backup og meta

Paano Mo Malalaman Kung Fake Ba Ang Antigen Test? Heto Ang Ilang Mga Tips!

Paano Mo Malalaman Kung Fake Ba Ang Antigen Test? Heto Ang Ilang Mga Tips!

Kung hindi magpapa-test, hindi mo malalaman na mayroon kang COVID-19 o iba pang kondisyon tulad ng karaniwang sipon o trangkaso. Karamihan sa mga sintomas nila ang magkatulad, maliban sa hirap ng paghinga. Kung hindi naman nagpa-test, kailangan mong ihiwalay ang iyong sarili; hindi ka maaaring magtrabaho kasama ang iba, at hindi ka rin puwedeng mamasyal. Higit pa rito, maaari ka ring makaranas ng anxiety sa posibilidad na magkaroon ka ng malalang kaso ng COVID-19 at mahawaan ang mga taong nakakasalamuha mo. Ito ang mga rason kung bakit marami ang pursigidong bumili ng rapid antigen test kit. Pero fake ba ang antigen test na nabibili online?

Ano Ang Rapid Antigen Test Kit?

Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test pa rin ang gold standard para sa COVID-19 testing. Dahil gumagamit ito ng PCR machine, maaari lamang magpa-test sa mga rehistradong klinika, ospital, o laboratoryo. Hindi lang kailangan maghintay ng isa hanggang ilang araw para sa resulta, ngunit may kamahalan din ang mga RT-PCR test. Karaniwang nagkakahalaga ng ilang libong piso ang isang test kit.

Dahil sa mga “downside” na ito, ang ilan ay mas ginugustong gumamit na lamang ng rapid antigen test kit. Hindi man kasing accurate ng RT-PCR testing ang mga rapid antigen test, maaari pa rin nilang ipaalam kung may COVID-19 ka o wala. Higit pa rito, mas mabilis din ito magbigay ng resulta (sa loob lang ng ilang minuto), mas madaling gamitin, at mas mura.

Ang tanong, maaari na bang bumili ng self-administered rapid antigen test kit? At paano mo malalaman kung fake ba ang antigen test na mabibili online?

Mga Dapat Tandaan Kapag Bumibili Ng Rapid Antigen Test Kit Sa Online

Paano malaman kung fake ba ang antigen test? Kung nais mong bumili ng rapid antigen test kit, dapat mong tandaan na tumataya ka sa pagbili nito.

Ayon sa Department of Health, wala pang FDA approval ang mga test kit sa online. Sa oras ng pagsusulat nito, mayroon lamang mga aprubadong rapid test kit para sa commercial use. Nangangahulugan ito na ang mga healthcare professional lamang ang maaaring mangasiwa nito sa mga klinika, ospital, o laboratoryo.

Sa madaling salita, kung bibili nito, hindi ka makasisiguro sa ilang bagay. Paano mo malalaman kung fake ba ang antigen test?

  • Authenticity: Posibleng mukha itong isa sa mga inapbrubahang kit para sa commercial use, ngunit maaaring fake ito.
  • Accuracy: Kung fake ito, maaaring hindi accurate ang rapid antigen test kit. Mapanganib ito dahil posible kang magkaroon ng false-negative na resulta, hindi makapag-isolate, at makahawa ng iba.
  • Safety: Maaaring hindi tama at hindi detalyado ang direksyon tungkol sa paggamit at pagtapon sa fake na produkto. Puwedeng mauwi sa maling resulta ang maling paggamit dito.

Saan Magpapa-Test?

Sa halip na gumastos ng pera sa mga fake na produkto na posibleng maglagay sa iyo at sa mga nakapaligid sa iyo sa panganib, mas mabuting magpa-test sa mga rehistradong site.

Halimbawa, kung gusto mo ng mas madaling proseso, maaari kang pumunta sa mga mall. Maraming mall ngayon ang may drive-thru o walk-in testing site.

Maaari ka ring tumingin sa malapit na klinika o pharmacy. Ang Watsons, halimbawa, nagbebenta rin sila ng rapid antigen test kit kung mayroon kang reseta at isang healthcare worker na mangangasiwa ng test.

Madali rin kumuha ng COVID testing services sa mga sumusunod:

1. Alaga Health

Maaari kang magpa-book ng laboratory test sa Alaga Health sa kanilang website at app — kabilang na ang COVID testing – nang mas madali, nang hindi pumipila. Nagbibigay din ang Alaga Health ng libreng konsultasyon sa mga pasyente. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa kanilang Facebook Page o website.

2. Hi-Precision Diagnostics

Maaaring magpa-book ng appointment nang maaga ang mga pasyente sa Hi-Precision Diagnostics sa pinili nilang branch. Nagkakahalaga ng Php960 ang rapid antigen test nila; at Php768 naman ang discounted price para sa mga senior citizen.

Narito ang listahan ng mga branch ng Hi-Precision Diagnostic kung saan maaari kang kumuha ng services nila tulad ng Park N’ Swab, Booth Swab, at Home Testing.

3. HomeLab

Tulad ng Alaga Health, may application din ang HomeLab kung saan maaari kang mag-book ng appointment para sa mga COVID test. Nagsisimula sa Php800 ang presyo ng rapid antigen test nila ngunit maaari itong tumaas ayon sa lugar kung saan ito gustong isagawa (branch at address ng tahanan). Nagsisimula naman sa Php2,650 ang RT-PCR.

Bisitahin ang kanilang Facebook Page para sa karagdagang impormasyon.

May iba pang mga laboratoryo at klinika na nag-aalok ng madaling testing at mga home services. Ngunit siguraduhing accredited sila ng DOH at mga lisensyadong healthcare professional ang magsasagawa ng test. Maaaring bisitahin ang mga sumusunod:

Mga Paalala

Kung may positibong rapid antigen test, tandaan na hindi kailangan ng RT-PCR test para kumpirmahin ang mga resulta. Ituring na COVID-positive patient ang sarili kahit malabo ang linyang nakikita.

Kung may negatibong resulta ng test ngunit nakararamdam ng mga sintomas, kumpirmahin ang resulta gamit ang PCR test.

Kasalukuyang hinahanda na ng gobyerno ang mga self-administered rapid antigen test na magagamit ng publiko sa murang halaga.

Matuto pa tungkol sa Coronavirus dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Self-test kits for Covid-19 sans FDA approval may be fake: Duque, https://www.pna.gov.ph/articles/1164857, Accessed January 10, 2022

2 DOH says no self-administered antigen test kit has been registered with FDA, https://newsinfo.inquirer.net/1537453/doh-says-no-self-administered-antigen-test-kit-has-been-registered-with-fda, Accessed January 10, 2022

3 LOOK: Antigen test kits for COVID-19 are now on sale, https://mb.com.ph/2021/10/26/look-antigen-test-kits-are-now-on-sale/, Accessed January 10, 2022

4 PCR AND ANTIGEN SWAB TESTING FOR COVID-19 DIRECTORY, https://www.hi-precision.com.ph/newsroom/PCRSWABTESTINGFORCOVID19DIRECTORY?fbclid=IwAR2LdcuCJC-HCPXETbk8dpbFtVYsGJD8hvBcvDmnD_CvTqrBLv06pI80hqg, Accessed January 10, 2022

5 Q&A with UChicago infectious disease expert Emily Landon, https://news.uchicago.edu/story/when-should-i-use-rapid-covid-test-and-how-accurate-are-they, Accessed January 10, 2022

6 Gov’t discusses plan to subsidize antigen self-test kits, https://www.pna.gov.ph/articles/1164606, Accessed January 10, 2022

Kasalukuyang Version

08/17/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Paano gamutin sa bahay ang COVID-19?

Ano ang Dapat gawin Kapag may COVID ang Buong Pamilya?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement