backup og meta

Fourth COVID-19 Vaccine Dose: Ligtas Ba Para Sa Senior? Alamin Dito!

Fourth COVID-19 Vaccine Dose: Ligtas Ba Para Sa Senior? Alamin Dito!

Kasabay ng papalapit na ikalawang anibersaryo ng deklarasyon ng COVID-19 bilang isang pandemya, nagbigay ng rekomendasyon ang Department of Health (DOH). Ito ay ang pagbibigay ng fourth COVID-19 vaccine dose o 2nd booster shot sa mga senior citizen ng Pilipinas.

Ang rekomendasyong ito ay batay sa mga nakita sa ilang pag-aaral. Napag-alaman na mayroong pagbaba ng antibody titers at pagtaas ng risk sa morbidities kapag nahawa at nagkaroon ng COVID-19. Ayon sa DOH, ang fourth COVID-19 vaccine dose ay makatutulong sa mga seniors at mga indibidwal na may malulubhang sakit (immunocompromised) na makaiwas sa mga malulubhang sintomas ng sakit. Dahil sila ang mas nalalagay sa piligro kapag nahawa, binibigyang priority ang mga nasabing populasyon sa mga vaccination sites.

Sa kasalukuyan maraming bansa na ang naglulunsad at tumatalakay ng posibilidad ng fourth COVID-19 vaccine roll-out.

Fourth COVID-19 Vaccine Dose: Para nga Ba Sa Lahat ng Edad?

Ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje noong Martes, wala pa sa final consensus ang fourth COVID-19 vaccine dose. Samantala, nirekomenda naman kamakailan lang ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang fourth COVID-19 vaccine dose para sa mga senior citizens at mga immunocompromised individual.

Ang ika-apat na shot ay maaaring mag-benefit din sa mga taong mataas ang risk ng exposure sa COVID-19 cases, tulad ng mga healthcare workers at airport personnel. Sa kabilang banda, ang mga bata at malulusog na indibidwal ay maaaring hindi makinabang masyado mula sa fourth vaccine shot, ayon sa DOH.

Status ng 4th COVID-19 Vaccine Roll-Out  Sa Ibang Bansa

Nagsimula kamakailan lang ang Israel na mag-offer ng pang-apat na shot ng COVID-19 vaccine sa lahat ng may edad 60 pataas. Subalit maraming bansa ang hindi kumbinsido sa early data mula sa naturang bansa. Marami rito ay patuloy na naghihintay ng mas kongkretong data mula sa mga nauna na magroll-out ng 4th vaccine dose.

Binigyang-diin din ng health officials ng United States noong huling bahagi ng 2021 na hindi pa kailangan ng fourth COVID-19 vaccine dose. Ito ay dahil masyado pang maaga pag-usapan ang potensyal na ika-apat na dose. Dagdag pa rito, kamakailan sinabi ng health officials ng United States na sila ay “sobrang maingat” na sumusubaybay kung kailan maaaring kailanganin ang 4th COVID-19 vaccine dose.

fourth covid vaccine

Plano ng Pilipinas Para sa 4th Covid Vaccine

Ayon sa DOH, ang references at rekomendasyon para sa 4th COVID-19 vaccine roll-out na inilabas ay ipapasa sa Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa assessment. Sinabi naman ni Dr. Anthony Fauci, isa sa mga top infectious disease doctors ng Amerika sa ABC News na “entirely conceivable” ito—na maaaring kailanganin ang isa pang booster shot. Ngunit, ayon naman sa iba pang mga doktor, napakarami pang dapat na malaman tungkol dito.

Samantala, plano ng DOH na makipag-ugnayan sa komunidad ng mga eksperto ngayong buwan. Ito ay para makabuo ng mga rekomendasyon batay sa ebidensya at data tungkol sa 2nd booster dose.

Bago ma-reach ang consensus, sinabi rin ng DOH na tutukan muna ang 4th national COVID-19 vaccination drive. Ang tema ng programang ito ay “Bayanihan, Bakunahan”—kung saan uunahin ang malalayong lugar na may mababang rate ng pagbabakuna.

Key Takeaways

Ang pagpapabakuna ay isa sa mga mahahalagang hakbang para maprotektahan ang sarili sa banta ng COVID-19. Para sa mga seniors at mga immunocompromised individual, mainam na laging maging updated sa napapanahong balita. Dumarami ang mga pag-aaral tungkol sa bakuna at supply nito. Kaya naman hindi malayo na makapagrekomenda ang mga doktor ng iba’t ibang uri ng bakuna at booster shots.

Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga bagay kaugnay sa COVID-19. Tumulong tuluyang masugpo at wakasan ang pandemya. Mag-ingat. Isa rin ito sa mga paraan upang mapangalagaan natin ang mga mahal natin sa buhay. Ugaliin din ang pagpapakonsulta sa doktor para sa mga payo kaugnay ng kasalukuyang kondisyon. Tandaan na ang pag-iingat sa sarili ay paraan din ng pagmamalasakit sa kapwa. Maging sa’yong komunidad, kaibigan at pamilya.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Seniors better protected with 4th COVID-19 vaccine shot – DOH

https://newsinfo.inquirer.net/1565518/fourth-covid-19-vaccine-shot-further-increases-protection-of-seniors-against-covid-19 Accessed March 10, 2022

 

4th COVID-19 shot: Who will need another booster soon https://www.newsnationnow.com/health/coronavirus/vaccine/4th-covid-shot-who-will-need-another-booster-soon/ Accessed March 10, 2022

 

Health experts yet to reach a final consensus on 4th COVID vaccine dose https://newsinfo.inquirer.net/1565030/health-experts-yet-to-reach-a-final-consensus-on-4th-covid-vaccine-dose-doh Accessed March 10, 2022

 

COVID Vaccines: What Seniors Need to Know https://www.ncoa.org/article/covid-vaccines-what-seniors-need-to-know Accessed March 10, 2022

 

A fourth Covid-19 shot might be recommended this fall, as officials ‘continually’ look at emerging data https://edition.cnn.com/2022/02/19/health/fourth-covid-19-vaccine-dose-us/index.html Accessed March 10, 2022

 

Kasalukuyang Version

11/28/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement