backup og meta

Chaeryeong ng ITZY, Nagpositibo! Alamin Ang Kalagayan Dito

Chaeryeong ng ITZY, Nagpositibo! Alamin Ang Kalagayan Dito

Ang main dancer na si Chaeryeong ng ITZY ang ikatlong miyembrong nagpositibo sa COVID-19, ayon sa kanyang agency JYP Entertainment ngayong linggo.

Chaeryeong ng ITZY: Positibo sa COVID-19

Naka-self-quarantine na si Chaeryeong ng ITZY matapos na makakuha ng negative result sa PCR test noong umaga ng Pebrero 12.

Ngunit noong umaga ng Pebrero 15, si Chaeryeong ng ITZY ay nagpositibo sa self-test kit, kaya agad siyang sumailalim sa PCR testing. At na-diagnose na may COVID-19 noong hapon ng Pebrero 16 ayon sa JYP Entertainment.

Ibinahagi rin ng JYP Entertainment na si Chaeryeong ng ITZY na nakumpleto ng main dancer ang second dose ng COVID-19 vaccine.

Kumusta Na si Chaeryeong ng ITZY?

Ini-reveal ng agency ni Chaeryeong ng ITZY na kasalukuyang nakararanas ito ng minor symptoms ng COVID-19.

Kasalukuyang may ubo at pananakit ng ulo ang main dancer ng girl group. Kaya kinakailangan n’yang tumanggap ng tritment sa bahay ayon sa guidelines of authorities sa pagkontrol ng sakit.

Ipinangako naman ng JYP Entertainment ang pagsasaalang-alang ng kalusugan ng kanilang artist bilang major priority.

Bukod kay, Chaeryong ng ITZY Kamusta ang Iba Pang Members?

Matapos maunang magpositibo ng main vocal na si Lia at leader na si Yeji ng ITZY ay kasalukuyan pa rin silang nagpapagaling sa bahay at naka-quarantine.

Ang visual ng grupo na si Yuna at center ng ITZY na si Ryujin ay nananatiling negatibo sa COVID-19.

Ayon na rin sa JYP Entertainment, nagpapahinga ang lahat ng ITZY members kaya hindi na dapat mag-alala ang fans.

Bakit Mahalaga na Magpatest sa COVID-19?

Tulad ng naging kaso ni Chaeryeong ng ITZY negatibo siya sa unang test. Ngunit nagpositibo ito sa self-test kit, maging sa kanyang pangalawang PCR test. Mahalagang magpasuri para sa COVID-19 lalo na kung may close contact at sintomas. 

Narito ang mga sumusunod na dahilan bakit mahalagang magpa-test:

  • Maiiwasan na makahawa pa ng ibang tao
  • Para mabigyan ng angkop na atensyong medikal
  • Malaman ang tamang pagkain at inumin para sa pagpapalakas
  • Ma-detect agad kung sino pa ang mga close contact
  • Upang ma-inform ang mga close contact na mag-self-quarantine o magpatest

Iba’t Ibang Type ng Test para sa COVID-19

  • Polymerase Chain Reaction Test (PRC)

 Ito ay dinadala sa lab para sa pagsusuri. Ang PCR test ay ang  “standard gold” para sa pag-diagnose ng virus. Dahil ito ang pinakatama at pinakamaaasahan na test.

  • Lateral Flow Test (LFT)

Pwede nitong i-diagnose ang COVID-19 on the spot. Pero tandaan hindi kasing accurate ng PCR test.

  • Antibody Test 

Ang test na ito ay hindi nagdi-diagnose kung mayroon kang active infections. Pero sasabihin sa’yo ng resultang ito kung mayroon kang nakaraang impeksyon at kung mayroon kang immunity sa virus.

Sino Ang Dapat na Magpatest?

Bukod sa pagiging close contact ng ITZY members sa isa’t isa, nagpatest din sila dahil ang karamihan ng members ay may mga sintomas. 

Kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas na ito, maaari kang magpatest para sa COVID-19:

  • Pagkakaroon ng lagnat 
  • Ubo
  • Pagsakit ng lalamunan
  • Kapos ng paghinga 
  • Sipon 
  • Pagkawala ng pang-amoy

Sa oras na may maramdaman kang ganitong mga sintomas, mas magandang magpa-check para sa detection ng virus. At hindi na makapinsala o hawa pa sa iba.

Ano Ang Mangyayari Pagkatapos Magpatest?

Tulad ng ginawa kay Chaeryeong ng ITZY, ang lahat ng nagpapatest ay hinihingi ang pagkakakilanlan at detalye ng pagkontak. Anuman ang test na isasagawa para sa kanila. Ang COVID Test ay gagawin ng isang med tech, nars, doktor o iba pang health workers na may kasanayan at sinanay para dito. Sila ay kukuha ng swab para sa iyong lalamunan at ilong. Tumatagal ang test ng halos isang minuto.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng COVID-19 ay hindi pa katapusan ng iyong mundo. Maganda na ipaalam ito sa mga mapagkakatiwalaan at malalapit na tao sayo. Tulad ng ginawa ni Chaeryeong ng ITZY at maging ang iba pang members. Para mabigyan ng suportang kinakailangan mo sa paggaling. Maraming mga test ang maaaring gawin para ma-detect ang virus. Ang pagpapatest ay mahalaga para sa angkop na medikal na atensyon na maaaring ibigay sa’yo bilang tritment.
Tandaan: Ang pag-alam ng kalaban sa’yong katawan ang susi para mapagtagumpayan ang laban sa COVID-19.

Larawan nakuha mula sa Instagram

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pagtest ng Coronavirus (COVID-19) https://www.dhhs.vic.gov.au/sites/default/files/documents/202005/COVID-19%20testing%20factsheet%20-%20Tagalog%20%28Filipino%29.pdf Accessed February 17, 2022

Ang Kahalagahan ng PCR Para sa Diagnosis ng Covid-19 https://www.covidclinic.org/tl/the-importance-of-pcr-for-diagnosis-of-covid-19/ Accessed February 17, 2022

ITZY member Chaeryong test positives in Covid 19 https://koreajoongangdaily.joins.com/2022/02/16/entertainment/kpop/itzy-covid-chaeryeong/20220216164314516.html Accessed February 17, 2022

ITZY’s Chaeryong and CRAVITY’s Wonjin test positive for COVID-19 https://www.pinkvilla.com/entertainment/itzy-s-chaeryeong-and-cravity-s-wonjin-test-positive-covid-19-1025339 Accessed February 17, 2022

Chaeryeong Is The Third ITZY Member To Test Positive Of COVID-19 After Lia and Yeji http://en.koreaportal.com/articles/51919/20220216/chaeryeong-third-itzy-member-test-positive-covid-19-lia-yeji.htm Accessed February 17, 2022

Kasalukuyang Version

01/12/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement