backup og meta

BTS COVID-19: 1 Pang Miyembro Nagpositibo, Alamin Dito Kung Sino

BTS COVID-19: 1 Pang Miyembro Nagpositibo, Alamin Dito Kung Sino

Matapos magpositibo ng ibang miyembro ng BTS, kinumpirma ng BIGHIT Music na may isa pang kumpirmadong BTS COVID-19 positive na miyembro.

Kilalanin dito kung sino sa miyembro ng BTS ang COVID-19 positive.

BTS COVID-19: Sino Pa Ang Nagpositibo?

Hindi nakaiwas si  BTS V aka Kim Taehyun, sa banta ng COVID-19. Kung saan minabuting bumisita ang BTS member V sa ospital, dahil nakaranas siya ng mild sore throat, noong hapon ng Martes, Pebrero 15. Agad naman s’yang kumuha ng PRC test at na-diagnose ng gabi bilang isang confirmed case ng COVID-19.

Ayon na rin sa pahayag ng BIGHIT Music, nakumpleto ni V ang 2 round ng vaccine para sa COVID-19. Hindi rin siya nagpapakita ng anumang malubhang sintomas maliban sa mild fever at sore throat. Kaya’t wala namang dapat na ipag-alala ang fans ng KPOP artist ayon sa agency. 

Siya ay kasalukuyang sumasailalim sa tritment sa bahay. Habang naghihintay ng karagdagang mga alituntunin mula sa healthcare authorities.

BTS COVID-19: Kumusta Ang Iba Pang Miyembro?

Binigyang diin ng entertainment agency, noong nakipagkita si V sa iba pang miyembro ng BTS noong Pebrero 12 ay hindi sila nagkaroon “close contact” at sila ay mga nakasuot ng mask. Wala rin sa kanyang mga kasamahan sa grupo ang mayroong sintomas, at nakatanggap na rin ang mga ito ng negatibong resulta sa preemptive self-test.

Bukod pa rito, sinisikap ngayon ng kumpanya ng BTS na iprayoridad ang kalusugan ng bawat miyembro. Nangako rin sila na gagawin nila ang lahat ng makakaya para tulungan si V sa kanyang mabilis na paggaling. Kung saan masigasig din silang makikipagtulungan sa mga kahiligan at alituntunin ng healthcare authorities, ayon sa pahayag ng BIGHIT Music,

BTS COVID-19: Sino-sino Na Ang Nagpositibo?

Matapos sumailalim ni Jimin sa operasyon para sa acute appendicitis noong nakaraang buwan ay nagpositibo siya sa COVID-19 at gumaling rin naman mula sa virus. Habang noong Disyembre 2021 naman ang mga miyembrong sina RM, Jin at Suga ang nagpositibo sa COVID-19 at fully recovered na ngayon.

Ayon sa mga ulat si V ang ikalimang miyembro ng KPOP boy group na nagpositibo sa virus.

Anong gagawin kapag nagpositibo ka?

Minsan kahit anong ingat mo, hindi mo matatakbuhan ang banta ng COVID-19. Kung ikaw ay nagpositibo, dapat mong alalahanin ang naging close contact mo sa loob ng 48 oras bago ka nagpatest. Ito ang dahilan kung bakit inalam agad ang close contact ng BTS member na si V, sapagkat kinakailangan nilang mag-quarantine sa kanilang bahay. Ang close contact ay kinabibilangan ng:

  • Miyembro ng pamilyang nakakasama sa bahay
  • Mga taong nag-overnight na kasama ka’
  • Ang nag-aalaga sa’yo
  • Mga kinakalinga at inaalagaan mo
  • Taong nanatili sa loob ng 6 na talampakang layo mula sa’yo ng 15 o higit pang mga minuto sa 1 araw
  • Mga nadikit na tao sa’yo mismo sa mga likidong galing sa’yong katawan, kabilang ang galing sa pagbahing o pag-ubo

Tips Para Gumaling sa COVID-19

Ang mga naunang miyembro ng BTS na nagka-COVID-19 ay gumaling na. Masasabi na ang pinakamagandang paraan upang malabanan ang virus ay pagpapabakuna. Madalas mas nagiging matindi ang tama at epekto ng COVID-19 sa taong hindi pa nababakunahan. Mataas ang kanilang panganib sa pagkakaroon ng malubhang sintomas na dahilan para sa pagkakaroon ng masinsinang atensyong medikal. Kaya naman napakahalaga rin na malaman kung paano maaaring gumaling sa oras na tamaan ka ng virus. Narito ang mga sumusunod na tip:

  • Magpahinga upang magkaroon ng lakas
  • Uminom ng maraming tubig at liquid para mabawasan ang risk sa pamumuo ng dugo
  • Kumain ng mga masusustansyang pagkain na angkop sa pangangailangan ng katawan
  • Magpatingin o check-up sa doktor
  • Inumin ang vitamins na inireseta o inirekomenda ng doktor
  • Maaaring mag-take ng acetaminophen tulad ng Tylenol para maibsan ang pananakit at lagnat. Maganda rin na kumonsulta sa doktor bago ang pag-inom

Tandaan: Huwag na huwag magbibigay ng kahit anong gamot sa mga bata na wala pang 2 taong gulang nang hindi nakikipag-ugnayan o konsulta sa doktor para maiwasan ang anumang panganib na maaaring mangyari sa bata.

Mahalagang Paalala

Anuman ang iyong katayuan at trabaho sa buhay ay posible kang tamaan ng COVID-19. Kaya naman napakahalaga na magkaroon ng bakuna laban sa mapinsalang virus na ito, para kung sakaling tamaan ka man ng COVID-19 ay may panlaban ang iyong katawan.

Kapag nagpositibo ka sa test o hindi naman kaya ay mayroon kang sintomas ng COVID-19. Maganda na umiwas at lumayo ka muna sa ibang tao para hindi na kumalat ang virus. Kung nagkaroon ka ng close contact mainam na mag-self quarantine ka upang mabawasan ang panganib ng lalong pagkalat ng COVID-19.

Lagi rin tandaan na ugaliing magkaroon ng wastong pagkain at diyeta para sa pagpapalakas ng resistensya para labanan ang virus. Magpabakuna at mag-ingat! Dahil ang COVID-19 ay kalaban na hindi natin nakikita, ngunit nakapipinsala.

Larawan kinuha mula sa Instagram

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Alamin Kung Ano ang Gagawin https://covid19.sccgov.org/learn-what-to-do-tagalog Accessed February 16, 2022

Pag-isolate sa bahay kapag mayroon kang COVID-19 https://sf.gov/fil/isolating-home-when-you-have-covid-19 Accessed February 16, 2022

BTS’ Kim Taehyung aka V Test Positive for Covid-19; ARMY Wishes Him a Speedy Recovery

https://www.news18.com/news/movies/bts-kim-taehyung-aka-v-tests-positive-for-covid-19-army-wishes-him-a-speedy-recovery-4775927.html Accessed February 16, 2022

BTS member V test positive for COVID-19 https://www.nme.com/news/music/bts-v-tests-positive-for-covid-19-kim-taehyung-3162151 Accessed February 16, 2022

Ligtas na pagkain pananagutan ng lahat https://www.who.int/images/default-source/wpro/countries/philippines/emergencies/covid-19/food-safety/food-safety-3-fil.jpg Accessed February 16, 2022

 

Kasalukuyang Version

01/10/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement