Puro Lambda variant ng COVID-19 ang laman ng balita dahil sa bilis ng pagkalat nito sa South America. At sa daming COVID-19 variants na nadidiskubre, natural lamang na mag-alala tayo kung effective ba ang mga bakuna laban sa variant.
Sa article na ito, idi-discuss natin ang Lambda variant, bakuna, at kung ano ang maaari nating gawin upang maprotektahan natin ang ating pamilya at sarili.
Ano ang Lambda Variant ng COVID-19?
Ang Lambda variant ay unang nadiskubre sa Peru at agaran itong kumalat sa karatig bayan nito sa South America. Maliban sa pagiging mas nakakahawa nito, isa pa sa mga nakababahalang aspeto ng variant na ito ay tila mas resistant sa mga bakuna1.
Ayon sa mga pagsusuri ukol sa variant na ito, ang spike proteins na kumakabit sa mga cells ay nag-mutate. At ang antibodies na ginagawa ng ating katawan matapos mabukanahan ay ang siyang kumakalaban sa mga spike proteins na ito. Ngunit, dahil nga sa mutation, nakapag-develop na sila ng resistance laban sa naturang antibodies na ito.
Sa ngayon, habang inaalam pa ng mga eksperto kung dapat nga bang problemahin ang Lambda variant, important huwag nating ipagsawalang bahala ang posibilidad ng mas malubhang outbreak sa mga susunod na taon.
Bakit nga ba Nagkakaroon ng Variants?
Isa sa mga kadalasang katanungan tungkol sa pag-mutate COVID-19 sa iba’t ibang ay: Bakit nga ba ito nangyayari?
Sa katunayan, normal lamang na magbago o mag-mutate ang virus sa pagdaan ng panahon. Kadalasan, ang mga mutation na ito ay hindi naman malaki ang epekto. Para sa mga may immunity na (sa pamamagitan ng vaccination o antibodies after ma-infect), maaaring maging immune pa rin sila laban sa ibang variants.
Subalit, posible rin na ang virus ay dumaan sa mga pagbabago at maging resistant na ito sa antibodies.
Maaari ito maging problema dahil ang mutated virus ay maaaring maka-infect sa mga taong may immunity na. May epekto rin ito sa herd immunity at maaaring magdulot ng mga future outbreaks2.
Useless Ba ang Bakuna Laban sa Lambda Variant?
Kahit totoo na ang Lambda variant ng COVID-19 ay may resistance sa bakuna, hindi ibig sabihin nito na useless na ang bakuna.
Ang mga bakuna ay nakakapag-protect pa rin sa mga tao laban sa iba’t ibang variants. At napatunayan ng mga pagsusuri na effective ito sa pag-lower ng risk ng malubhang COVID, kahit na may Lambda variant.
Kaya nama’y napaka-importante para sa lahat na mabakunahan sa lalong madaling panahon. Ang bakuna ay isa sa mga pinaka-best na panlaban natin sa pagsugpo ng COVID-19.
Kailangan Ko ba ng 3rd Dose?
Isa sa mga kadalasang katanungan ay tungkol sa tinatawag na third dose. Sa kaso ng Sinovac, natagpuan ng mga researcchers na ang third dose ay nakakatulong na ma-extend sa immunity ng isang tao.
Subalit, hindi naman ibig sabihin nito na mas “malakas” ang antibodies nila laban sa mga variants.
Ang third dose ay nagpaparami lamang ng antibodies na nasa katawan na nila. Hindi nito mas napapagtibay o ginagawang mas epetikbo ito laban sa bagong variants.
Ano ang Maaari Nating Gawin?
Kasalukayang nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, kaya vaccinated ka man o hindi, importante pa ring labis na mag-ingat at mag-practice ng safety protocols. Kapag doble ingat ka, masisiguro mong protektado ka at ang iyong pamilya laban sa sakit at karamdaman.
Tandaan ang mga importanteng bagay na ito:
- Sa abot ng iyong makakaya, iwasan ang paglabas. Manatili lamang sa bahay kung posible ito.
- Kung kinakailangan mo namang labas, siguraduhing magsuot ng face mask, umiwas sa paghawak kung saan-saan, at maghugas ng kamay nang madalas.
- Importante ring iwasan ang mga lugar na maraming tao. Iwasin din ang masisikip at kulob na lugar dahil mas mataas ang risk of infection dito.
- Ugaliin ang pag-praktis ng social distancing. Iwasan ang pagbisita sa mga kaibigan o kamag-anak.
- Maghugas ng kamay nang madalas. Ito’y labis na nakakatulong sa pagpatay ng viruses sa iyong mga kamay at pinapababa nito ang risk ng impeksiyon.
- Mag-disinfect ng loob ng bahay. Punasan ang mga surfaces, lalo na yaong mga lugar na madalas hawakan ng iba’t ibang tao.
- Kung hindi ka pa bakunado, magpa-vaccinate agad kapag nabigyan ka na ng opportunity.
Alamin ang latest news and updates tungkol sa COVID-19 dito.