backup og meta

Ano Ang BA.5 Variant Ng COVID-19, At Dapat Ba Itong Ipag-Alala?

Ano Ang BA.5 Variant Ng COVID-19, At Dapat Ba Itong Ipag-Alala?

Hindi na maitatanggi ang muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, lalo pa’t ngayon ay may kinikilala na namang bagong Omicron subvariant. Habang isinusulat ito, mayroon ng 2,631 na panibagong mga kasong naitala ang Department of Health (DOH). Kung kaya ang tanong ng karamihan ay, ano ang BA.5 variant? Dapat ba itong ipag-alala? Ating alamin ang mga kasagutan sa artikulong ito. 

Noong nakaraang buwan (Hunyo 4), nagpositibo para sa Omicron subvariant BA.5 ang dalawang indibidwal na naninirahan sa iisang bahay mula sa Central Luzon. Nagpakita sila ng ilang mga sintomas tulad ng sipon at ubo kahit pa sila ay fully-vaccinated at may booster shots. Simula noon, patuloy na paglaganap muli ng kaso kada linggo. 

Ano Ang BA.5 Variant?

Bago natin talakayin kung ano ang BA.5 variant, atin munang balikan kung ano ang Omicron variant. 

Matatandaan na tinukoy ng World Health Organization ang naturang variant bilang variant of concern. Ito ay dahil sa mabilis na pagkalat nito kumpara sa mga naunang variant tulad ng Delta. Sa katunayan, inaasahan na ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang posibilidad ng pagkalat ng Omicron infection, anuman ang vaccination status, may sintomas man siya o wala. Nakita natin ang malakihang epekto nito noong Disyembre, kung kailan tumaas muli ang mga kaso buhat ng nasabing variant. 

Sa kasalukuyan, pinapaigting ng BA.5, kasama ang BA.4, ang pandaigdigang pagtaas ng mga kaso. Dahil dito, 30% ang inakyat ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo, ayon sa WHO. 

Hindi na bago ang BA.5. Ito ay unang natukoy noong Enero at patuloy na sinubaybayan ng WHO mula noong Abril. Tulad ng malapit nitong kapatid (BA.4), ang BA.5 ay partikular na mahusay sa pag-iwas sa immune protection na naihahandog ng bakuna o ng naunang impeksyon. Kung kaya, mayroon itong growth advantage kumpara sa ibang nagdaan na Omicron sublineages. Ito ay ayon kay Maria Van Kerkhove, ang technical lead ng WHO sa COVID-19. 

Para sa maraming tao, nangangahulugan ito na maaari silang dumanas ng tinatawag na re-infection. Ito ay posible kahit sa maikling panahon matapos makuha ang naturang virus.

Ano Ang BA.5 Variant At Ano Ang Masasabi Ng Mga Eksperto Tungkol Dito?

Tinawag ni Eric Topol, isang cardiologist at propesor ng molecular medicine sa Scripps Research, ang BA.5 na pinakamasamang bersyon ng virus. Ipinaliwanag niya sa kamakailang newsletter na ito ay dahil sa “immune escape,” na rason para sa mataas na transmissibility rate.  

Anya, inaasahan niya ang pagtaas ng hospitalizations, gaya ng nakita sa Europe at sa ibang lugar kung saan ito nag-ugat. Gayunpaman, binanggit din niya na hindi ito nangangailangan ng mga ICU admissions tulad ng mga nauna. Hindi man ito nakamamatay, ito pa rin ay nakakabahala.

Bukod pa rito, iginiit ni Van Kerkhove na wala ring katibayan na ito ay mas mapanganib kaysa sa ibang variant. Subalit, maaari nitong ilagay muli ang mga health services sa ilalim ng matinding presyon at maaaring magdulot ng malalang COVID-19.

Ano Ang BA.5 Variant at Ano ang Maaari Nating Gawin?

Patuloy na pinapaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña ang mga tao na suotin ang kanilang mga face masks kahit nasa labas. Bagaman nakapagbigay ng magandang proteksyon laban sa impeksyon sa mga nakaraang variant ang pagiging nasa labas, maaaring maging delikado ito sa mga pinakabagong Omicron subvariant. 

Ayon kay Salvaña, ang mga kasalukuyang bakuna ay patuloy na pumipigil sa malalang sakit. Ngunit, hindi ito gaanong epektibo para maiwasan ang impeksyon. Mas mahalaga pa rin ang pagsuot ng face masks upang maiwasan ang mas maraming impeksyon habang naghihintay ng updated vaccines.

Sinasabi ng mga health authorities na ang BA.4 at BA.5 ay highly transmissible, gaya ng tigdas. Iitinuturing ang tigdas na pinakanakakahawang sakit sa mga tao.

Mismong DOH na ang nanghinuha na ang mga kaso ay maaaring umabot ng hanggang 17,000 sa katapusan ng Hulyo. Ito ay kung higit pang bumaba ang minimum public health standards.

Alamin ang iba pa tungkol sa Coronavirus dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Explainer: What is the COVID BA.5 variant and why is it reinfecting so many people?, https://www.reuters.com/business/healthcare-pharmaceuticals/what-is-ba5-variant-why-does-it-seem-be-reinfecting-so-many-people-with-covid-19-2022-07-13/ Accessed July 14, 2022

The ‘worst variant’ is here, https://edition.cnn.com/2022/07/13/world/coronavirus-newsletter-intl-07-13-22/index.html  Accessed July 14, 2022

Omicron Variant: What You Need to Know, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/variants/omicron-variant.html#:~:text=The%20Omicron%20variant%20likely%20will,or%20don’t%20have%20symptoms. Accessed July 14, 2022

What You Need to Know About Variants, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/variants/about-variants.html Accessed July 14, 2022

Continue wearing masks as BA.5 cases rise: health expert, https://www.pna.gov.ph/articles/1178828 Accessed July 14, 2022

BA.5: Another Omicron sub-variant and its impact on PH recovery, https://newsinfo.inquirer.net/1627393/ba-5-another-omicron-sub-variant-and-its-impact-on-ph-recovery#ixzz7Z2c8m3K5 Accessed July 14, 2022

COVID-19 active infections jump to 16,244, after 2,371 new cases, https://newsinfo.inquirer.net/1628225/covid-19-active-infections-jump-to-16244-after-2371-new-cases#ixzz7Z2cFPrgw Accessed June 14, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Monkeypox Virus: Ano Ito, At Mayroon Na Bang Kaso Sa Pilipinas?

COVID vaccine para sa buntis: Heto ang lahat ng dapat mong malaman


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement