Hindi rin nakaligtas sa banta ng COVID-19 ang dalawang member ng K-pop girl group na ITZY sa COVID-19. Sa ngayon, tumaas na sa 98 ang bilang ng mga Korean star na nagpositibo sa COVID-19 simula noong Enero 19.
Basahin dito upang alamin kung sino ang mga miyembro na nagpositibo sa nakahahawang sakit.
ITZY COVID-19: Sino ang Nagpositibo?
Kinumpirma ng JYP Entertainment na kabilang sa ITZY COVID-19 positive members ang main vocal na si Lia. Siya ang unang member na nagpositibo noong ika-13 ng Pebrero sa virus, habang ang ikalawang nagpositibo naman sa grupo ay ang leader ng ITZY na si Yeji.
Nakatanggap si Yeji ng inconclusive result sa preemptive PCR, kaya naman kinailangan na magsagawa muli ng PCR retest sa para sa kanya noong Peb. 13 ng umaga. Kung saan lumabas sa resulta na nagpositibo siya sa COVID-19 noong umaga ng Peb. 14.
Kaugnay sa kondisyon ng mga miyembro ng sikat na Korean Girl Group, ang ITZY The 1st Fan Meeting na naka-iskedyul para sa Peb. 19 ay ikinansel.
Ipinahayag din ng JYP na ang isa pang member ng ITZY na si Yuna ay negatibo sa COVID-19 at kumpleto ang kanilang artist sa bakuna at naka self-quarantine na sila ayon sa guidelines ng mga awtoridad.
Para naman sa kasalukuyang data ng COVID-19 cases sa South Korea, umabot na ito sa 1,405, 246 habang ang mga namatay naman dahil sa virus ay tinatayang nasa 7, 102 at ang mga gumaling naman ay nasa 792, 107 na. Kaya naman lubos na pinag-iingat pa rin ang lahat dahil sa banta ng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Paano ba nahahawa sa COVID-19?
Ang COVID-19 ay tinatawag na isang airborne na sakit, maaaring mahawa ang mga tao kapag na-inhale nila ang mga particles ng virus sa hangin, o kaya sa mga kontaminadong surfaces.
Kumakalat ang mga particles na ito kapag umuubo o kaya bumabahing ang mga may COVID-19. Kapag bumahing o umubo, nadadala ang virus sa mga droplets na nananatili sa hangin. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagsuot ng face mask at social distancing.
Ang pagiging airborne rin ang dahilan kung bakit mabilis kumalat ang COVID-19, at sa simpleng exposure lamang sa infected na hangin ay maaaring makahawa ito, kaya’t ibayong pag-iingat ang kinakailangan upang makaiwas sa sakit.