backup og meta

Mabisa ba ang Virgin Coconut Oil para sa COVID-19?

Mabisa ba ang Virgin Coconut Oil para sa COVID-19?

Ang virgin coconut oil o VCO ay pangmalakasan sa kalusugan, diet, at pampaganda. 

Ito ay tanyag sa mga nagke-keto diet at vegan. Ito ay naglalaman ng mga malulusog na fats, pagpigil sa gana kumain, at nagbibigay ng labis na enerhiya. Ang VCO ay wala ring anumang produkto mula sa hayop. Ang gamit ng VCO ay hindi lamang sa pagkain. Ito rin ay bilang gamot sa pagpapanumbalik ng kinain sa tuyong balat at buhok. 

Kahanga-hanga ang pagiging epektibo nito sa natural na paraan, pinag-aralan din ang paggamit ng VCO para sa COVID-19.

VCO para sa covid

Maaasahang Pananaliksik sa VCO 

Bago pa man dumating ang COVID, maraming pag-aaral ang ginagawa gamit ang VCO. Ito ay upang malaman ang mga bahagi at epekto nito sa katawan. 

Ang VCO ay naglalaman ng lauric acid. Ito ay isang medium-chain triglyceride na mayroong anti-inflammatory, antibacterial, antifungal, at mga antiviral na properties.

Paano Lumalaban ang VCO sa COVID-19 

Ayon sa resulta ng pag-aaral na unang iminungkahi noong January 2020 na pinangunahan ni Dr. Fabian Dayrit ng Ateneo de Manila at ng National Academy of Science and Technology, ang iba’t ibang bahaging makikita sa VCO ay ligtas at epektibong panlaban sa mga virus na tulad sa SARS-CoV-2 o COVID-19 virus.

Dahil sa unti-unting paglulunsad ng bakuna sa COVID sa buong mundo, ang makahanap ng maaasahan tulad ng VCO ay regalo mula sa Panginoon sa mahihirap na pagkakataon.

Paano ito gumagana? 

Ipinakita sa resulta ng pananaliksik na nababawasan nito ang pagdami ng viral load (kabuuang bilang ng virus sa katawan ng tao). Nabawasan ito sa 60% hanggang 90% mga pasyente. 

Isa pang pinag-aralang hindi nagagamot na virus gamit ang VCO ay ang HIV, na nagpaparami sa white blood cells kung ikukumpara sa placebo group. 

Tatlong paraan ng paglaban ng VCO sa iba’t ibang virus: 

  • Sinisira ang viral coating
  • Hinaharangan ang pagpasok ng viral protein sa cells ng tao
  • Masusugpo ang paglaki ng virus

Ang kabuuang pag-aaral ay ilalathala at ipakikita sa publiko, ang sagot sa tanong na  “Paano gumagana ang VCO para sa Covid-19?” ay wala pa ring katiyakan ngunit iminungkahi ng mga mananaliksik na ang resulta ay maaasahan. 

Ang ibang grupo ng mga siyentipiko ay patuloy na naghahanap ng maaaring gamot tulad ng melatonin at lagundi bilang panlaban sa COVID hanggang mailabas ang bakuna.

Gabay sa Pagbili ng VCO 

Sa bagong impormasyon na ito, maaari mong tingnan ang paglaban ng VCO sa Covid-19 nang agaran. Bago ka man bumili sa anumang coconut oil na tindahan, importanteng malaman kung ano ang partikular na hinahanap.

Coconut Oil versus VCO 

Ang Pilipinas ay ang pinakamalaking naglalabas ng mga coconut oil. Mula rito madali at mura lamang ang pagbili ng produktong ito. 

Maaaring nakakita ka na ng coconut oil sa tindahan, dahil sa ibang uri nitong nakakain tulad ng canola, palm, at olive oil. 

Ang ganitong uri ng coconut oil ay maaaring gamitin na pang prito o maging panlasa sa mga pagkain, gayunpaman, ito ay hindi pareho ng coconut oil. 

Ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mantikang ito ay sa prosesong pinagdadaanan upang maging puro. 

Mula sa puti at sariwang laman ng niyog ang virgin coconut, samantalang ang coconut oil ay mula sa tuyong laman ng niyog. 

Ang sariwang laman ng niyog ay naglalaman ng gatas na dumagdag sa oil na nagdaragdag ng sustansya. Pinipiga ang VCO gamit ang pinakamababang init, kabaligtaran sa pinong mantika, na gumagamit ng init, clay filters, at minsan maging kemikal ang nagtutunaw upang makuha lahat ng mantika. 

Dahil dito, ang VCO ay itinuturing na mas masustansya at puro sa regular na coconut oil.

Liquid versus solid virgin coconut oil 

Kung ikaw ay makakikita ng isang sisidlan ng coconut oil na mukhang maputi at malabo, at ibang malinaw na likido, huwag mag-alala. Kung ito ay mayroong nakalagay na “virgin coconut oil“, ito ay pareho lamang. 

Dahil sa mataas na laman na fat ng coconut oil, ito ay nabubuo sa malamig na temperatura. Ngunit ito ay mabilis ding magiging likido sa mainit-init na temperatura. 

Ito ay maaaring gamitin nang buo o likido, hindi nito naaapektuhan ang mga sustansya at laman nito.

Food-grade vs. Cosmetic grade virgin coconut oil 

Maaaring ikaw ay nakakita na ng usapan sa online tungkol sa food-grade at cosmetic grade na VCO. 

Sa pangkalahatan, ang food-grade ay mas ligtas at mataas ang kalidad dahil sa ito ay pasado sa ilang pamantayan bago ito ituring na makakain o ligtas gamitin. 

Ang cosmetic grade ay katanggap-tanggap bilang gamit tulad ng makeup, lotion, shampoo, at mga sabon. 

Bihira o hindi makakikita ng cosmetic grade coconut oil sa mga lokal na tindihan, ito ay karaniwang mabibili sa mga botika o pagawaan ng pampaganda.

Kung nais na gumamit ng VCO para sa covid 19 sa pagdaragdag nito sa pagkain o paglalagay sa tuyong balat, ligtas at mas mabuti ang food-grade VCO. Bilang general rule, ang mga food-grade ay maaaring gamiting pamalit sa cosmetic grade ngunit hindi sa kabaligtaran. 

Mahalagang Tandaan

Ang VCO ay mas nakikilala, hindi tulad ng ibang mga halamang gamot. Lumalaban ang VCO para sa COVID-19 at ang mga mananaliksik mula sa Philippine Council on Health Research and Development mula sa Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya (DOST) ay tiwala na ito ay ligtas, epektibo at higit sa lahat ay may pagkukuhanan.

Ngunit ang anumang bagong natuklasan ay nangangailangan ng maraming pag-aaral upang maging karagdagang patunay.

Matuto pa tungkol sa Covid 19, dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/6599-vco-a-potential-antiviral-agent-against-covid-19-filipino-research

The Potential of Coconut Oil and its Derivatives as Effective and Safe Antiviral Agents Against the Novel Coronavirus (nCoV-2019)

https://www.pna.gov.ph/articles/1098482

Coconut Oil

 

Kasalukuyang Version

08/03/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement