backup og meta

BLACKPINK Rose Covid-19 Positive: Kanselado Na Ang Overseas Activities!

BLACKPINK Rose Covid-19 Positive: Kanselado Na Ang Overseas Activities!

BLACKPINK Rose Covid-19 positive – kanselado na ang lahat ng overseas activities matapos niyang magpositibo sa virus, ayon sa kanyang agency – YG Entertainment, Pebrero 28, 2020.

Ang main vocal ng sikat na Kpop girl group na BLACKPINK na si Rose ay kumuha ng PCR test bago siya umalis (overseas) noong Pebrero 28. At sa kasamaang palad nagpositibo ito sa COVID-19 na naging dahilan ng pagkansela ng kanyang mga overseas activity.

Matatandaan na ang unang nagpositibo kamakailan sa virus ay ang main dancer ng BLACKPINK – na si Lisa. 

Subalit sa recent test na isinagawa sa BLACKPINK members noong Pebrero 28. Nakakuha sina Jennie, Jisoo at Lisa ng negatibong resulta.

BLACKPINK Rose Covid-19 positive: Kumusta Ang Kalagayan ng Kpop Artist?

Ayon din sa agency ni Rose asymptomatic ang kpop artist – wala siyang anumang sintomas na ipinapakita.

Lahat ng apat ng miyembro ng BLACKPINK ay kumpleto ng kanilang Covid-19 vaccination. Binigyang-diin din ng agency ni Rose na gagawing priority ang kalusugan ng kanilang artista.

Hinihikayat din ng YG Entertainment na ipagdasal ng BLINKS ang mabilis na paggaling ni Rose. Ipinangako din ng agency na magpro-provide sila ng update sa hinaharap.

BLACKPINK Rose Covid-19: Bakit Mahalagang Magpa-test Bago Umalis ng Bansa?

Mahalaga na magpa-test muna ang isang tao bago pumunta sa ibang bansa. Isa itong protocol na sinusunod worldwide. Ang pagpapa-test ng BLACKPINK members ay isang halimbawa ng mabuting pagsunod sa protocol na dapat tularan. Narito ang mga kahalagahan ng pagpapa-test sa Covid-19 bago umalis ng bansa.

  • Maiiwasan ang paglaganap at paghahatid ng sakit sa ibang bansa
  • Makokontrol ang pagkalat ng virus sa sariling bansa
  • Mabibigyan agad ng atensyong medikal ang taong nagpositibo. Batay sa mga sintomas na ipinapakita
  • Mas magiging ligtas ang paglalakbay ng mga pasahero sa eroplano

Kung nagkataon na hindi nagpa-test sa Covid-19 ang BLACKPINK members. Napakalaki ng posibilidad na lalong kumalat ang virus sa iba’t ibang lugar at bansa. Lalo’t ang daming naka-line up na overseas activities ng Kpop group. Makikita na ang kahalagahan ng pagpapa-test sa Covid-19 ay nagbibigay-daan sa proteksyon ng bawat isa.

BLACKPINK Rose Covid-19: Ano Ang Kasalukuyang Hakbang Pangkaligtasan?

BLACKPINK Rose Covid-19 – walang may gusto na magkaroon ng sakit ang main vocal ng Blackpink. 

Sa pagtagal pa ng pandemya sa mundo karaniwan na ang pagkakaroon ng balita. Tungkol sa mga artista na tinatamaan ng virus. Kaya ang tanong, paano nga ba natin pangangalagaan ang ating mga sarili? Batay sa kasalukuyang pangangailangan ng panahon at sitwasyon. Narito ang mga sumusunod:

Pagbabakuna

Pabakunahan ang iyong mga anak na ang edad at mula 5 taong gulang pataas. Ayon sa mga eksperto sa medisina, ang pagpapabakuna ang susi para matapos ang pandemya. Ito ay epektibo at higit sa lahat libre ang vaccine.

Magsuot ng Mask

Ugaliing magsuot ng mask para makaiwas at hindi maikalat ang virus. Mainam ito sa may mga alalahanin sa immune system at para sa mga bata na wala pang 5 taon.

Magpa-test

Ang pagpapasuri kapag ikaw ay na-expose sa Covid-19 ay mainam para makontrol ang pagkalat ng virus at sa pagkakaroon ng atensyong medikal.

Pag-quarantine at isolate

Dapat mong alamin kung gaano ka dapat katagal sa’yon quarantine. Iwasan din ang iba kung nagkaroon ka ng exposure sa Covid-19 o nagpositibo ka.

Pagbibigay kamalayan

Huwag hayaan ang sarili at mahal sa buhay na maniwala sa mga fake news at maling datos. Laging sumangguni sa mga mapagkakatiwalaang awtoridad.

Pagiging ligtas ng lugar sa trabaho

Isa sa mga responsibilidad ng employer at bawat agency ng mga artista o simpleng tao – na gawing ligtas ang lugar ng trabaho. Laging tingnan ang pamantayan at panuntunan ng estado upang makita ang dapat gawin.

Tandaan: Ang mga paalalang ito ay binuo batay sa pangangailangan ng panahon dahil sa pandemya. Pinakamaganda na laging sumunod sa protocols para maging ligtas.

Key Takeaways

BLACKPINK Rose Covid-19 – siya ang ikalawang member na nagpositibo sa virus. Laging tandaan na lahat ay maaaring tamaan ng virus. Kaya ugaliing mag-ingat at sumunod sa protocol. Ang pagpapa-test bago pumunta sa isang bansa ay mabuting hakbang sa pagsugpo ng pandemya.

Larawan mula sa Instagram

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Blackpink’s Rose tests positive for COVID-19 https://theprint.in/features/blackpinks-rose-tests-positive-for-covid-19/851649/ Accessed February 28, 2022

Mga kasalukuyang hakbang na pangkaligtasan https://covid19.ca.gov/tl/safely-reopening/ Accessed February 28, 2022

Alamin ang iyon mga opsyon sa pagpapasuri para sa COVID-19 https://sf.gov/fil/find-out-about-your-covid-19-testing-options Accessed February 28, 2022

COVID-19: Pagkukulong (Quarantinr) at Iba pang mga Tagubilin para sa mga Malapitang Nakasalamuha http://publichealth.lacounty.gov/acd/docs/COVHomeQuarantineTagalog.pdf Accessed February 28, 2022

Risk Communication For The Covid-19 Health Situation https://www.thecompassforsbc.org/sites/default/files/strengthening_tools/Message%20Toolkit.pdf Accessed February 28, 2022

Kasalukuyang Version

01/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement