increases-reactogenicity, Accessed May 20, 2021
  4. Should you mix and match COVID-19 vaccines? Scientists are seeking answers | Science | AAAS, https://www.sciencemag.org/news/2021/02/should-you-mix-and-match-covid-19-vaccines-scientists-are-seeking-answers, Accessed May 20, 2021
  5. After dosing mix-up, latest COVID-19 vaccine success comes with big question mark | Science | AAAS, https://www.sciencemag.org/news/2020/11/after-dosing-mix-latest-covid-19-vaccine-success-comes-big-question-mark, Accessed May 20, 2021

Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Sinuri ang mga impormasyon ni Kristel Dacumos-Lagorza

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pneumococcal Vaccine Philippines: Sino ang Dapat Kumuha ng Bakunang Ito?

Mabisa Ba Ang Flu Vaccine Sa COVID? Heto Ang Dapat Mong Malaman


Sinuri ang mga impormasyon ni

Kristel Dacumos-Lagorza


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement