backup og meta

Ano ang Nangyayari Pagkatapos ng COVID Vaccine? Alamin Dito

Ano ang Nangyayari Pagkatapos ng COVID Vaccine? Alamin Dito

Habang patuloy na isinasagawa ang pagtuturok ng bakuna, lumilitaw ang mga tanong hinggil sa epekto nito sa tao. Bakit may mga taong nakararanas ng side effect habang wala naman sa iba? Ibig bang sabihin nito, hindi ito gumagana? Bakit nagkakaroon pa rin ng COVID-19 ang mga bakunado na? Bumababa ba ang immunity matapos mabakunahan ng COVID vaccine, o ibig sabihin ba’y hindi epektibo ang bakuna?  Ano ang nangyayari pagkatapos ng COVID vaccine? Alamin natin ang mga sagot dito.

Ano ang nangyayari pagkatapos ng COVID vaccine? 

Karaniwang ulat na mga mild side effects matapos mabakunahan ay ang pananakit ng lugar na tinurukan, lagnat, at pagkahapo. Ngunit bakit ito nangyayari?

Upang maunawaan kung ano ang nangyayari pagkatapos ng COVID vaccine, kailangan nating ipaliwanag kung ano ang nasa loob ng bakuna. Ang bakuna ay may lamang “instruction” manual para sa ating katawan upang gumawa ng SARS-CoV-2 spike protein, kung saan tumutugon ang ating katawan.

Sa oras na maramdaman ng ating katawan ang spike protein, magsisimula itong gumawa ng antibodies, na tumatalab na panlaban sa totoong SARS-CoV-2 virus. Kung mapapansin mo, hindi madaling matutukoy ng ating immune system ang pagkakaiba ng virus at ng spike protein.

Nakararanas ka ng side effects dahil sumasagot ang iyong immune system sa SARS-CoV-2 spike proteins. May mga ulat na nagsasabing mas malakas ang reaksiyon ng iyong katawan matapos ang ikalawang turok ng bakuna dahil mas malakas na ang iyong immune system matapos makagawa ng ilang antibodies mula sa unang turok.

Walang side effects, walang problema, ayon sa mga eksperto.

Kung hindi ka nakaranas ng mga side effect, maaaring magtaka ka kung naturukan ka ba ng totoong bakuna. Baka maramdaman mo ring parang may mali sa iyong immune system. At dahil iniisip mo na hindi nag-respond ang iyong immune system sa bakuna, maaaring maitanong mo ang: humihina ba ang immune system matapos mabakunahan ng COVID vaccine? 

Tinitiyak sa atin ng mga eksperto na maayos ang lahat. Hindi ibig sabihing walang naranasang side effects, hindi na gumana ang bakuna o mayroong problema sa iyong immune system.

Binigyang diin ng mga awtoridad na ang bawat tao ay may kanya-kanyang reaction sa bakuna. Ang mga salik gaya ng pangkalahatang kalusugan, edad, kasarian, kinakain, at mga gamot na iniinom ay nakaaapekto sa karanasan mo sa bakuna.

Humihina ba ang immunity matapos maturukan ng COVID vaccine?

Mahirap sagutin ang tanong na ito, lalo pa’t maraming salik ang nakaaapekto sa level ng immunity ng isang tao.

Humihina ba ang immunity dahil mismo sa COVID vaccine? Malamang na hindi. Lumalabas sa mga ulat ng non-COVID vaccines na hindi nito pinahihina ang immune system.

Sa katunayan, sakaling aksidenteng makakuha ng 11 na bakuna ang isang sanggol nang sabay-sabay, mayroon lamang 0.1% ng immune system ang “used up” o nagagamit. “Used up” ang ginamit na termino dahil may kakayahan naman ang ating immune cells na magpalakas muli.

Upang mapanatiling malakas ang iyong immunity bago at matapos mabakunahan, kailangan mong alagaan ang iyong kalusugan. Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog, kumain ng masusustansya at balanseng pagkain, at palaging mag-ehersisyo. Bukod dyan, iwasan ang mga bagay na nakasasama sa iyo gaya ng sobrang stress at paninigarilyo.

Bakit nagkakaroon pa ring ng COVID ang taong bakunado na?

Ang mga pagkakataong ang taong bakunado na ay nagkaroon pa rin ng COVID-19 ay tinatawag na “vaccine breakthrough cases.” Bagaman bihira itong mangyari, posible pa rin ang mga ito. Ipinapaliwanag ng US Center for Disease na sa ngayon, walang bakunang 100% makaiiwas sa atin mula sa sakit.

May mga taong nahahawahan ng sakit at nananatiling asymptomatic. May iba namang nilalagnat, kailangang maospital, o namamatay.

Isa pang posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon pa rin ng COVID ang tao matapos mabakunahan ay dahil nakuha nila ang virus bago o sa loob ng dalawang linggo mula nang mabakunahan. Tandaang kailangan ng karamihan sa mga bakuna ng 14 araw matapos ang ikalawang turok nito bago ka maging protektado.

Panghuli, huwag nating kalimutang may iba pang variants of interest and concern. Bagaman sinasabi ng mga naunang pag-aaral na tumatalab ang mga bakuna laban sa karamihan sa mga variant, ang ibang variant ay maaari pa ring magdulot ng sakit matapos ng bakuna.

Key Takeaways

Hindi mo masasabi kung gumagana ba ang bakuna batay sa side effects. Gumagana pa rin ang bakuna, makaranas ka man o hindi makaranas ng mga side effect. Lahat ng bakuna ay gumagana. 

Humihina ba ang immunity dahil mismo sa COVID vaccine? Kailangan natin ng mas marami pang pag-aaral para masagot ito. Ngunit sinasabi sa mga ulat tungkol sa mga bakuna para sa mga sanggol na hindi nito napahihina ang immune system ng tao.

Tandaang ang pagpapaturok ng anumang brand ng bakuna ay mas malamang na makapagbigay sa iyo ng proteksiyon laban sa malubha o severe na COVID-19.

Manatiling updated tungkol sa COVID-19 dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What happens after I am vaccinated for COVID-19?
https://www.health.gov.au/initiatives-and-programs/covid-19-vaccines/getting-vaccinated-for-covid-19/what-happens-after-i-am-vaccinated-for-covid-19
Accessed June 24, 2021

What Happens After You Get the COVID-19 Vaccine?
https://healthblog.uofmhealth.org/wellness-prevention/what-happens-after-you-get-covid-19-vaccine
Accessed June 24, 2021

Vaccine Safety: Immune System and Health
https://www.chop.edu/centers-programs/vaccine-education-center/vaccine-safety/immune-system-and-health
Accessed June 24, 2021

Immune response to vaccination after COVID-19
https://www.nih.gov/news-events/nih-research-matters/immune-response-vaccination-after-covid-19
Accessed June 24, 2021

What You Should Know About the Possibility of COVID-19 Illness After Vaccination
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/effectiveness/why-measure-effectiveness/breakthrough-cases.html
Accessed June 24, 2021

Kasalukuyang Version

07/21/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement