Sa ilang bahagi ng mundo, ang death rate ng COVID-19 ay patuloy na bumababa dahil sa pagkakaroon bakuha at patuloy na bakunahan. Gayunpaman, maraming mga nasawi sa labang ito laban sa isang hindi nakikitang kaaway. Noong Oktubre 16, 2021, iniulat ng World Health Organization na mahigit 4.8 milyong indibidwal sa buong mundo ang namatay sa COVID-19.
Mahalagang keyword dito ang salitang “naiulat” dahil marami pang indibidwal na namatay sa COVID ang hindi sumailalim sa testing. Bilang resulta, hindi sila kabilang sa mga opisyal na estadistika. Tinataya ng The Economist na ang sobrang bilang ng mga namatay dahil sa COVID ay hindi bababa sa tatlo hanggang apat na beses na mas maramu kaysa sa naiulat — nakagugulat na 10 hanggang 20 milyon.
Ano Ang Ibig Sabihin Ng Datos Na Ito?
Sa pangangalap ng mga datos mula sa World Health Organization, makikitang karamihan sa mga pagkamatay na naitala sa iba’t ibang bansa sa mundo ay nangyari sa Kanluran (ang Amerika at Europa) at sinundan ito ng Timog-Silangang Asya.
Sa Estados Unidos lamang ay may mahigit 44.4 milyong naitalang kaso at 724,000 na namatay noong 2021. Ang case fatality rate (CFR) ay sukatan ng kalusugan na tumutukoy sa kung gaano karaming tao ang namatay sa kabuoan ng lahat ng nagkasakit. Kaya, gamit ang mga opisyal na datos na ito para sa US, ang kanilang average na fatality rate na kaso ng COVID ay 1.6% sa panahong iyon.
Kung ikukumpara sa Pilipinas sa Timog-Silangang Asya, ito ay may higit sa 2.2 milyong pinagsama-samang mga kaso at 42,000 pagkamatay sa parehong taon. Dahil dito, ang average na death rate ng COVID-19 sa nasabing bansa ay 1.9%.
Ang mababa bang CFR ay nangangahulugang maayos na pinangasiwaan ng dalawang bansa ang pandemya? Sa kasamaang-palad hindi. Isa sa mga limitasyon ng paggamit ng case fatality rate ay ang katotohanang kinukuwenta lamang nito ang mga kumpirmadong kaso at kumpirmadong pagkamatay dahil sa isang partikular na sakit. Upang maituring na ang death rate ng COVID-19 ay tama, dapat isinagawa ang testing sa lahat. Gaya ng ipinakita sa mga nakaraang taon, ang testing ng lahat, lalo na sa low-resource settings, ay hindi praktikal o kapaki-pakinabang.
Epekto Ng Sistemang Pangkalusugan Ng Isang Bansa
Ang mga pagpapaunlad sa kakayahan ng sistemang pangkalusugan sa U.S., maging ang mga nakaraang paghihigpit sa paglalakbay, ay nagpapanatili ng lubhang mababang death rate ng COVID-19. Naganap ang mga pagdami ng kaso nang muling buksan ang mga industriya noong 2020. Bagaman nakita ng bansang ito ang pagtaas ng mga kaso dahil sa pagluluwag ng mga restriksiyon, nanatili pa ring mababa ang kanilang death rate. Marahil ito ay dahil sa malawakan at tuluy-tuloy na pagsusumikap sa pagbabakuna mula noong Disyembre 2020, hanggang sa kasalukuyan.
Naging maluwag ang mga restriksyon sa paglalakbay sa Pilipinas. Ang malawakang pagbabakuna ay nagsimula noong Marso 2021 at patuloy na isinasagawa hanggang sa kasalukuyan. Hindi gaanong nahirapan ang health system at mas bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa ilang mga bansa.
Ano Ang Hindi Nakasaad Sa Datos Na Ito?
Sa katunayan, nananatiling mababa ang testing rate sa Pilipinas at sa iba pang low- at middle-income na mga bansa. Sa maraming lugar, ito ay pangunahing sanhi ng pagiging mahal pa rin ng COVID-19 testing at hindi pa rin ito accessible sa publiko. Kaya, ang kapasidad para sa testing ay ang unang mahalagang salik sa pagsasaalang-alang sa tunay na bilang ng death toll ng COVID-19. Kapag maraming tao ang namatay nang hindi sumailalim sa testing, maaaring magdulot ito ng maliit na bilang ng tunay na CFR.
Ang ikalawa sa mahalagang pagsasaalang-alang para sa pagtatala ng tunay na death rate ng COVID ay ang mga kaso na hindi nakumpirma sa testing kung sino ang namatay habang naghihintay na maipasok sa mga ospital. Napakaraming health systems ang nakaranas ng biglang pagdami ng mga kaso. Labis na napagod ang healthcare workers, nagkulang sa mga kagamitan, at hindi na kaya ng mga pasilidad na tanggapin ang lahat ng pasyente.
Paano Ang Iba Pang Mga Namatay?
Isa pang mahalagang aspeto na dapat isaalang-alang sa pag-alam ng death rate ng COVID-19 ay ang lahat ng bagay na hindi COVID-19. Maraming mga pasyente na may mga kondisyon maliban sa COVID-19 ang hindi tinanggap mula sa mga ospital dahil sa kakulangan ng mga pasilidad o human resources para mangalaga sa mga ito. Pinili ng ibang may sakit na mamatay sa kanilang mga tahanan dahil sa takot na malantad sa COVID-19. At maraming tao ang walang access sa pangangalaga dahil sa pagtatalaga ng health workers at pagdadala ng mga kagamitan sa mga lugar na may mataas na death rate ng COVID-19.
Maaaring igiit na ang mga taong ito ay namatay din “dahil sa COVID.” Gayunpaman, mahirap tiyakin kung ilan sa kanila ang mamamatay pa rin kung hindi nangyari ang pandemya. Kung isasaalang-alang ang lahat ng ito, ang 10 hanggang 20 milyong pagkamatay dahil sa COVID-19 na tinantiya ng The Economist ay mukhang hindi masyadong malayo.
Key Takeaways
Patuloy na nakaaapekto ang pandemya sa mundo at kumitil na ito ng hindi mabilang na mga buhay. Direkta itong nagdulot ng pagkamatay sa pamamagitan ng mga impeksyon at komplikasyon ng COVID-19. At nagiging sanhi din ito ng mas maraming hindi direktang pagkamatay sa pamamagitan ng iba pang mga sakit na hindi prayoridad sa panahon ng pandemya.
Kailangang magsama-sama ang mga bansa sa daigdig upang talunin ang bantang ito. Tulad ng sinabi ng WHO, “Wala sa atin ang magiging ligtas hangga’t hindi ligtas ang lahat.”
Matuto pa tungkol sa COVID-19 dito.