BTS Jungkook Covid Positive — kumpirmado! Positibo ang pinakabatang member ng BTS pagkatapos mag-land ng grupo sa US. Bago ang performance ng Kpop group sa Grammys 2022 at palabas sa Las Vegas. Nauna ring nag-positive ang isa pang BTS member na si J-Hope.
Ayon sa pahayag ng BIGHIT MUSIC, ang BTS member na si Jungkook ay negatibo sa PCR-test noong siya ay sinuri sa South Korea. Dumating ang binata sa US noong Linggo, March 27 (KST) para sa preparasyon sa Grammy Awards performance.
BTS Jungkook Covid Positive: Paano nalaman na may virus ang binata?
Sa pagdating ni BTS Jungkook sa Las Vegas, nakaramdam siya ng slight discomfort sa kanyang lalamunan. Agad na kumuha ang BTS member ng rapid PCR test (Covid-19 molecular PCR test). At isang standard na PCR test (Covid-19 quarantine PCR test) noong hapon ng Linggo, Marso 27 (PT).
Nagself-quarantine si Jungkook bilang proactive measure. Parehong positibo ang resulta ng 2 tests.
Ano ang mga sintomas ni BTS Jungkook?
Nakumpirma na positibo sa Covid-19 ang BTS member na si Jungkook noong Lunes, Marso 28 (PT). Wala siyang ibang symptoms, maliban sa mild na pananakit ng lalamunan.
Kaya hiling ng ahensya ng Kpop group sa fans na huwag na masyadong mag-alala sa kondisyon ng main vocal ng grupo.
Kumusta na si BTS Jungkook Covid Positive?
Kasalukuyang nasa self-quarantine at tritment ang binata— kung saan sinusunod nila ang alituntunin ng mga awtoridad sa kalusugan sa US. Ang partisipasyon ni Jungkook sa later schedule sa United States ay ide-determine ng local regulations ng COVID-19. Habang aktibong pinag-uusapan ito ng ahensya ng BTS member at awards organizer.
Mensahe ng ahensya ni BTS Jungkook
“We would like to extend our sincerest apologies to our fans for causing you concern. Despite our effort to take all necessary measures for our artist’ health prior to and throughout the schedule in the United States.”
Hiniling din ng BIGHIT MUSIC na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng mga BTS member na nagpositibo sa Covid-19.
Mga dapat gawin para makarecover sa Covid-19
Ang pagkakasakit ng artists tulad ng mga BTS member ay isang tanda na kahit sino ay maaaring tamaan ng virus. Habang tumatagal ang pandemya sa mundo, natututunan na ng mga tao na bahagi ng kanilang buhay ang Covid-19.
Gayunpaman, kinakailangan pa rin na alam ng bawat isa kung paano makarerecover sa virus matapos tamaan. Narito ang ilang mga tips:
- Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration
- Sikaping makapagpahinga para makabawi ng lakas
- Matulog sa wastong oras at panahon
- Kumain ng mga masusustansiyang pagkain
- Mag-take ng mga vitamins
- Manatili sa loob ng tahanan
- Magpakonsulta sa doktor para sa anumang payo at atensyong medikal na kakailanganin at angkop sa’yong kondisyon
- Inumin ang mga gamot na inirekomenda ng doktor para sa paggaling
Mahalaga rin na magpabakuna at booster para maging protektado laban sa virus. Kapag may bakuna at booster, hindi magiging malala ang tama ng virus. Mas tataas ang tyansa na malagpasan at makayanan ang virus sa katawan.
Key Takeaways
Laging tandaan na sa oras na magpositibo sa Covid-19 huwag mag-panic. Hindi pa ito ang katapusan ng iyong buhay. Maraming paraan para malagpasan ang hamon ng virus sa oras na tamaan ka. Magpakonsulta agad sa doktor sa oras na makaramdam ka ng anumang sintomas kaugnay ng virus.
Gaya ng ginawa ni BTS Jungkook, ,wag mag-atubili na magpa-test sa oras na may maramdaman na may kaugnayan sa Covid-19 symptoms. Mag-isolate agad sa oras na magkaroon ng symptoms o magpositive sa test. Ang ganitong simpleng gawain ay makatutulong upang makapagligtas din ng iba pang buhay.
Matuto ng higit pa tungkol sa COVID-19 dito.